"Gusto niyo malaman kung sino ang killer?" tanong ni Inspector Gonzaga kaya tumango kami, sila ang bumungad samin pagkalabas namin ng kwartong yun at agad naganap ang interrogation
"Kung pwede, oo, marami siyang napatay" sabi ni Gabriel "Pwede ba natin tingnan bukas yung crime scene?" sabi ni Drake, napabuntong hininga si Inspector
"Sige" sabi niya "Sa ngayon umuwi na muna kayo at magpahinga" sabi ni Inspector kaya tumango kami.
_
"Ano?!" sigaw ni William sa monitor kaya natawa ako "Nasaktan ka ba?!" tanong niya kaya umiling ako "Okay lang ako Will, sa totoo lang babalik ulit kami dun" sabi niya at nagulat ako ng bigla siyang sumigaw
"Ano?! Bakit? Gusto mo talaga mapahamak Aggi?" sabi niya "Hindi naman sa ganun William, gusto ko malaman kung sino ang pumatay sa mga inosenteng taong namatay dun" sabi ko habang nakasimangot
"Kung pumunta ka dun parang hinuhukay mo na din ang sarili mong libingan" sabi niya sakin "Sorry na, pangako ko na magiingat ako" sabi ko
"At pinangako ko din na hindi kita hahayaan na mamatay Aggi" sabi niya habang nagaalalang nakatingin sakin sa monitor at bumalik ulit ang alaala tungkol sa panaginip ko.
"Pangako namin na hindi ka namin hahayaang mamatay"
Napangiti ako sa naalala "I know, pero sino naman ang gaganti sa ginawa ng killer? Hindi namin sila nailigtas kaya sana naman ay malaman at ang hustisya ng mga namatay dun, sana naman kahit malaman ng killer ang ginawa niya sa mga taong yun, sapat na yun sakin" sabi ko kaya natahimik siya
"Okay" sabi niya kaya napangiti ako "Thank you William, sa pagiintindi sakin" sabi ko "Basta lagi kang magiingat ah?" sabi niya kaya tumango ako at natapos na ang video chat namin.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
"You can do your magic" sabi ni Inspector kaya pumasok na kami sa kwarto kung saan ginanap ang round one, nalaman namin na tinawag daw sila ng mga ka-cubmates ni Luna dahil pagkagising daw nila ay nasa labas sila ng abandonadong ospital kaya ibig sabihin nun ay kami lang talaga ang puntirya at ang iba pang namatay.
"Wala kaming nakita na bangkay ni Gina gaya ng sabi ng kaibigan niyang si Finn" sabi ni Inspector "Pinasabog kasi ang buong kwarto" sabi ni Gabriel at makikita mo na halos wala ng kalaman-laman ang kwarto
"Sa susunod na kwarto?" tanong ni Drake kaya pumunta kami sa kwarto kung saan naganap ang round two at makikita mo na halos lahat ay sunog na kaya napagisipan namin na lumipat sa susunod na kwarto pero wala kaming nakuha na lead, sunod naman ay sa kwarto kung saan ginanap ang round four
"Inuto ata tayo ng killer" sabi ni Drake habang umiiling "Bakit?" tanong ni Inspector "Sabi kasi ng killer na kung hindi kami lumabas ay papasabugin niya ang kwarto" sabi ni Drake pero parang walang nagalaw sa kwarto
"Dito namin natuklasan ang bangkay ni Micheal ang head director sa banyo" sabi ni Inspector "Nagtataka lang ako, paano namatay si Micheal?" tanong ni Trinity
"Tingnan natin" sabi ni Gabriel kaya sinundan namin siya papunta sa banyo "Ano ba yung hinawakan niya dito?" tanong ni Gabriel at sinuri ang buong banyo
"Nasa tapat ako nun ng pinto ng banyo kaya nakita ko ang pag-hawak niya ng painting" sabi ni Hazel kaya bumalik sakin ang sinabi ng killer.
