DESTINY 23 - YESHA'S CONDITION

345 29 7
                                    


LUCAS POV

"He died... protecting me."

The information left us rooted in place. Kaya naman nang tumayo at tumakbo palabas si Yesha, wala sa amin ang nagkaroon ng lakas ng loob para pigilan siya.

Shock was written all over our face.

"Kaya ba..." I trailed.

"Yes," Ellie answered, "kaya ayaw niyang may pumoprotekta sa kanya."

"No, that's not what I mean. Her condition, is it because his death?"

"Yes, it started that day."

"Does that also mean... 'yon ang pinakamabigat na factor para mawalan siya ng malay?"

"Ye---" Then realization hit her. "Shit!" Takbo niya palabas.

Nasapo ko ang noo. Tila huminto ang utak ko sa pagproseso ng iba pang bagay maliban sa kondisyon niya. Ramdam ko ang paglalim ng paghinga ko. "Fvck!" Mahinang mura ko habang pinapakalma ang sarili. I need to think straight.

"Lucas, anong nangyayari?" Seb asked.

There's no point lying.

"You lool like hell. Tell us what's happening."

Pinigilan ko ang mga luha ko, "we need to find her. Maghiwa-hiwalay---"

"Can you tell us what's happening? Anong kondisyon 'yon?" Johan demanded.

"We don't have time for this---"

"Hindi lang ikaw ang kaibigan niya rito!"

I looked at Chase. Nakatayo lang siya sa pwesto niya, mukhang hindi pa nakaka-recover. Nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabilang-balikat. "Chase, snap out of it." Yugyog ko sa balikat niya.

He slowly looked at me. Damn! He's a mess. Guilt, confusion, regret were written on him. "We need to find her."

He nodded but obviously didn't understand what I said.

"Chase," muli kong yugyog sa kanya. "Huwag ngayon. She needs you!"

"I hurt her! Hindi ko naman alam na---" tila wala pa rin sa sariling aniya.

"Damn it! Mamaya na 'yan, ang importante mahanap natin siya agad. Naririnig mo ba ako?!"

"I hurt her again. Paano kung umalis ulit siya. Paano kung---"

Our friends gasped as I land my fist on his face. Pagbagsak niya, nilagay ko ang mga paa sa nmagkabilang tagiliran niya at kinwelyuhan siya. "For the last time, Chase. Snap out of it! Mas hindi mo kakayanin 'pag nawalan siya ng malay!!"

"What?" Thank God natauhan na siya. He frantically looked around. "Where is she?" Hawi niya sa 'kin, hindi pinansin ang dumudugo niyang labi.

"We need to find---"

"Can you tell why first?" This time, it's Niko who demanded. "Sa nakikita naming pag-aalala sa 'yo, pinapatay mo kami."

Looks like I don't have a choice. Isa-isa ko silang tiningnan, anxiety were evident on all of them. I let out a heavy sigh. "Sa tuwing nakakaramdam si Yesh ng sakit, ng sobra-sobrang sakit, hindi niya 'yon kinakaya kaya nawawalan siya ng malay."

"At sa nangyari ngayon... Paniguradong mawawalan siya ng malay, gano'n ba?" Ken asked.

I nodded.

Hailey gasped and covered her mouth, tears immediately filled her eyes. "Paano kung... hindi siya nahabol ni Ellie tapos nawalan siya ng malay sa kung saan?"

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon