DESTINY 37 - GOODBYES

286 26 12
                                    

A/N:

Happy Birthday YleanneAlagao!





ELLIE POV

"I'm back!!" Anunsiyo ko pagpasok sa opisina ni Yesha.

"Should I throw a welcome party for you?" Biro niya. Hindi man lang inalis ang paningin sa laptop.

"Ha-ha. Funny." I answered sarcastically. Binagsak ko ang sarili sa long sofa. "Didn't you miss me? More or less one year din akong wala."

"Are you asking the ceiling? I'm pretty sure it didn't miss you."

I faced her. "Remind me again why I agreed with your special assignment?"

"Because you love me." She answered.

I rolled my eyes.

"Oo na, syempre na-miss kita. That's why..." hinarap niya sa akin ang laptop. "... we're going here."

Lumapit ako tiningnan ako at tiningnang mabuti iyon. "Japan?" Takang tanong ko. "Kararating ko lang. Bagong assignment ulit? Hindi pwedeng magpahinga muna?"

She laughed.

"I'm serious, Yesha. Gusto ko talaga magpahinga. Alam mo ba kung gaano nakakapagod at nakaka-stress ang pinagawa mo?"

"Hindi naman kasi assignment 'to. We'll continue studying. Namili ako ng school na fast track or maybe tri-sem para mabilis tayong matapos."

"In Japan? We'll study in Japan?"

"Yup!"

"Ayaw mo sa Bentley University?"

"Ellie..." she said knowingly.

"I'm kidding. But seriously, why Japan?"

"Baka kasi do'n mo mahanap ang forever mo." Pang-aasar niya.

"Eh ikaw?"

"Nahanap ko na ang forever ko." She made a face.

"Pero pinakawalan mo."

She stilled.

"Sorry." Agad kong bawi.

Humarap siya sa bintana. "It's okay. Totoo naman eh."

"Ayaw mo ba talaga sa Bentley?"

"Ayoko." Iling niya.

"Kahit magpakita ka lang."

Umiling pa rin siya.

"You miss him." Pagkumbinsi ko pa rin. "That's why you always start your day watching the sunrise. It reminds you of him."

"It reminds me of his promises." She added. Sadness filled her voice.

"And you're still hoping, aren't you?"

Hindi siya sumagot. Lumapit ako at niyakap siya mula sa likod. "If ever you change your mind, just tell me. Sasamahan kita. Kahit magpakita ka lang saglit. It will make both of you happy."






Matapos ang isang linggo, lumipad na kami patungong Japan. Nakapili na rin kami ng eskwelahang papasukan.

Ilang buwan ang mabilis na lumipas. Naging busy na kami. Ako, sa pag-aaral at sa mga assignment. Wala man ako physically sa mga naka-assign sa akin pero maya't maya ang dating ng reports sa akin. Paminsan-minsan din ay ako mismo ang nag-aasikaso sa mga assignment na iyon.

While Yesha, hindi ko alam kung paano niya napagsasabay-sabay ang pag-aaral, pag-asikaso sa mga negosyo niya at mga tungkulin sa isla.

Kape na ata ang dumadaloy sa katawan niya.

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon