[Nathan's Point of View]
"Gabriel may nangyari sa entrance ng building natin" sabi ni Xavier kaibigan ni Gabriel, dahil sa sinabi niya ay napatayo kaming lahat "Bakit? anong nangyari?" sabi ni Gabriel
"May nag-suicide" sabi niya nagkatinginan kami lahat at tumango, mabilis kaming tumakbo palabas ng building at napatigil kami ng makita ang isang babae na nakahiga sa cemented floor at naliligo sa sarili nitong dugo pero ang pumukaw sa atensyon ko ay ang babaeng nakatayo sa harap nito, nanginginig ang mga tuhod at kamay at kita mo ang mga luha sa kamay nito.
Tinitigan ko siya ng unti-unti siyang lumingon sakin na may mga luha sa mata "Nathan" pagtawag niya sakin.
By instincts ay tumakbo ako papunta sa gawi niya at hinawakan ang balikat niya
"Agatha" pagtawag ko dito pero nanatili parin siyang tulala at lumuluha, rinig ko ang sigaw at singhap ng mga estudyante "Hallie!" sigaw ng isang babae at lumapit sa bangkay
"Gumising ka Hallie" sabi niya at inikot ang katawan ng babae at niyakap yun "Gumising ka please" hikbi ng babae
"Hindi ko yun sinasadya" bulong ni Agatha para mapatingin ako sa kanya at kita ko kung paano niya takpan ang dalawang tenga
"Agatha, calm down" sabi ko pero umiling-iling lang siya "Hindi ko yun sinasadya" hikbi niya "Agatha look at me" utos ko at pilit siyang pinaharap sakin
I need to calm her down...
"Calm down, take deep breaths" sabi ko at sinunod niya ako at mukhang kumalma siya kahit konti pero hindi parin tumitigil ang pagpatak ng luha niya kaya ako mismo ang nagpahid, hiniwakan ko ng mahigpit ang braso niya ng mahimatay siya
"Nathan" napalingon ako sa tumawag "Inspector Gonzaga" sabi ko tinignan niya ako at kay Agatha "Lets talk later asikasuhin mo muna yan" sabi niya tumango ako at binuhat si Agatha
"Talk to Drake babalik ako agad" sabi ko tumango na lang siya at kinausap ang isang officer.
Si Inspector Gonzaga isa sa mga kaibigan naming police para makapasok kami sa mga crime scene.
♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠
[Agatha's Point of View]
Napamulat ako at bumungad ulit sakin ang puting kisame that's when I remembered what happned that made me sit up straight
Hallie
Blood
Panic attack
Agad akong tumayo dahil walang Nurse ay walang nakapagpigil sakin, bumaba ako at lumabas ng building para bumangad sakin ang mga estudyante at police officers, ang bangkay ni Hallie na nakahiga lang sa sahig ay ngayon ay may nakatakip ng blue na blanket pero kita mo parin ang dugo, nahagip ng mata ko si Nathan na kausap ang isang Officer kasama ang mga club mates niya
"I give this case to you Nathan tawagan niyo lang ako kung kailangan niyo ng tulong" sabi ng Officer na pinagtaka ko
Bakit niya ibibigay kay Nathan? Siya ang officer?
"Papayagan naman kayo ng school so I give this case to you" sabi ng officer tumango si Nathan "Anong pangalan ng victim?" tanong ng isang lalaki
"Hallie Edwards 16 years old 5'4" sabi ng officer "Yung babae kanina?" tanong ng isa pang lalaki
"Apple Winston sa tingin ko magkaibigan ang dalawa and sa sinabi niya kanina ay mukhang isa siya sa mga witness" sabi ng officer "We'll ask the alibi" sabi ng isang babae tumango ang officer"Oh sige maiwan ko na kayo" sabi ng officer at umalis kaya tinawag ko na si Nathan "Nathan" pagtawag ko dito lumingon siya sakin "Gising ka na pala" sabi niya
"Nathan anong ibig sabihin nito? Nag-suicide ba si Hallie?" sabi ko umiling siya "Ehem ipakilala mo naman kami jan" rinig kong bulong ng isa pero narinig ko parin, napailing si Nathan
"Si Drake, Gabriel, Trinity at Hazel" pagpapakilala niya at tinuro pa sila isa-isa nginitian ko silang lahat at magsasalita na sana ng may lumapit samin "Sir ayaw magsalita ng bata" sabi ng officer
"Will talk to her-" hindi ko pinatapos magsalita si Nathan "Ako na ang kakausap" sabi ko "You can't" sabi ni Nathan
"Pero Nathan mas lalong hindi yun magsasalita sa inyo lalo na't hindi niya kayo kilala, were in the same class kaya ako na ang kakausap" sabi ko kita ko sa mukha niya na gusto niya pang umangal pero pero mas piniling hindi na lang magsalita
"Halika po ma'am" sabi ng officer tumango ako at sinundan siya.
Dinala niya kami sa isang ambulansya kung saan sa likod nun ay si Apple na tulala habang nakapalupot sa kanya ang blanket, her hands and clothes were full with blood dahil sa pagyakap niya kay Hallie kanina, just thinking of what happened ay naawa ako kay Apple "Iwan mo kami" sabi ko sa police tumango siya at umalis
"Apple" pagtawag ko dito pero parang wala siyang narinig at nanatiling nakatulala, napabuntong hininga ako at umupo sa tabi niya
Hindi ko dapat siya pilitin...
I fought the urge to look at her dahil mas lalong hindi siya magsasalita, I remember when I was at her place hindi talaga ako nagsalita at kumibo, ilang minuto pa ng katahimikan ng sa wakas ay nagsalita na siya "Hallie she... nagpahulog siya sa rooftop" sabi niya
"Why did she do that?" sabi niya at tumingin sakin na blanko ang tingin "Hindi ko din alam Apple at ikaw dapat ang tanongin ko nun, bakit niya yun ginawa?" sabi ko at dun siya napatigil at natulala ulit bumuo nanaman samin ang katahimikan ng magsalita siya
"My boyfriend" sabi niya na pinagtaka ko "What about him?" sabi ko "May gusto si Hallie sa kanya at alam kong nasaktan siya nung naging kami pero sabi niya okay lang sa kanya at masaya siya para sakin p-pero... pagkatapos namin umalis ng kausapin ka namin nagbago na ang kilos niya" sabi niya
"Do you think this is suicide?" tanong ko umiling siya "Hindi yun magagawa ni Hallie may takot siya sa diyos Agatha" sabi niya at humikbi "Hindi ko alam kung bakit kailangan mangyari sa kanya toh" sabi niya
"May kaaway ba siya?" sabi ko umiling siya "Wala, mabait siya sa kahit sino" sabi niya hindi ko alam kung bakit pero may parang kulang sa sinabi niya "Mayaman ang pamilya niya at nagkakasundo silang lahat kaya walang dahilan para magpakamatay siya sa family issue" sabi niya
"Ang hula ko lang talaga na pwedeng maging dahilan niya kaya siya nagpakamatay ay dahil naging boyfriend ko siya" sabi niya "Whats your boyfriend's name?" tanong ko tumingin siya sakin "Patrick Locks"
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misterio / Suspenso_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...