Pilit nilang pinatayo ang sampung tao sa grupo "Posasan yan!" sigaw niya na sinunod ng mga lalaki at pinosasan ang mga tao na pilit nagpupumiglas
"Nathan is calling…" rinig ko sa earpods sa tenga ko, pinindot ko yun para sagutin ang tawag "Agatha? Anong nangyayari?" sabi nito
"My nagho-holdap dito sa mall" bulong ko habang tinitignan ang paligid "Tatawag ako ng pulis" sabi ni Nathan sa kabilang linya "Nathan nandito si Charles Wilheilm" sabi ko at tumingin sa second floor pero wala na siya dun
"Ano?" sabi niya "Siya ata ang may pakulo nito" sabi ko, nagulat na lang ako ng may marahas na humawak sa braso ko at pilit ni pinatayo ako
"Ito na siya boss" sabi ng lalaking may hawak sakin at agad ako kinabahan at natakot "Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sakin
"Bitawan mo siya!" sigaw ni Drake at hahawakan sana ako sa kamay pero nagulat ako ng sinuntok siya ng lalaki "Drake!" sigaw ko sa gulat
"Bitawan mo ko!" pagpupumiglas ko at lalapitan na sana si Drake ng hilahin ako palayo ng lalaki at marahas na binato dun sa boss nila
"Ikaw nga ang hinahanap ni boss" sabi niya habang nakangisi at hinawakan pa ang panga ko "Wag mo siyang sasaktan" rinig kong sabi sa telepono ng lalaki
"Siguraduhin niyong walang kahit gasgas ang katawan ng babaeng yan" sabi nito at agad ko na kilala ang boses "Ano ba ang kailangan mo sakin ha?!" sigaw ko
"Importante ka samin Agatha" sabi nito at napaiktad ako ng maramdaman kong may tinusok yung lalaki sa leeg ko, ang hindi ko naramdaman na antok kanina ay bigla na lang dumating sakin, bumigat ang talukap ng mata ko.
And black out.
[Nathan's Point of View]
"Siya ata ang may pakulo nito" sabi niya at bigla na lang ako nakarinig ng sigawan "Agatha? Agatha!" sigaw ko sa telepono at tinignan ang cellphone at nainis ng makita na binaba na ang tawag
"May problema ba Nathan?" sabi ni Gabriel habang nagdra-drive "Na holdap sina Agatha, dalian mo mag-drive" sabi ko.
_
"Kuya yung mga tao dito na naholdap?" sabi ni Gabriel sa gaurd "Nakuha na ng pulis kanina pero may iba na nakuha" sabi ng gaurd, nagkatinginan kami lahat at sinubukan na tawagan ang number ni Drake o ni Agatha
"Gabriel tawagan mo si Inspector Gonzaga" utos ko, Shit nasan ka na ba Agatha?
[Agatha's Point of View]
Nagising ako na hindi ko magalaw ang kamay at masakit ang likod ko "Drake?" pagtawag ko at linibot ang paligid, nasa isang madilim na bodega kami
"Drake!" pagtawag ko, nakarinig ako ng daing sa likod kaya pilit kong sinisilip "Drake? Drake!" pagtawag ko ulit "Agatha?" sabi niya
"Ako nga! Anong nangyari?" tanong ko "May tinusok yung lalaki sa leeg mo at bigla ka na lang bumagsak at biglang may lumabas na usok, sleeping gas ata yun" sabi niya, magkatalikuran kami habang may kahoy sa pagitan namin at nakatali ang dalawa naming kamay gamit ang isang lubid
"Kung ikiskis ko tong lubid sa kahoy bago maputol" sabi niya at kiniskis ang lubid sa kahoy "Sana mahanap tayo ni Nathan" mahina kong dasal, nagulat kaming dalawa ni Drake ng biglang may pumasok at sinara ang pinto
"My dear Agatha" sabi niya at lumuhod at hinaplos pa ang pisngi ko "P-Paano mo ko nakilala?" sabi ko kaya ngumiti siya sakin "Hindi ko lubos maisip na sa tagal nating magkakasama ay makakalimutan mo lang ako" sabi niya at umiling
"Tumakbo ka nga gaya ng sinabi ko" sabi niya at ngumisi "And here you are now" sabi niya at tumayo
"Charles tumakas kayo ni Agatha" sabi ni Mommy at tinulak kami ni Charlie palabas "Mommy!" sigaw ko
"Halika na Agatha!" sigaw sakin ni Charlie at hinila ako "Pero si Will, si Daddy, si Mommy!" sigaw ko "Wala na tayong oras Aggi!" sigaw niya at hinila ako, nakarinig kami ng mga yapak na humahabol samin
"Tumakbo ka na Agatha" sabi ni Charlie pero naglinlangan ako "Ayaw kitang iwan dito Charlie!" sabi ko habang umiiyak
"I'll be fine, I promise susunod ako" sabi ni Charlie at ngumiti kaya kahit labag sa loob ko ay tumakbo ako palayo, palayo sa lugar na yun.
"C-Charlie?" utal ko pero binigyan niya lang ako ng isang makahulugan na tingin.
[Drake's Point of View]
Pagkasara ni Charles ng pinto ay tinanong ko si Agatha "Okay ka lang, Agatha?" sabi ko pero hindi niya ako sinagot at tila ba ay walang narinig, pinagpatuloy ko lang ang pagkiskis ng lubid hanggang sa maputol yun
"Agatha halika na" sabi ko pero wala parin siyang imik, kilala niya ba si Charles?
"Agatha kilala mo ba si Charles?" sabi ko pero hindi parin siya umimik at nanatiling nakatingin sa baba na tila ba ay malalim ang iniisip.
Bigla kami nakarinig ng mga pulis sirens sa labas at ang biglaang pagbukas ng pinto "Nakatakas sila!" sigaw nito at pumasok na ang dalawa pang lalaki at pilit kaming pinatayo
"Bitawan niyo kami!" sigaw ko "Kailangan natin sila itakas" sabi ng lalaki at pilit kaming hinila sa kabilang pinto, tinignan ko si Agatha at ganun parin ang itsura niya
"Bitawan niyo sabi kami!" sigaw ko sabay suntok sa lalaking may hawak sakin "Drake!" rinig kong sigaw ni Agatha bago ko maramdaman ang isang bagay na malakas na tumama sa ulo ko at ramdam ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko.
[Agatha's Point of View]
"Drake!" sigaw ko ng makita kong tinamaan siya ng baseball bat ng lalaki at kita ko kung paano siya bumagsak sa sahig kaya agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang ulo niya bago linagay sa hita ko
"Drake gumising ka please" sabi ko at hindi ko na mapigilan na tumulo ang mga luha ko, Bakit ba lagi toh nangyayari sakin? Prinotektahan ako ni Drake pero sa huli ay siya ang nasaktan ngayon
"Please Drake gumising ka" hikbi ko, time repeats itself pero bakit ang bilis naman yun mangyari sakin?
"Gumising ka Tita Lucy, please"
I'm so sorry, Drake. Nangyari nanaman ang kinatatakutan ko at natatakot akong mangyari ito sa iba pa..
![](https://img.wattpad.com/cover/210073371-288-k719948.jpg)
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misteri / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...