DESTINY 11 - YDLANDIA PART 2

519 25 3
                                    


LUCAS POV

"She's the special person?" Gulat na tanong ni Dustin.

"Yes, she is. Let's go." Aya ni Ellie at nauna nang naglakad kasama ang GM at sina Niko.

Naiwan kami ng Chasers.

Pasimple akong siniko ni Ken at iminuwestra si Chase.

He was again clenching his fist. Teeth gritting in anger. Breathing heavily. Trying so hard not to explode.

"Tutuloy ba tayo?" Seb asked. "Okay lang naman kahit sa hotel na lang tayo."

Umiling si Chase. "This is what she wants." Madiing sagot niya.

Halata ang galit sa kanya sa bawat hakbang. Sumunod na rin ang iba sa kanya.

Tiningnan ko ang cabin. It doesn't actually look like a cabin. It's like a castle on top of a rock hill. A castle made of glass. Hindi kasing laki tulad ng totoong kastilyo pero halata ang ganda. It's a gift for a very special person anyway. Malamang maganda.
Malayo pa nga ito sa pinakaresort talaga. Siguro para rin tahimik at walang makaistorbo. Ang tanging maririnig lang ay ang alon ng dagat at huni ng mga ibon. Kung tutuusin 'yon pa lang ay nakakarelax na. No wonder marami ang may gustong dito mag-stay.

Nakakarelax. Sana. Kung hindi lang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang best friend ko.

Sumunod na rin ako at sinabayan si Chase. "You okay?" Akbay ko sa kanya. "Pwede naman tayong tumanggi kung ayaw mo dito."

Tumingin ito sa akin. "Hindi ko na alam kung para saan ba ang bakasyon na 'to. Hindi ko na alam kung bakasyon ba talaga ang dahilan kaya tayo naimbitahan dito. Para kasing hindi naman."

"Hindi naman siguro. Si Yesha ang nagsabi na dito tayo kaya hindi naman siguro."

Nilingon nito ang Yshia. "A gift for a very special person." Aniya. "Who would give a gift like this kung hindi niya mahal ang taong pinagbigyan niya. At bakit siya tatanggap ng ganitong regalo?"

Nakuha ko naman ang gusto niyang iparating. "Chase, hindi materialistic si Yesha."

"'Yon na nga, pre. Hindi nga siya materialistic. Eh bakit tinanggap ang ganito kaenggrandeng regalo? Do you see that?" Turo niya sa cabin. "It's a glass castle for fvck's sake!"

"Iiyak ka na ba?" Singit ni Ellie sa usapan namin. "Pati ba 'to issue pa rin sa'yo? Hindi ba siya pwedeng tumanggap ng ganitong regalo? Don't you think she deserves a grandious gift like this?"

"She does---"

"You have seen nothing yet, Chase." Putol niya. "Kung ang mga ito pa lang, hindi mo na matanggap, siguro dapat kalimutan mo na lang siya."

"Dahil lang sa mga 'to? No fvcking chance, Ellie."

"Pwes umaayos-ayos ka. Ito pa lang ganyan ka na, baka 'pag nalaman mo kung sino talaga si Yesh at kung sino ang may-ari ng lugar na 'to, himatayin ka."

"Kilala niyo ang may-ari?" I butt in.

"Of course. I know him better that anyone else."

Tiningnan nito si Chase. "When Yesha accepted this gift, nakapangalan na sa kanya kaya wala na siyang nagawa. At hindi niya rin kayang tanggihan ang taong 'yon. She loves him so much to turn him down.

"At malamang magagalit ka na naman na mahal ni Yesh ang may-ari so may I just remind you na wala ka pa no'ng tinanggap niya ito. Hindi ka pa niya kilala. Wala pang Chase sa buhay niya kaya umaayos-ayos kang gago ka. 'Pag nalaman na naman niya 'yang ganyang asta mo, mag-aaway na naman kayo.

My Destiny (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon