Bigla na lang nag-alarm ang fire alarm at nag-on ang shower sa taas kaya nabasa kami "Lahat ng estudyante sa field!" sigaw ng isang faculty kaya agad kami sumunod. Nagtipon-tipon kami lahat sa feild
"Anong nangyari?" tanong ko sa kaklase ko "Nasunog daw yung Chemistry Lab" sabi niya kaya napatango ako
"Sir Jon may nakitang bangkay sa Chemistry Lab" rinig kong sabi ng isang faculty kay Sir sa Grade 9 "Ano?" sabi niya at nagpalinga-linga bago tumawag ng isa pang faculty at inutusan na tumawag ng ambulansya at pulis. Sandali kaming pina-stay sa feild at hinintay ang mga pulis na dumating at kinausap ang faculty
"Inspector" pagtawag ko dito ng makita kong umalis na ang kausap niya "Agatha, ikaw pala" sabi niya "Anong nangyari?" tanong ko
"May natuklasan na bangkay sa Chemistry Lab niyo, buong katawan niya ang sunog" sabi niya kaya sinundan ang tingin niya at makikita mo sa isang stretcher ang isang bangkay ng estudyante na sunog ang buong katawan, hindi ko masabi kung lalaki ba o babae dahil sa sunog na sunog nitong katawan
"Babae ba?" tanong ko "Lalaki, parte ng Chemistry Club" sabi niya kaya bumalik sa isip ko si Patrick, clubmate niya?
"Nakita mo ba si Nathan? Kailangan ko ng tulong ninyo" sabi niya kaya liningon ko ang buong field bago umiling "Naghiwalay kami nung pinapunta kami ng faculty sa field" sabi ko habang nakasimangot
"Ganun ba? Pwede ikaw na lang?" sabi niya kaya nagulat ako, Ako lang magisa? "S-Sige" utal ko kaya sinensyahan niya akong sumunod sa kanya. Pumunta kami sa third floor kung saan mo mahahanap ang mga clubroom at pumunta kami sa sunog na clubroom
"Wag mong hahawakan ang kahit ano diyan, mainit pa at pwede kang mapaso" sabi niya kaya tumango ako, umiinit pa ang buong kwarto at kita mo na tunaw na ang mga gamit sa loob at yung iba naman ay sunog
"Sa tingin mo ba ay may pumatay sa kaniya?" tanong niya habang sinusuri ang kwarto, hindi ako komportible kasama si Indpector Gonzaga, I mean ang gwapo niyang Inspector!
"May problema ba Agatha?" tanong niya ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya "A-Ah wala Inspector" sabi ko at umiwas ng tingin at sinuri na din ang sunog na clubroom, sa gitna ng init at amoy ng sunog ay naamoy ko parin ang Hydrogen sa paligid, this is a Chemistry Lab kaya posibleng nagsimula ang sunog sa gitna ng expirement nila
"Inspector, pwede niyo po ba tawagin ang mga clubmates ng biktima?" tanong ko kaya nagtataka siyang tumango at lumabas ng sandali ng clubroom at bumalik na may kasama ng tatlong lalaki
"Kilala niyo pa ba si Patrick?" tanong ko sa kanila at nakita ko na pinawisan sila "Alam niyo naman ang nangyari sa kanila diba?" sabi ko at tiningnan sila isa-isa
"Inspector anong pangalan ng biktima?" tanong ko "Richard" sagot ni Inspector Gonzaga "Teka hindi namin pinatay si Richard!" sigaw ng isang lalaki
"Ano ang mga pangalan niyo?" tanong ni Inspector "Ako si James" sabi ng sumigaw "Ako naman si Sean" sabi ng nasa gitna "At ako si Mark" sabi ng nasa dulo
"Sino ang huling nakakita kay Richard?" tanong ko "Wala samin, magisa dito si Richard" sabi ni James "Nasaan kayo?" tanong ko "Nasa Laboratory kami ni Sir Jacob" sabi ni Mark
