DESTINY 1 - LUCHASE

1.2K 45 21
                                    

A/N:

Welcome to Book 2!

Thank you so much sa pagsama sa akin hanggang dito.

Sorry natagalan ang update. Peace!

Enjoy reading!



CHASE POV

Dalawang araw.

Dalawang araw pa lang siyang wala pero para na akong masisiraan. Hindi ko alam kung paano ko nakayang pumasok araw-araw at nakikitang bakante ang upuan niya.

Madalas nakatingin lang ako doon. Iniisip ko kung kumusta na ba siya. Kung nasaan na ba siya. Ano ng ginagawa niya. Umiiyak pa rin kaya siya. Galit pa rin ba. Pucha! Just the thought of it pains me!

Ayaw na ayaw kong umiiyak siya pero ako mismo ang nagpaiyak sa kanya.

Gusto ko siyang sundan. Gusto ko siyang puntahan pero tama si Ellie, saan? Paano kung ituloy ko tapos mapahamak na naman siya.

Halos lumuhod ako kay Ellie para lang payagan ako. Tulungan. Wala na nga akong pakialam kahit ma-flying kick ako ng isandaang beses! Pero kahit daw siya wala magagawa. Gusto nga rin niyang sumunod pero hindi siya makakagalaw hangga't walang utos na bumalik din siya. Mukhang totoo naman dahil hanggang ngayon nandito pa rin siya.

"Kaya pa?" Lapag ni Ellie ng pagkain niya sa table namin at naupo sa tabi ni Kenjie. "Bantayan niyo 'tong kaibigan niyo. May saltik pa naman yan." Bilin niya kina Kaiden.

"You think she's okay there?" Pambabalewala ko sa pang-aasar niya.

"She's safe there. Walang makakagalaw sa kanya dun. Hindi ko nga alam kung okay siya. Kasi hindi naman siya okay nung umalis siya. Obviously, you know why." Mahihimigan ang galit sa tono niya.

Kahit hindi niya sabihin ramdam kong galit siya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako lumilipad hanggang sa mga oras na 'to.


"Ellie?" Tawag ni Sir Miranda. "I heard Yesha filed an indefinite leave? Is she okay? What happened?"

Matagal bago siya nakasagot. Parang pati siya nagulat sa narinig. "H-hindi ko rin alam, sir."

"Ah gano'n ba. Well, let's just hope everything's fine with her. Class dismiss."

"Nagfile siya?"

"So, hindi na siya babalik?"

"Nakakalungkot naman. Ang saya pa naman ng room 'pag nandito siya."

"Kaya nga. Nami-miss ko na nga siya eh."

"Sana bumalik pa siya."

"Baka hindi na. Nagfile na eh."

Bulungan ng mga kaklase namin. I saw Ellie clenching her fists. Kenjie held her clenched fists.

"Hindi mo ba alam ang tungkol doon?"

Umiling siya. "They filed without informing me." Matigas niyang sabi. "I don't know what the hell is going on with her anymore. Nasa tabi niya dapat ako pero bakit hanggang ngayon hindi pa ako pinapabalik? May mali eh." Halos paiyak nang sabi niya. "Ako dapat ang unang nakakaalam ng mga gano'ng bagay... unless..." Parang may pumasok sa isip niya at bigla na lang lumabas ng room. Sinundan ko siya at naabutang may tinatawagan.

She keeps on tapping her finger while waiting for the other line to pick up.

"Tangina!" Mura niya at nagdial ulit. "Why won't they pick up?!" Galit na sigaw niya.

Hinawakan ko siya sa balikat, "calm down."

"Calm down?! How can I calm down! Wala akong ideya kung anong nangyayari sa kaibigan ko. And you really have the audacity to tell me to come down?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to!"

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon