♠41♣

90 4 0
                                    

Madali lang naman natapos ang sem-break kaya ito kami ngayon sinisira ng school ang brain cells namin, akalain mo? Kakasimula pa lang ng pasukan review na agad para sa third grading?

"Ms. Ward please answer number five" napalingon ako ng tawagin ako ni Sir kaya tumayo ako at kinuha ang marker na hawak niya at sinagutan ang problem sa baord, sandali kong tiningnan ang problem bago mag-compute.

1…2…3…

"Tapos na Sir" sabi ko pagkatapos kong ilagay yung answer na twelve "A-Are you sure Ms. Ward?" sabi niya na parang hindi makapaniwala kaya tumango ako, sa hindi ko maintindihan na dahilan ay matalino ako sa math.

Hindi na lang ulit nag-salita si Sir kaya umupo na ulit ako sa upuan ko, in-explain ni Sir kung paano yun nakuhang sagot pero hindi na ako nakinig pa at tumingin sa labas ng bintana, linibot ko ang buong hardin pero nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa isang gilid, nakangisi siyang nakatingin sakin habang nakapamulsa at kapansin-pansin ang ash gray nitong buhok, tattoo niya sa buong katawan gaya kay Drake at ang uniform ng school kaya napatayo ako, P-Paanong?

"Ms. Ward is there something wrong?" tanong ni Sir kaya agad akong umiling at umupo ulit, tiningnan ko ulit yung gawi niya pero wala na siya dun.

And for a minute, I thought I saw Charles Wilheilm.

_

Lutang akong naglakad sa hallway papuntang clubroom, hindi parin mawala sa isip ko ang nakita ko sa bintana, estudyante dito si Charles? Does that mean my traydor sa University?

Kinabahan ako sa naisip at napahawak sa dibdib, kaya ba maraming namamatay na estudyante sa paaralan? Alam ba toh ni Nathan?

Malamang oo, mas matagal siya sa paaralan na toh kesa sakin kaya sigurado akong alam niya ito, sa sobrang lutang ay hindi ko napansin na nasa harap na pala ako ng clubroom, pipihitin ko na sana yung doorknob ng biglang sumakit ang ulo ko at nakarinig ako ng mga boses.

"Agatha"

Sino ka ba? Tigilan mo ko! Napa-daing ako at napahawak sa pader, ang sakit!

"Agatha I'm glad your alright" sabi niya at niyakap ako "Daddy magiging okay lang ba ako?" tanong ko habang nakaupo sa hospital bed

"Of course sweetheart" sabi niya at ngumiti sakin "Tito magiging okay lang po ba si Agatha?" sabi ni Will at kita ko na naluluha na siya "Of course Will, Aggi will be okay" sabi ni Mommy

"Does it hurt Aggi?" tanong ni Ron sabay turo sa dibdib ko kaya napahawak ako dun, I could hear my heart beat pero hindi ako sumaya at bumuo ang lungkot sa dibdib ko

"Am I going to die Daddy?" tanong ko at liningon siya and for a moment natahimik sila at bigla na lang umiyak si Mommy, ano nga ba ang sakit ko?

"Agatha?" napalingon ako sa tumawag pero lumabo lang ang paningin ko "G-Gabriel" pagtawag ko dito pero tila ba ay umiikot ang mundo at bumibigat ang ulo ko

"Are you okay?" tanong niya "S-Si Nathan" sabi ko ng makalapit siya "Tawagin mo si Nathan…" dahan-dahan kong sabi.

And black out.

[Drake's Point of View]

"What are you doing?" sabi ni Trinity sabay hampas ng braso ko kaya agad ko ito binawi "Aray! Ano ba!" sabi ko, kung makahampas naman ang babaeng toh!

"Para kay Agatha yan" sabi niya at sinamaan ako ng tingin "Apat naman yan na kahon eh" sabi ko at bubuksan na sana ang isang box ng J.C.O "Sabing bawal eh!" sabi niya sabay hampas ulit ng kamay ko

"Dun ka na nga lang kay Choco mo!" sabi niya sakin at linayo ang apat na kahon sakin, dinamay pa talaga ang baby ko ah?

"You still name your laptop?" sabi ni Nathan habang umiiling "Ewan ko ba diyan parang bata" sabi ni Trinity "Mahal na mahal niya ang laptop niya" sabi ni Hazel na nakikipaglaro kay Nathan ng chess, kung makapanglait ang mga toh akala mo ang titino. Napailing na lang ako sa sinasabi nila at kinuha si Choco ng biglang nagbukas ang pinto ng clubroom

"Nathan si Agatha!" sigaw ni Gabriel at kita namin ang walang malay na si Agatha na buhat-buhat niya kaya agad kaming napatayo "Anong nangyari?" tanong ni Trinity

"Hindi ko alam, sinabihan niya akong tawagin si Nathan at bigla na lang siya nahimatay" sabi ni Gabriel na may bahid na pagaalala sa mukha

"Dalhin natin siya sa clinic" sabi ni Nathan na agad lumapit kay Gabriel at siya ang nag-buhat nito at kita ko ang pagaalala sa mukha niya, napalapit na talaga si Nathan kay Agatha, nakakamangha.

Agad kaming lumabas ng clubroom at sinundan ang tatlo sa clinic, Sana okay ka lang Agatha.

_

[Agatha's Point of View]

"Charlie are we going to die?" tanong ko "You've been asking me that since yesterday" sabi niya kaya natawa ako

"Nagsusungit ka nanaman" sabi ko kaya umiling siya "Your not going to die Aggi, I promise" sabi niya kaya napangiti ako

"Ako din, promise ko hindi kita hahayaan mamatay Aggi!" sabi ni Ron sa isang gilid "Pati ako" sabi ni Will at nagtaas ng kamay "Ikaw Tan?" sabi ko dito at nginusuan sandali niya akong tiningnan

"Pangako ko din" sabi niya kaya natawa ako "Salamat" sabi ko "Pangako ko din na hindi ko hahayaan na masaktan kayo" sabi ko.

Napabalikwas ako ng bangon habang hinihingal, sino sila? "Are you okay?" nakita ko ang mga kasamahan ko na nagaalalang nakatingin sakin kaya tumango ako

"Ano ba ang nangyari? Bat ka nahimatay?" tanong ni Trinity kaya natahimik ako, sino yung mga lalaki sa panaginip ko? Tan, Ron? Napakagat labi ako nung maalala ko yung sinabi ni Charles.

"Tumakbo ka nga, gaya ng sinabi ko"

Charlie? He was Charlie yung kasama ko sa opisina ni Dad at Mom, yung lalaking nag-ligtas sakin. Bakit? Paano? Bakit siya na sama sa Hive? Paano siya na sama sa Hive? Maraming tanong ang umiikot sa isip ko ngayon pero walang kahit isa ang sumagot nito

"Wag na muna natin siya tanungin, magpahinga ka na muna Agatha" sabi ni Nathan kaya tumango ako at humiga, lumabas silang lahat except kay Nathan na lalabas na sana ng pigilan ko "Mamaya ka na umalis, please" sabi ko pero tinitigan niya lang ako

"Kahit hanggang matulog ako" sabi ko kaya umupo ulit siya sa upuan katabi ng kama kaya yung kaba na naramdaman ko kanina ay biglang nawala dahil sa kanya.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now