"Pwede niyo ba tawagin si Sir Jacob?" sabi ni Inspector Gonzaga kaya tumango si Sean at lumabas ng clubroom at bumalik kasama si Sir Jacob
"Pinatawag niyo daw ako?" sabi ni Sir Jacob "Oo, sabi ng tatlong toh na kasama mo daw sila sa Laboratory" sabi ni Inspector Gonzaga kaya tumango si Sir Jacob
"Oo, nagpatulong ako sa susunod na gagawing expirement ng Grade 8" sabi niya "May lumabas ba sa inyo?" tanong ko kaya mabilis na umiling si Sir Jacob
"Inutusan ko si Sean na itapon yung isang kahon ng alochol at inutusan ko si Mark na itapon ang isang bowl ng chemical na hindi nag-succeed at bunalik na lang si Sean na sumisigaw at nagsasabing nasusunog ang Chem Lab" sabi ni Sir Jacob kaya napalingon ulit ako sa sunog na lamesa at lumipat ang tingin ko sa sahig at agad nagsalubong ang kilay ko, linapitan ko ang isang piraso ng tunaw na salamin at sa sandaling yun ay may naamoy ako and then it clicked to me.
CHEMICAL
ALCOHOL
EXPIREMENT
HYDROGEN
"And I think that you already found the answer?" sabi ni Inspector habang nakangisi kaya alam ko na alam na din niya ang sagot "Homicide ang nangyari" sabi ko at tiningnan sila
"Nage-expirement si Richard ng makita niya si Sean na napadaan at tinawag ito para tulungan siya" sabi ko "Lumapit si Sean at hindi sinadya na masiko ang isang measuring tube" sabi ni Inspector Gonzaga
"Linagay niya ang isang kahon ng alcohol sa tabi ng apoy at Hydrogen" sabi ko "At tinulungan na abutin ang nabasag na tube pero pagkalingon mo sa kahon ay umuusok na kaya nag-panic ka at nabato mo toh kay Richard na binitawan ang kahon pero nasunog ang kamay niya at dun na nga nagsimula ang sunog hanggang sa lumaki ito" sabi ko
"A-Aksidente lang ang nangyari!" sigaw ni Sean at kita mo ang panginginig niya "Aksidente ang nangyari!" sigaw niya at tumakbo kaya agad siyang hinabol ni Inspector Gonzaga pero napakagat labi ako sa huling naamoy kasama ang Hydrogen, a drug called Nicotine.
_
Na kasuhan si Sean ng Homicide sa pagpatay kay Richard "Salamat sa tulong" sabi ni Inspector "Walang anuman Inspector pero…" sabi ko habang nakatingin sa feild
"Bakit?" tanong niya "Wala ng estudyante sa campus" sabi ko magsasalita pa sana si Inspector ng makarinig kami ng sigaw "Agatha!" napalingon kami sa gate ng school at nakita si Nathan
"Sorry at naiwan kita, pinalabas kasi kami lahat ng faculty" sabi niya "Okay lang" sabi ko "May hinawakan kaming kaso ni Agatha, magaling siya sa mga bagay na ito" sabi ni Inspector bago umalis kaya nagtatakang tumingin siya sakin
"Anong nangyari?" tanong niya "Ikwe-kwento ko na lang sayo sa kotse" sabi ko kaya tumango na lang siya at hindi na nagsalita "Nasan na pala yung iba?" tanong ko
"Ewan, hindi ko na sila nakita" sabi ni Nathan at nagkibit balikat "Pero nasa kotse ko yung apat na kahon ng J.C.O ni Trinity" sabi niya kaya nagliwanag ang mukha ko
"Talaga? Dali kainin na natin!" sabi ko at hinila siya sa parking lot.
And for a minute, akala ko may nakatingin samin.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misterio / Suspenso_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...