YESHA POV
"Rise and shine, Rygilia!" Yugyog ni Ellie sa balikat ko saka tumayo at hinawi ang kurtina. Mariin kong naipikit ang mga mata at bahagyang umiwas ng tingin sa sikat ng araw.
Sa pag-iwas ko ng tingin, napako ang tingin ko sa kanang parte ng kama. A sting of pain twitched my heart. Naupo ako at hinaplos ang bahaging iyon.
"Yesh?" Tawag ni Ellie sabay upo sa tabi ko. "Why are you crying?" She asked, worried.
Nahaplos ko ang pisngi. Basa nga iyon. Hindi ko man lang namalayan ang pagbagsak ng sarili kong mga luha. Napahawak ako sa dibdib nang muling maramdaman ang kirot doon.
"Yesh..." hawak na ni Ellie sa kamay ko. "What's wrong?"
Patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ko. Naramdaman ko na lang ang pagyakap ng kaibigan. "Did you have a bad dream?"
I shook my head. "I dreamt about Chase. He was here, singing me to sleep."
She stopped caressing my back and slowly backed away. Shock registered in her eyes before shaking her head. "Yesh---"
"I know." I cut her off and lowered my head as more tears flooded my eyes. "It was just a dream. Imposibleng siya 'yon. Paano naman siya mapapadpad dito. It's just that... ilang buwan na siyang wala. And I really do miss him.
"Para kaming nagkapalit ng posisyon. Ako naman ngayon ang naghihintay. Nag-aalala kung ayos lang ba siya. Nag-iisip kung nasaan na ba siya. Natatakot kung kailan ba talaga siya babalik o kung babalikan pa ba niya ako. Ang hirap pala nang ganito. And he went through this for three years."
"Yesh," ayos nito sa buhok ko at pinaharap ako sa kanya. "Babalik siya. Si Chase 'yan eh. Mahal ka no'n. Saka marupok kaya kayo sa isa't isa." She jested which made me chuckle.
I eventually nodded and wiped my tears. Silence enveloped us as I composed myself. Then I noticed her staring seriously at nothing. "Bakit?" My curiosity kicked in. It's unusual for her to stare at nothing like that.
She forced a smile. "Wala. May balak ka bang hanapin siya?"
Umiling ako. "Gaya ng sabi ko dati. I want to give him the time that he needs. Kaya kung binabalak mong hanapin siya, drop it. It's not necessary."
She just nodded and forced a smile again.
"You're still worried." I pointed out. She avoided my gaze. "Sorry na, Nanay Ellie." Paglalambing ko. "Hindi ko naman akalain na hanggang panaginip ko mararating niya."
"Kasi nga marupok ka!"
I pouted. "Grabe ka naman. Para kayang totoo na nandito na siya." I sighed deeply remembering how our gaze met. How he sang for me. I even remember touching his features. It felt so real.
I closed my eyes and shook my head vigorously, shoving the thoughts away.
You just miss him badly, Yesh. It was just a dream. Imposibleng siya 'yon.
I decided to have my breakfast in my favorite place. Wala akong gana pero kailangan. Pupuntahan ko ulit ang sandatahan ngayon at kailangan ko ng lakas.
Kumagat ako sa clubhouse na dala habang nakatitig sa asul na dagat. Nakaupo lang ako sa duyan habang inuubos iyon pati na rin ang fresh buko juice na dala ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang panaginip.
Pinilit kong alalahanin ang mga detalye. He was lying beside me, singing then our gaze met. I remember the fear that flashed in him when our eyes locked. And his shirt...Hindi ko gaanong pinagtuunan ng pansin iyon pero sigurado akong madumi iyon at may mga punit. Parang napahirapan siya.
BINABASA MO ANG
My Destiny (Book 2)
أدب المراهقينJust when you thought everything's falling into its place... Shit happens.