"But watch out for thorns"
"Wag mong hahawakan!" pagpigil ko kay Drake na hahawaka sana ang painting "Naalala niyo pa ba yung sinabi ng killer? watch out for thorns, baka may lason ang painting na yan" sabi ko kaya lumapit si Inspector bago hinawakan ang painting sa magkabilang gilid nito at linagay sa sahig kung saan niya binaliktad kaya kita namin ang mga tinik sa wooden frame nito
"Ano yan?" tanong ni Trinity "Isang klaseng lason na nanggagaling sa halaman" sabi ni Inspector "Ipapa-test ko toh" sabi niya at lumabas ng banyo
"Wag niyong hahawakan yan" bilin niya bago mag-dial sa cellphone niya "Iniisip ko lang, naalala niyo pa ba yung sinabi ng killer bago mamatay si Monica?" sabi ni Drake kaya napalingon kami sa kanya
"Don't forget to drink your energy drink" sabi ni Trinity habang nakakunot noo "Exactly" sabi ni Drake "What if linagay talaga ng killer ang lason sa mismong cup noodles at ang antidote lang dun ay ang energy drink?" sabi ni Drake
"Anong konek sa pagkamatay ni Monica?" tanong ni Gabriel "Hindi niya ininom yung energy drink kaya kumalat yung lason" sabi ni Trinity kaya napatango-tango si Gabriel
"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit lahat ng namatay ay taga-Star Studios?" tanong ko "Pansin ko nga" sabi ni Trinity kaya napaisip kami.
Sino ang iba nakakakilala sa mga biktima kundi…?
"Kailangan na lang natin na mapaamin siya" sabi ni Nathan kaya lahat kami ay tumango para ipakita na sangayon kami, makukulong ka sa lahat ng ginawa mo killer.
_
[Third Person's Point of View]
"Sigurado ka bang wala kang kinalaman sa krimen na toh?" tanong ni Dale kay Finn "Seriously Inspector? Ako ang biktima dito" sabi ni Finn kaya napailing at napabuntong hininga si Dale "We did a background check on you at nalaman namin na kapatid mo ang idol na si Freya na nag-suicide" sabi ni Dale at mukhang natigilan si Finn sa sinabi nito
"The idol na nakuhaan ng heroine sa bag" sabi ni Inspector at kita niya ang pagkuyom ng kamao ni Finn, Bingo. "Nakakaawa siya, sisikat na sana siya kung hindi lumabas ang scandal niya" sabi ni Dale
"Hindi siya drug addict! She was framed by those lunatics na kulang sa pansin!" sigaw ni Finn kaya napaabante si Dale "Calm down Mr. Finn" sabi ni Dale
"You act like your the killer" sabi ni Dale at binigyan ng makahulugan na tingin si Finn at nakita niya ang panginginig nito "We know it's you Finn" sabi ni Gabriel at pumasok na sila sa kwarto
"A-Ano ba yang pinagsasabi niyo?" sabi nito "You wanted to kill the three of them from the start dahil sa ginawa nila sayo" sabi ni Drake kaya natahimik si Finn
"So what if I did?" sabi nito kaya hindi na nagulat ang lahat "Kasalanan naman nila eh, they framed up my sister na dapat ang leading actress sa isang movie pero napagisipan ng Monica na yan na i-frame up si Freya at kasabwat niya ang dalawa na gusto umangat si Monica sa showbiz, nararapat lang sa kanila mamatay! Kasalanan nila kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko!" sigaw niya, a brother's love, nagawa niya toh para makuha ang hustisya ng kapatid niya pero dapat hindi sa ganitong paraan.
Tumayo si Dale at pinosasan si Finn "You are under arrest for commiting murder and anything you say can be used in the court of law" sabi ni Dale pero wala ng sinabi si Finn at nagpahila kay Dale
"Kita na lang tayo sa bahay Drake" sabi niya sa kapatid bago hinila si Finn palabas, all of you are now avenged.
Case closed.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misterio / Suspenso_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...