A/N: Inline comments please... Beke nemen... Hahahaha
Enjoy reading!
LUCAS POV
Sandaling nag-usap pa kami ni Chase sa park bago namin napagdesisyunang umuwi na. I decided to stay in their house that day.
Natigilan pa si Mama Olivia nang makita kami. Tumingin ito sa relo niya. Hindi pa kasi namin dismissal pero nando'n kami.
"Did you two cut class?!" Galit na tanong niya. "Oh my God!!" Hindi pa kami nakakasagot nang bigla siyang sumigaw at binigyan kami ng mahigpit na yakap. Kahit hirap na hirap siyang tumingkayad at pagkasyahin kaming dalawa sa bisig niya, wala siyang pakialam. "My boys are back!! Ahhh!!" Tuwang-tuwang aniya. She let go of us. "I'm so happy." Mangiyak-ngiyak na sabi niya. "But next time, don't cut class." Bilin niya. "But I'm really happy. I'll get you meryenda."
"Bihis lang ako," paalam ni Chase. "Nasa kwarto mo pa naman mga gamit mo so bahala ka na sa buhay mo." Tsaka niya ako iniwan.
It was just like before. Hindi niya ako inaasikaso kasi hindi naman daw ako bisita, pamilya ako.
"You need help, Mama?" Instead of going to my room, I followed Mama on the kitchen.
"Kaya ko na 'to."
I gave her a hug. "I miss you, Mama. Thanks for welcoming me despite what happened between me and Chase."
She cupped my face, "'tong batang 'to. Of course, I'll welcome you. You're my son, remember?"
"Thanks, Mama. Can I stay here tonight?"
"Really?" Nanlalaki ang matang tanong niya.
I nodded.
Sa mga nagdaang araw, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam naming lahat. Nakatulong na magkakasama na ulit kaming sampu. Pati na rin sina Ellie, Hailey at Niko.
Sayang lang wala si Yesha.
Maging si Chase ay naging okay kahit paano. May mga pagkakataon lang na natatahimik pa rin siya. Titingin sa upuan ni Yesha tapos tutungo na lang. 'Pag nakikita naming gano'n na siya, palihim kaming nagsesenyasan at madalas si Kai ang mangungulit sa kanya para lang ma-distract siya.
Kinakausap ko si Ellie kung may balita na ba siya pero umiiling lang siya lagi. Ramdam ko ang lungkot ni Ellie. Minsan nakikita kong naiiyak na rin siya pero ayaw niyang ipaalam sa amin.
"You miss her so badly, don't you?" Tanong ko nang minsang nakita kong mag-isa siyang nakaupo sa garden.
"Hindi ah. Ang saya-saya ko nga. Walang nagpapasakit ng ulo ko."
Tinapik-tapik ko ang likuran niya. "Okay lang naman umiyak. Hindi naman ibig sabihin na 'pag umiyak ka, mahina ka na."
Ewan ko ba pero pakiramdam ko kailangan ko silang tingnan lagi. Na kailangan kong siguraduhing ayos lang sila. Sila ni Chase. Ang dalawang taong importante kay Yesha.
Maya-maya'y tumungo siya, "siraulong bruha 'yun." Iyak niya. "Humanda talaga sa akin 'yun pagbalik niya. Gago siya. Anong karapatan niyang paiyakin ako? Anong karapatan niyang pag-aalalahanin ako nang ganito?"
Pinunasan niya ang mga luha, "ikaw? You miss her?"
Bumuntong-hininga ako, "like hell." I answered.
"But you want to appear strong... for Chase?"
"Naniniwala akong babalikan niya siya. I believe in the love they have for each other."
"Wow! Magbest friend nga kayo ni Chase. Pareho kayong sadista."
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
Fiksi RemajaJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.