"Agatha i-suot mo na toh!" sabi ni Apple sabay bato sakin ng costume, aangal pa sana ako ng hinila na niya ako papuntang changing room, sinuot ko ang binigay nila sakin na puting polo at black pencil skirt na may kasamang apron
"Mukha kang manager ng Cafe Agatha!" sabi ni Apple kaya natawa ako, magkaparehas ang suot naming damit "Apple may costumer na!" sigaw ng kaklase ko sa labas
"Halika na" sabi ni Apple kaya tumango ako at lumabas ng fitting room. "Bonjour, table for one sir?" sabi ni Apple sa lalaking costumer
"Table for two" sabi ng lalaki kaya inalayan na siya ni Apple "Agatha ikaw na bahala sa iba" sabi ng kaklase ko kaya tumango ako, hays first time ko toh gagawin ah?
Bahala na para sa grade naman ang effort ko "Agatha may naghahanap sayo sa labas" sabi ng kaklase ko kaya lumabas ako "Oh Drake" sabi ko at tiningnan ang kasuotan niya na pang prinsepe at kay Hazel naman ay pang prinsesa
"Bat ganyan ang suot niyo?" tanong ko "Ako ang naging Romeo sa play habang si Hazel ay si Juliet" sabi ni Drake kaya napatango ako
"Bagay sayo yan na damit mo" sabi ni Hazel kaya napatingin din ako sa damit ko "Thanks, Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko
"May ipapakita ako, sa ngayon mag-tipon na muna tayong lahat" sabi ni Drake kaya tumango kami.
_
"Ohayo Oji-sama" sabi ng isang estudyante "Andiyan ba si Trinity?" tanong ni Drake "Trinity may naghahanap sayo!" sigaw nito at iniwan kami sa pinto, nakarinig kami ng boses bago dumating si Trinity
"Diba character yan sa Sword Art Online?" sabi ko "Anime Cafe ang ginagawa namin" sabi niya at liningon si Drake pero nagbagay sa kanya ang costume, ang cute niya tingnan!
"Bakit kayo nandito?" tanong niya "May ipapakita daw si Drake, importante" sabi ko kaya tumango siya "Alis na muna ako!" sigaw niya bago sinara ang pinto "Lets go?" sabi niya kaya sumunod kami.
_
"Ano ba ulit ang ginagawa nila Nathan?" tanong ko "Host party daw" sabi ni Trinity at nagkibit balikat, Host party? Ano yun? "What can I do for you?" sabi ng isang babae "Were here to see Nathan and Gabriel" sabi ko
"Of course, Nathan is in the second table and Gabriel is in the fourth" sabi niya at inalayan din ang iba kong kasama kaya napakunot noo kami "Nathan say aah" sabi ng isang babae at sinubukan na subuan siya ng cookies kaya napakunot noo ako
"I have hands of my own" sabi ni Nathan at umiwas sa cookie "How about ito? Masarap toh" sabi ng isa pang babae at sinubukan na pakainin siya ng cupcake
"No, can't you both understand a simple no?" sabi niya na mukhang iritado niya kaya nakita ko ang pagkadismaya ng mga babae kaya hindi ko na mapigilan na tumawa
"Seems like someone is in a bad mood today" sabi ko kaya napalingon sila sakin, hindi ako sinagot ni Nathan at nanatiling nakatitig sakin "May sasabihin satin si Drake" sabi ko
"Tungkol saan?" tanong niya "Ewan, importante daw" sabi ko at na bigla na lang kami ng bigla siyang tumayo "Lets go then" sabi niya sabay hila sakin
"Bakit ka nagmamadali?" tanong ko "Kasi gusto kong makatakas sa mga babaeng yun" sabi niya kaya natawa ako.
_
"Ano ba ang ipapakita mo samin?" tanong ni Trinity "Nakita ko toh nung naghahanda kami para sa play" sabi niya at may tiningnan sa laptop bago ipakita samin.
'No one will survive
Against the wrath
Of Hive'Nakasulat ito sa isang message at bigla na lang may nag-play na video "Are you surprised?" tanong ng isang lalaki sa video pero naka-jacket ito at natatakpan ng anino ang mukha niya, hindi mo alam kung ano talaga ang tunay niyang boses kung babae ba siya o lalaki pero sa pangangatawan niya ay malalaman mo agad na lalaki siya
"You have what we want…" sabi nito "…we are going after you Agatha Ward with your friends, Nathan Isle, Trinity Hemsworth, Drake Adams, Hazel Winston, Gabriel Winston, your blood will be in my hands" sabi nito at humalakhak bago mag-off ang video
"Si Lysander ba yan? Walang hiya siya na pagbantaan tayo" sabi ni Trinity na tila ba ay anytime ay pwede na siyang sumugod at makipagaway, parang may mali ata?
"That's not Lysander" sabi ko habang umiiling "Paano mo naman na sabi?" tanong ni Drake "Hindi ganyan ang pangangatawan ni Lysander, mas payat pa siya at kung titigan mo ay mas malaki ang body built ng lalaki sa video at mukhang nasa Mid 60's na niya" sabi ko habang sinusuri ang natapos na video
"I agree with her" sabi ni Gabriel habang tumatango "Kung si Lysander yan sigurado akong magpapakita yan ng mukha, whats the point of hiding his face? Kilala na natin siya" sabi ni Nathan kaya napatango ang dalawa
"Anong oras mo yan na tanggap?" tanong ni Nathan "One hour ago" sabi ni Drake kaya for some reasom ay napailing si Nathan "Can you track the number that sent you the video?" tanong ni Nathan kaya agad tumango si Drake
"I'll try, hindi ko kasing galing si Kuya kaya wag kayong umasa" sabi niya at mabilis na nag-type sa laptop niya "Drake may girlfriend ba si Inspector Gonzaga?" tanong ni Trinity kaya napalingon kami sa kanya
"Wala bakit?" takang tanong ni Drake "Parang nakita ko siya last week na may kasamang babae sa mall baka namamalik mata lang ako" sabi ni Trinity ng bigla akong may maalala
"Yung bumisita ako kay Cedric nung time na tulog ka pa Drake parang nakita ko nga siyang may kasamang babae at sinakay pa sa kotse niya" sabi ko at kita ko na natahimik siya
"Hindi ka ba masaya Drake? May girlfriend na ang kuya mo" sabi ni Gabriel at nagulat na lang kami ng sinubsob ni Drake ang mukha sa mga palad
"Hindi pa ako handa maging Tito, hindi din ako handa na maging brother-in-law, Ayoko!" sigaw nito at bumuntong hininga kaya nagkatinginan kami, binatukan siya ni Trinity at Gabriel
"Ang advance mo mag-isip" sabi ni Trinity habang umiiling
"Naka-singhot ka ba?" tanong ni Gabriel kaya sinamaan sila ng tingin ni Drake kaya natawa na lang kami ni Hazel, Malalaman din namin ang lahat ng pinaplano niyo Lysander.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misteri / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...