[Agatha's Point of View]
"Hay kapagod!" sabi ni Gabriel at sumandal sa upuan "Pinalabas na daw ang ranking sa board" sabi ni Trinity pagkapasok niya sa clubroom
"Talaga? Anong top ako?" tanong ni Gabriel "As always top two ka sa klase niyo habang si Nathan top one parin sa klase niyo" sabi ni Trinity habang nakatingin sa cellphone niya
"Tie naman kayo ni Hazel, Drake. Habang ako ay top one sa klase ko at ganun din si Agatha" sabi ni Trinity kaya napalingon ako sa kanya
"Celebrate kaya tayo ngayon?" sabi ni Gabriel "For what?" tanong ni Drake habang nakaharap sa laptop niya "For working our brains out" sabi ni Gabriel
"I agree, Hazel samahan mo ko sa labas para bumili ng donut sa J.C.O" sabi ni Trinity kaya tumayo si Hazel sa tabi ko "Mabuti pa, next week simula na ng Instrams natin" sabi ni Gabriel at bumuntong hininga
"Babayaran niyo ko!" sigaw ni Trinity bago lumabas ng clubroom kaya tinuon ko ulit ang atensyon ko sa libro "Oo nga pala, anong gagawin niyo sa Intrams this year?" tanong ni Gabriel
"Theater play" sabi ni Drake habang nakatuon parin ang atensyon sa laptop "Cafe daw" sabi ko "Talaga? Mabuti pa kayo" sabi ni Gabriel at bumuntong hininga kaya natawa ako
"Bakit ano sa inyo?" tanong ko "Host party daw" sabi niya kaya nagtaka ako "Ano yun?" tanong ko "Ewan, yun ang naisip ng mga babae, ie-entertain daw ng mga gwapong lalaki sa klase namin ang mga babae na dadating at ganun din sa babae" sabi niya
"So kasama kayo ni Nathan?" sabi ko kaya tumango siya "Sucks to be you" sabi ni Drake at tumawa pa kaya pinagningkitan siya ng mata ni Gabriel
"Sina Trinity anong gagawin?" tanong ni Gabriel "Sa pagkakaalam ko ay gagawa sila ng Anime Cafe" sabi ni Drake at inayos ang salamin niya
"Do you know how to play chess?" sabi ni Nathan sakin kaya tumango ako "Bakit?" tanong ko
"Laro tayo" sabi niya kaya tumango ako at sinara abg librong binabasa ko at humarap sa kanya, linagay niya ang chess board sa pagitan namin kaya sinimulan na namin ayusin ang mga pieces, una kong minove ang horse dahil ako ang puti saming dalawa
"Ito pala yung weekend News ni Casey" sabi ni Gabriel at linagay ang newspaper sa lamesa kaya liningon ko ito at nakita ang picture na papasok kami sa abandonadong ospital
"NATHAN ISLE AND HIS CLUB FINDS KILLER?!" sabi dito at makikita mo ang nakaposas na si Finn, nandun pala yun? Bat hindi ko siya nakita?
Napailing na lang ako at tumingin sa chess board at ginalaw ang isa ko pang horse "Balita ko din na nakabalik na si Charles Wilheilm sa pagkaka-suspend" sabi ni Drake at dun ako napatigil, so totoo nga na nakita ko siya? "Kaya naman pala sunod-sunod na kamalasan ang nangyayari dito" sabi ni Gabriel at umiling
"But in the good side nakabalik na si Jefferson kahapon" sabi ni Drake at rinig ko ang pag-type niya sa laptop, nakabalik na si Jefferson? Bisitahin ko kaya?
_
Natapos ang laro namin ni Nathan at ang nanalo ay siya kaya naisipan ko na maglibot na muna sa campus "Agatha Ward!" rinig kong sigaw kaya napalingon ako at nakita si Casey
"Can I interview you?" sabi niya habang may hawak na maliit na notebook at ballpen "Ha? tungkol saan?" sabi ko at napalingon-lingon kung sakaling may tao na nakakakita samin
"Totoo ba ang issue ninyong dalawa ni Nathan Isle na may lihim kayong relasyon? Isang araw daw ay marami ang nakakita na hinarap ka ni Dana at akmang sasampalin ng protektahan ka ni Nathan, totoo ba yun?" tanong niya
"Ah oo" sagot ko "So totoo ngang may relasyon kayo ng prinsepe namin dito sa St. Pristine?" sabi niya kaya nailang ako "A-Ano? Hindi, magkaibigan kami" pagiling ko
"So friends with benefits?" sabi niya kaya namula ako "H-Hindi din, magkaibigan kami at ang turing namin sa isa't-isa ay magkapatid" sabi ko kaya napatango siya at may sinulat sa notebook
"So are you in a relationship with the Principal's son, William Evergreen?" sabi niya kaya agad ako napailing "H-Hindi din" utal ko, Grabe naman ang mga tanong ng babaeng toh.
Teka diba president toh ng newspaper club? So may alam toh kung bakit na suspend si Charles? "Uhm kilala mo ba si Charles Wilheilm?" tanong ko
"The school's badboy? Syempre naman" sabi niya kaya napangiti ako "So alam mo kung bakit siya na suspend?" sabi ko "Of course, everybody knows it" sabi niya
"Bakit?" tanong ko, wala naman ako makukuhang sagot sa mga clubmates ko kaya itatanong ko na lang sa babaeng toh
"Nakasagutan niya ang President ng Senior High, nakadating yun kay Principal kaya sinuspend siya ng five months" sabi ni Casey kaya napatango ako, President ng Senior High? Si Lysander? Anong kinalaman niya kay Charles?
"I've got to go, I'll interview the SSG President tungkol sa dadating na Intrams" sabi niya bago umalis kaya naiwan akong mag-isa.
Tiningnan ko yung News Board sa tabi ko at nakita na nakadikit yung newspaper ni Casey at mga club fliers na naghahanap ng mga ibang members, napabuntong hininga ako at naglakad ulit papuntang clubroom, grabe gutom na ako!
Pagkapasok ko ng clubroom ay naamoy ko agad ang donuts at kape "Nandiyan ka na pala Agatha, Saan ka galing? Kumain ka na dito" sabi ni Trinity habang nginguya abg hawak na donut kaya sinara ko yung pinto at nginitian sila
"Nagpahangin lang" sabi ko at umupo sa tabi ni Hazel at kumuha ng donut at kape "Hay sigurado akong busy tayo sa dadating na Intrams" pagbuntong hininga ni Trinity
"Sabi mo pa" pagsangayon sa kanya ni Gabriel "Inaasikaso na nga ni Casey yung newspaper para sa araw na yun" sabi ko "Oo nga, kailangan ko ng form kung ano ang gagawin natin this Intrams para maipasa ko na sa office" sabi ni Drake
"Para saan?" tanong ko "Pinapasa ng bawat club ang activites na ico-contribute nila sa mga events na ganito" sabi ni Gabriel "So ano plano natin?" tanong ni Trinity
"Gaya ng dati, ipagpapatuloy natin ang 'Mysteries in St. Pristine' gaya ng sabi ni Nathan" sabi ni Drake "So isusulat pa namin ang mga point of view namin sa kaso?" sabi ni Trinity kaya umiling si Drake
"Ginagawa ko na at ipapaprint ko na lang, nasa third person's point of view ang journal" sabi ni Drake kaya napatango kami, sana naman wala ng mangyaring masama gaya ng nangyari sa abandunadong ospital.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...