♠34♣

123 5 1
                                    

[Gabriel's Point of View]

"Drake is still unconcious" sabi ko at bumuntong hininga "Dalawang araw na" sabi ni Trinity "Malakas ang pagkatama ng baseball bat kaya normal lang daw toh" sabi ko

"Nathan, how's Agatha?" sabi ni Trinity, pagkatapos ng pagkikidnap sa kanila at nadala si Drake sa ospital habang dalawang araw ng walang imik si Agatha at lagi na lang nakakulong sa kwarto niya

"No progress, ayaw niyang kausapin si Ana" sabi ni Nathan "How about you?" sabi ko "Hindi ko pa siya kinakausap" sabi niya at umiling, Sana maging maayos ka lang Agatha.

[Agatha's Point of View]

"Mabuti nagbisita ka Agatha, matagal ka ng hinihintay ni Jefferson" sabi ni Jhaira na sinagot ko ng ngiti, pumasok ako sa hospital room para makita na nakaupo si Jefferson sa kama niya habang may benda sa ulo

"Jefferson" pagtawag ko dito at umupo sa upuan katabi ng kama niya "Agatha, I'm glad na bumisita ka" sabi niya at ngumiti "Alam mo na ba?" sabi ko

"Dinala daw si Cedric sa isang Mental Hospital" sabi niya at kita ko ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa labi niya "He said sorry for everything" sabi ko

"Madaling magpatawad pero ang hirap makalimot Agatha" sabi niya at bumuntong hininga "Napatawad ko na siya Agatha pero tuwing naaalala ko yung ginawa niya hindi ko mapigilan na hindi magalit" sabi niya at sumandal sa headboard ng kama, naiintindihan ko siya dahil sa sarili ko ay galit ako sa ginawa kong mga kasalanan

"Naiintindihan ko, mabigat sa dibdib malaman na isa sa mga kaibigan mo ang nag-taksil" sabi ko at hinaplos ang buhok niya "Nandito kami ni Jhaira" sabi ko at ngumiti "Thank you Agatha" sabi niya.

_

Napalingon ako sa kabilang pinto ng bumukas yun at makikita mo ang pagtulak ng isang pulis sa lalaki at nung makita niya ako ay agad nagliwanag ang mukha niya "Agatha nandito ka!" sabi niya at lumapit sa salamin pagitan namin "Kamusta ka diyan, Cedric?" sabi ko

"Okay lang naman, akala ko hindi ka na magbibisita" sabi niya pero bigla nawala ang saya sa ngiti niya "Kamusta na sila?" tanong niya at alam ko kung sino ang ibig sabihin niya

"Naka-confine parin si Jefferson sa ospital at si Jhaira masaya naman siya kasama si Jeff" sabi ko "Mabuti naman" sabi niya at bumuntong hininga

"Cedric bakit mo kilala si Charles?" tanong ko at dun siya hindi umimik  "Cedric" pagtawag ko dito at mukhang natauhan siya "Hindi ko masasagot ang tanong mo Agatha" sabi niya

"Okay lang, maghihintay ako kung kailan handa ka na sabihin" sabi ko kaya bumalik nanaman ang ngiti niya "Salamat Agatha" sabi niya

"Aalis na ako, mag-ingat ka diyan ah?" sabi ko at tumayo "Ikaw din" sabi niya kaya lumabas na ako ng kwarto.

_

"Ito po kuya" sabi ko at inabot sa taxi driver ang pera bago bumaba ng taxi, pumasok na ako ng mansyon at nagulat ng  bigla akong niyakap ni Tita "Bakit hindi ka nagpaalam na aalis ka?" sabi niya sakin at halata sa boses niya ang pagaalala

"May pinuntahan lang po ako" sabi ko at kumalas sa yakap, nakita ko si Nathan sa isang gilid katabi si Lydia "Sige, taas na po ako" sabi ko at tumaas na ng hagdan at pumunta sa kwarto, hahawakan ko sana yung doorknob ng biglang may humawak sa braso ko at pilit akong pinaharap sa kanya

"May problema ba?" tanong ko kay Nathan "Bakit ka nagkakaganiyan?" sabi ni Nathan "Pagod na ako Nathan" sabi ko at tatalikod na sana ng hinigpitan niya ang hawak sa braso ko

"Simula ng ma-ospital si Drake nagkakaganyan ka na" sabi niya kaya natahimik ako "Bitawan mo ko Nathan" sabi ko at marahas na tinabig ang kamay niya sa braso ko at pumasok sa kwarto pero sinundan niya parin ako at sinara ang pinto.

Natatakot lang ako, Nathan.

"Sabihin mo sakin Agatha, nagaalala kami sayo" sabi niya at hinawakan ang pisngi ko at tila ba ay hinaplos ang puso ko sa narinig, ramdam ko na namumuo ang luha sa gilid ng mga mata ko pero pinigilan ko ito

"Pagod na ako Nathan, lumabas ka na" sabi ko pero tila ba ay nagmamakaawa ako sa kanya pero hinigpitan niya ang hawak sa braso ko

"Hindi ako lalabas hangga't hindi mo sinasabi sakin" nagkatinginan kami at napansin kong tinigil ko ang pag-hinga ko kaya bumuntong hininga ako at lumunok

"Kasi kasalanan ko Nathan" sabi ko at ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko "Lahat ata ng gawin ko, ay may mapapahamak" sabi ko at humikbi

"Natatakot ako Nathan, baka mangyari sa inyo gaya ng nangyari kay Drake" hikbi ko

"Natatakot akong mamatay kayo dahil sakin" sabi ko walang salita ang lumabas sa bibig niya at tanging mga hikbi ko lang ang maririnig mo

"Hindi ka nagiisa Agatha" sabi niya at dahan-dahan akong niyakap "Hindi kita iiwan, pangako yan" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Ang bigat sa dibdib ko ay unti-unting nawawala dahil sa mga salitang pinakawalan niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling masaktan at mapatay kita Nathan.

Mas lalo akong napahikbi, Bakit ang unfair ng buhay sakin? Ayokong mawala sakin si Nathan, hindi gaya sa nakaraan ko, gusto kong protektahan si Nathan kung ibig sabihin ay kailangan ko i-buwis ang buhay ko, gagawin ko.

[Trinity's Point of View]

"May kinalaman si Charles sa nangyari kina Agatha at Drake" sabi ko "Bakit naman niya yun gagawin?" sabi ni Gabriel

"Ginawa ni Charles ang plano na yun at hinoldap pa ang buong mall para lang makuha si Agatha at Drake at iba pang tao" sabi ni Gabriel

"May binabalak sila" sabi ko at umiling "Sa tingin niyo ba dahil toh sa Project Carnations?" sabi ni Hazel "Marami ng namatay dahil sa Project na yun eleven years ago" sabi ni Gabriel

"Eleven years  na  ang nakalipas pero dalawang tao pa lang ang nabubuhay sa Project na yun" sabi ko.

Project Carnations a life sacrificing project to improve the human mind.

"G-Gabriel" rinig naming daing kaya lumingon kami sa pinanggalingan ng boses at napatayo "Drake!" sigaw ni Gabriel at lumapit sa kanya

"Hazel tumawag ka ng doctor!" sigaw niya kay Hazel kaya dali-dali siyang lumabas ng hospital room

"Trinity tawagan mo sina Nathan" sabi niya kaya kinuha ko ang cellphone ko and dialed a number, mabuti gising ka na Drake.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now