"Bat niyo po kami pinatawag?" taka kong tanong habang nakaharap kay President Maxwell "I just want to tell Nathan that he should join Ms. Ward in he's club" sabi nito para magulat ako
"P-Po?" sabi ko "Ms. Ward has the potential on being part of your group , Nathan you know very well that your club has been Investigating the school's deaths" sabi niya
"I understand President but you should be aware that I don't want Ms. Ward to join" sabi ni Nathan para matahimik ako "Why is that?" sabi ni Principal
"Ayoko siyang madamay sa mga ganito President Maxwell" sabi ni Nathan "She's now a student of St. Pristine Mr. Isle dapat lang na masanay siya sa mga ganitong bagay" sabi niya kaya bumuo samin ang katahimikan na naging dahilan para mapalunok ako
"Okay President" sabi ni Nathan para mapatingin ako sa kanya , seryoso ba siya?! "Great, both of you are dismissed" sabi ni Principal kaya wala salita kaming lumabas ng office
"Nathan okay lang sakin na-" hindi na natuloy ng makita kong umiling siya "President's orders" sabi niya at lumingon sakin
"Sumunod ka sakin , pupunta tayo sa clubroom para mag-sulat ng form" sabi niya tumango na lang ako at sinundan siya maglakad sa tahimik na hallway.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng clubroom at namangha ako sa nakita, the book shelves touched the floor to the ceiling at may table sa gitna ng room na puno ng files at may anim na mga upuan na nakapaligid dito, may bintana din sa harap nito, pumasok si Nathan kaya sinundan ko siya ng tingin habang may kinukuha siya sa drawer sa gilid at may linabas na papel
"Pumasok ka Agatha" sabi niya kaya pumasok na ako at sinara ang pinto "Dito ba kayo tumatambay?" tanong ko nakita ko siyang tumango
"Halika dito" sabi niya kaya lumapit ako sa kanya at nagulat ng bigla niya akong binigyan ng ballpen "Magsulat ka na ng form" sabi niya kaya hindi na ako nagsalita at nagsulat na lang.
"Ano ba ang mga kakayahan niyo dito sa club?" bigla kong sabi para mapatingin siya sakin
"Gabriel studies the human body, Drake is great with puzzles and riddles, Trinity has a sharp memory and can remember every detail, Hazel is good with strategies and can see anything kahit maliit pa yan o malaki" sabi niya
"And your smart" sabi ko para mapailing siya "And I guess your street smart" sabi niya para matawa ako at binigay sa kanya ang form "Mamayang uwuian pumunta ka dito para makilala ka na ng iba" sabi niya tumango na lang ako bilang sagot
"Wala ka ba talagang alam tungkol sa Project Carnations?" sabi ko at bumuo samin ang katahimikan "Bumalik ka na sa classroom mo" sabi niya para magulat ako "B-Bakit?" sabi ko
"Bumalik ka na Agatha, magusap na lang tayo mamaya" wala na akong nagawa dahil mukhang anytime ay magagalit na siya kaya dali-dali akong lumabas ng clubroom at bumalik sa classroom.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣
Bumuntong hininga ako habang naglalakad sa hallway, kasali na ako sa Journalists Club...
Nakaramdam ako ng konting excitement dahil sa nangyari, nagtaka ako ng makita na nasa labas parin ng clubroom ang isang babae at mukhang nagaalinlangan pa siyang pumasok kaya linapitan ko na
"May problema po ba?" sabi ko at mukhang na gulat pa siya "A-Ah ito po ba ang Journalists Club?" sabi niya kaya tumango ako "Member ako ng club" sabi ko para mapalingon siya sakin
"M-May problema kasi ako" sabi niya at mukhang nahihiya pa siya dahil hindi siya makatingin sakin at kanina pang pinaglalaruan ang kamay niya
"Of course, pumasok na muna tayo" sabi ko kaya tumango siya, binuksan ko ang pinto ng clubroom at napangiti ako ng mapagtanto kong lahat sila nakatingin sakin "May problema daw tong babae" sabi ko at liningon yung babae
"Halika pasok" sabi ko nahihiya siyang tumango at pumasok kaya sinara ko na yung pinto "My name's Daisy at sabi ng kaklase ko na makakatulong daw kayo sa problema ko" sabi ni Daisy
"Sure, ano yun?" sabi ni Gabriel na nginitian ako "Yung pinsan ko kasi sa Laguna may problema siya" sabi niya "Akala ko ba problema mo?" sabi ni Nathan at mukhang nahiya si Daisy dahil yumuko siya kaya hinawakan ko ang balikat niya para lumingon siya sakin
"Wag mo na siyang pansinin, ituloy mo lang" sabi ko mukhang kumalma siya at tumango "Namatay lang ang Tita ko na nagsisilbing nanay at tatay sa kanila pero may kakaiba daw sa pagkamatay ni Tita" sabi ni Daisy at kita sa mata niya ang lungkot
"And?" sabi ni Nathan na mukhang walang interes sa sinasabi ni Daisy, natahimik si Daisy at nanatiling nakayuko pero nagulat na lang kami ng iangat niya ang ulo niya at kita ko da mata niya ang galit at sakit
"Sa tingin ko ay pinatay siya! ayokong tumunganga dito at walang gawin!" bigla niyang sigaw para matahimik kami but Daisy's words caught Nathan's interests
"Murdered? bakit mo naman yun naisip?" sabi ni Nathan "Walang sakit si Tita kaya walang dahilan para mamatay siya" sabi ni Daisy at kita ko ang pagsilay ng isang ngisi sa labi ni Nathan
"We'll go to Laguna tomorrow and you'll escort us to the crime scene" nakangisi niyang sabi pero may kakaiba sa pagsabi niya ng 'crime scene' para mapangiwi ako,
"Thank you very much!" sabi ni Daisy "We'll meet at the bus station 6'o clock in the morning" sabi niya at dali-daling lumabas ng clubroom at sinara ang pinto kaya naiwan na lang kami
"Agatha we heard from Natha na sasali ka daw sa club!" lumingon ako sa tumawag "Ganun-" napatigil ako at nanlaki ang mata ng yakapin ako ni Gabriel
"Bro ang landi mo alis nga" pagtataboy sa kanya ni Drake at pinaalis siya, magsasalita na sana ako ng siya naman ang yumakap sakin "Welcome to the club Agatha!" sabi ni Drake
"Nagsabi ang malandi" rinig kong bulong ni Gabriel kaya natawa ako "Tigilan niyo nga si Agatha" sabi ni Trinity kaya napabitaw sakin si Drake at pinagningkitan ng mata si Trinity
"Wag ka nga diyan epal" sabi niya at natawa na lang ako ng magsimula na silang magaway.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mistero / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...