Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na tunog "Gising na!" rinig kong sigaw sa pinto at nakita si Gabriel na may hawak na pan, at spatula habang walang tigil na pinupukpok ang spatula sa frying pan
"Ang ingay mo anghel!" sigaw ni Trinity sa kabilang kama sabay bato kay Gabriel ng unan at pabagsak na humiga sa kama
"Ano ba yan kayo na nga ang mga babae pero parang lalaki naman kayo kumilos" pagbuntong hininga ni Drake na kakapasok lang kasama si Nathan
"Breakfast's ready" sabi ni Stephanie habang sumisilip sa pinto, tinali ko ang buhok sa isang ponytale at kinuha ang salamin ko sa tabi ng unan ko at sinuot yun, naka-maong akong shorts at puting sando na croptop sabayan mo pa ang magulo kong buhok na naka-puyos. Kinamot ko ang mga mata ko at bumangon sa kama
"Pabayaan niyo na muna sila matulog" sabi ko pagkalabas ko ng kwarto at sinara ang pinto "Mabwibwisit lang sa inyo ang dalawa" sabi ko "Okayy" mahabang sabi ni Gabriel bago umalis
"Nasa dining table na si Nathan" sabi ni Drake kaya nginitian ko siya at sabay na kami naglakad "Uhm Agatha, naikwento na samin ni Nathan that your a foster child" sabi niya kaya napalingon ako sa kanya na may pagtataka
"Ano dun?" sabi ko "Well paabo ka nga ba napunta sa pader ng mga Isles?" sabi niya kaya malungkot akong napangiti.
"Anong nangyari sa Tita at Tito mo?" sabi ng isang officer sakin pero nanatili labg akong tulala "Kilala mo ba yung lalaki na nakahiga sa sahig?" sabi nito pero nanatili akong tahimik at walang imik, Bakit kailangan nito mangyari sakin? Samin?
"It was my parent's last will" sabi ko kaya nanatili na siyang tahimik "Naikwento din sakin ni Gabriel na namatay daw yung kapatid niya sa sunog, kayo din ba nangyari na sa inyo ang nangyari kay Gab?" sabi ko at kita ko ang pagsilay ng isang malungkot na ngiti sa labi niya
"We all did" sabi niya kaya natahimik ako "My mom was assassinated, Trinity's brother was tortured hanggang sa mamatay and Hazel nasunog ang mga tinuring niyang pamilya" sabi niya na pinagtaka ko
"Tinuring?" sabi ko "Yes, just like you walang naging pamilya si Hazel dahil na din anak siya sa labas ng tatay ni Gabriel at namatay ng maaga ang nanay niya so walang choice kundi mapunta siya sa foster care" sabi niya kaya natahimik ako, Gabriel and Hazel are half-siblings?
"Saan na siya nakatira ngayon?" sabi ko "Sa puder ni Gabriel wala ng naging choice ang tatay ni Gabriel kundi ikuha si Hazel, okay lang din naman eh Gabriel's mom accepts Hazel at ganun din si Gab" sabi niya kaya napangiti ako.
Is it selfish for me to say that I envy Hazel?
Kahit nawalan na siya ng tinuturing pamilya ay may kumupkop parin sa kanya pero ako, When will I have freedom na mawala ang takot at pangamba sa dibdib ko?
I have so many imperfections already and many imperfections to come. "Anjan na pala kayo" rinig kong sabi ni Gabriel kaya napabalik ako sa realidad at napansin na nasa dining area na kami, nginitian ko ang dalawa bago umupo sa tabi ni Nathan habang si Drake ay umupo sa tabi ni Gabriel
"We still have a lot to do today!" sabi ni Gabriel "Kaya nga mabuti pa yung dalawa nakatulog ng maayos" sabi ni Drake habang ako ay sinimulan ng kumain
"What are we going to check first Nate?" tanong ni Gabriel "Our first suspect is Rose and Joseph" sabi ni Nathan habang kumakain ng bacon
"Me and Agatha will look for more clues here in the dining room" sabi ni Gabriel giving me a wink kaya napailing ako habang nakangiti
"Then the rest of us will get more information sa mga suspects" sabi ni Drake "Gising na pala kayo" napatingin kami sa pinto at nakita si Stephanie na naka-pajama pa
"Good morning" sabi naming tatlo habang si Nathan ay nanatili lang nginunguya ang pagkain niya "Uhm I don't know if these can help in your investigation pero ipapakita ko na lang sa inyo" sabi niya at pinakita ang isang papel na halata mong pinunit lang
"Nakita toh na hawak-hawak ni Tita bago siya mamatay" sabi niya kaya tinignan namin.
7576
"Numbers?" takang tanong ni Drake habang nakatingin sa papel, pati ako maguguluhan, bakit naman isusulat ni Josephina ay mga numero? "Do you have a safe?" tanong ni Gabriel kaya napalingon kami sa kanya
"Yes, sa office ni Tita meron" sabi ni Stephanie "Can we take a look on it?" sabi ni Nathan kaya napalingon kami sa kanya and then it strucked me, this numbers are the password of the safe
"Sige" sabi niya kaya tumayo kami para sundan si Stephanie "May paborito ba ang tita niyo sa inyong magpi-pinsan?" sabi ni Nathan kaya nagtataka kaming tumingin kay Nathan, bat naman niya yun itatanong?
"Yes, si Rose yun" sabi ni Stephanie. Pumasok kami sa isang office, pinapalibutan ang buong kwarto ng mga libro that touched the floor to the ceiling at sa gitna ng kwarto ay may office desk, sinundan namin si Stephanie na lumapita sa office desk and kneeled in front of it
"Ito yung safe" lumuhod na din ako para makita ang isang maliit na safe "Can you enter 7576?" sabi ko sinunod niya naman ito at inikot ang knob ng case, ilabg sandali kaming nag-hintay bago ito bumukas at nakita na puros papeles ang laman
"Pwede ba namin tignan?" sabi ko tumango si Stephanie at binigay ang mga papeles na laman ng safe kaya sinimulan na namin ito tignan, inisa-isa ko ito tinignan at napatigil sa isang folder dahil pansin-pansin ang nakaipit dito na papel kaya hinablot ko yun mula dun at nakita ang isang Death Certificate
"Stephanie alam mo ba toh?" sabi ko nagtatakang tumingin sakim si Stephanie at tinignan ang papel na hawak ko at pati siya nagulat
"Sayo ipapamana ang mga ari-arian ng Tita niyo" sabi ko.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...
