♠58♣

78 4 0
                                    

"Ako na muna ang magbabantay sa clubroom" sabi ni Hazel kaya tumango kami "Teka, may cooking contest pa ako" sabi ni Trinity "Pupunta na muna ako sa Computer Club" sabi ni Drake

"Dun lang ako sa Science Club" sabi ni Gabriel kaya naiwan na lang kami ni Nathan "May plano ka ba ngayon?" tanong ko kaya umiling siya "Kumain na muna tayo" sabi niya kaya tumango ako.

_

"Sa tingin mo sino yung lalaki sa video?" tanong ko bago kumagat sa burger ko "Ewan, bagong kalaban?" sabi niya kaya hindi ko maiwasan na mapailing, pinagbantaan na kami at lahat-lahat pero nagagawa niya parin na kumalma

"Sa tingin mo ba lahat ng nangyari satin happened for a reason?" sabi ko habang pinaglalaruan ang carbonara sa harapan ko

"Everything has a reason Agatha, ayaw lang talaga maniwala ay intindihan ng iba ang rason" sabi niya at bumuntong hininga

"You've just come back, ayokong bumalik ka nanaman sa pagiging depressed mo" sabi niya kaya napangiti ako "Na miss mo ko noh?" pangaasar ko dito habang nakangisi 

"So what if I miss you?" sabi niya kaya nagulat ako, ano ba yan ako na nga tong nangaasar ako pa tong nagulat

"Hindi na ako sanay na walang nakabuntot at nangungulit sakin sa bahay" sabi niya at umiwas ng tingin

"We all miss you Aggi" sabi niya, thinking that it was the first time he called me Aggi napangiti parin ako sa mga salitang pinakawala niya "Na miss ko din kayo Nathan" sabi ko at ngumiti.

I always do.

"Will you still accept me even if you'll know the truth?" tanong ko kaya tiningnan niya ako habang nakakunot noo "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya kaya agad akong umiling

"Nathan!" rinig naming sigaw at nakita si Gabriel "Pumunta na daw tayo sa Quiz Bee" sabi ni Gabriel habang hinihingal

"Sige na mauna na kayo" sabi ko at kumaway kaya umalis na sila leaving me all alone habang kumakain pero na  bigla na lang ako ng biglabg may umupo sa inuupuan ni Nathan kanina

"Hello Agatha" sabi niya at nagulat ako nung makita si Casey at Luna "Hi" sabi ko at ngumiti "I still can't believe na hindi kayo labeled ni Nathan" sabi ni Casey habang tinitingnan ang Canon camera niya

"Oo nga, bagay pa naman kayo" sabi ni Luna habang kinakain ang spaghettii niya "Pero kung tutuusin ay magkamukha kayo ni Shantal" sabi ni Casey at tiningnan ako

"Oo nga noh? From the hair, lips, eyebrows, height, body ang magkaiba lang ay ang shape ng face at personality niyo" pagsangayon ni Luna habang nakatingin sakin kaya nakuha  nun ang atensyon ko

"Shantal?" tanong ko kaya tumango si Casey "Rumors spread like wild fire here, two years ago yun nangyari, gaya mo ay transferee din si Shantal" sabi ni Casey

"Magkaparehas kayo ng ugali" sabi niya pa habang tumatango-tango "Anong kinalaman ni Nathan sa kanya?" tanong ko, curiosity is killing me like hell!

"Rumors said na nagkaroon daw sila ng label but some denied at sinabi na mutual understanding lang" sabi ni Casey

"Nakapasok din siya sa Journalists Club gaya mo at nakasama ang mga members pero yun nga that incident happened, pati kami nagulat nung mangyari yun" sabi ni Luna

"What incident?" tanong ko leaning closer to them "Namatay si Shantal…" sabi ni Luna kaya natahimik ako "B-Bakit?" utal ko

"They say na pinatay daw siya ng Hive at yung iba  naman ay sinabi na rinape ito bago pinatay…" sabi ni Casey

"…ito siya" sabi niya at inabot sakin ang camera niya at kita ko ang isang picture ng  babae na nakatanaw sa kung saan habang linilipad ang buhok niya pero kita ko parin ang pagkakahawig namin

"No wonder Nathan is protective of you" sabi ni Luna habang umiiling "Ano pa ang alam niyo tungkol kay Shantal?" tanong ko

"Since that incident wala ng lumabas na balita tungkol kay Shantal" sabi ni Casey at kumibit  balikat kaya na dismaya ako "We've got to get going Agatha" sabi ni Luna at tumayo na sinundan ni Casey

"Bye" sabi ko at kumaway habang papaalis sila. Kaya ba galit si Nathan sa Hive  dahil pinatay nila si Shantal? Bakit parang pamilyar ka sakin Shantal? Kilala ba kita?

"You know that curiosity will kill you" sabi ng kung sino kaya napaangat ako ng tingin at nagulat sa nakita "C-Charles" utal ko at tiningnan siya na umupo sa harap ko

"Hindi ka dapat nandito baka makita ka ni Lysander" sabi ko sa kanya pero nanatili siyang tahimik kaya napabuntong hininga ako

"I heard from Nathan kung ano ang ginawa niyo, thank you for saving  me Charlie" sabi ko at nginitian siya, hindi niya ako liningon pero hindi din naman siya umalis

"Hindi kami kakampi Agatha, kami nila Tyron at Tyler" sabi niya habang malamig na tinitigan ako "Then why did the three of you helped me?" tanong ko at mukhang natauhan siya dun

"Why did you do that kung kalaban ka namin?" sabi ko habang sinusuri ang mukha niya "Don't trust everything you see" sabi niya at tumayo

"And as the saying goes 'action speaks louder than words'" sabi ko habang tinitingnan ang papalayo niyang likod, kalaban ka ba talaga namin Charlie?

_

[Third Person's Point of View]

"Lysander have you found Agatha?" tanong ng lalaki "Yes, pero hindi siya madali kunin, the Isle family is targeting us" sabi ni Lysander

"We already made the Lycana and the only thing missing now is the test subject" sabi ng lalaki habang nakangisi "Bakit hindi mo na lang gamitin si Charles?" tanong ni Lysander

"He's too risky, baka mag-malfunction ang lahat dahil sa kanya" sabi ng lalaki "The fact that he's not completely cured" sabi ni Lysander

"He needs to take Lycana every month para hindi siya mamatay kaya madali lang siya patumbahin" sabi ng lalaki "What are we going  to do with William?" tanong ni Lysander

"He is still your brother so I'll give him another chance to live, I am not that heartless Lysander" sabi ng lalaki at uminom ng vodka

"Should I continue the plan?" tanong ni Lysander kaya tumango ang lalaki, napangisi si Lysander.

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

A/N:

What? May isa pang kalaban?! Sino kaya toh? Who's Shantal? Ano ba talaga ang totoong storya niya? At ano daw nangyari kay Charles Wilheilm? Any guesses?

Are you enjoying the chapter? Then COMMENT and VOTE!

XOXO,
Juliet

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now