♣3♠

173 11 0
                                    

I stood up my stomach growling, baka dahil Hindi ako kumain ng dinner kahapon, antok akong pumunta sa banyo at nagsipilyo pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto pero sakto naman ay may dumaan kaya natumba ako and it felt like slow motion ng masalo niya ako, we stared at each other too shocked to move

"Who are you?" sabi niya at tinayo ako, he stared at my eyes with a question mark on his head on who I was "Paano ka nakapasok?" sabi niya ulit looking at me head-to-toe

"A-Ah" kinagat ko ang ibabang labi ko dahil wala na akong masabi at walang lumabas na salita sa bibig ko "Ate Aggi!" nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang patakbong Ana na tumalon pa para kargahin ko

"Ana hindi ba sabi ko sayo wag kang tatakbo?" sabi ng lalaki sa harap ko pero kumapit lang sakin si Ana "Kuya meet Ate Aggi! ang ganda niya noh?" sabi ni Ana habang pinaglalaruan ang dalawa kong pisngi

"Ate Aggi meet my Kuya Nathan!" sabi ni Ana nginitian ko lang siya at tumango, Nathan crossed his arms at pinagaralan ang mukha ko "Wait, she's the foster child?" sabi nito tumango si Ana at bumaba para hawakan ang kamay ko

"Your nervous" sabi nito para magulat ako, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan talaga ako - I'm scared

Scared of getting attached to them...

"H-Ha?" utal ko how did he know? "Your body is responding to your feelings - for short hindi mo magawang tingnan ako sa mata at kanina ka pa napapalunok diyan" sabi niya, am I that obvious? Umiwas na lang ulit ako ng tingin "Lets have breakfast!" sabi ni Ana at hinila ako.

_

Katabi ko si Ana sa dining table habang si Nathan ay nasa harapan ko at naglalaro ng cellphone

"Good morning!" rinig naming sigaw sa may pinto at bumungad samin si Tita Em na naka-night gown at nakasunod sa kanya ang isang lalaki na magulo pa ang buhok at antok pa ang mga mata gaya kay Nathan "Ang ingay mo" sabi nito

"I'm just excited for our first breakfast with Aggi!" sabi ni Tita, wala na lang sinabi yung lalaki at umupo sa gitna ng dining table at tumabi naman si Tita kay Nathan "Good morning Nate!" sabi niya at napailing na lang sa kanya si Nathan, natatawa na lang ako habang tinitignan sila

"Aggi meet your Tito Neil" sabi ni Tita nginitian ko lang si Tito at tinanguan at ganun din ang ginawa niya - well without the smile... kasi naman mukhang strikto siya eh!

"Okay! lets eat!" minsan talaga natutuwa ako dito kay Tita Em dahil ang bibo niya at parang high school girl kung umasta, linagay na ng mga katulong ang mga pagkain sa dining table.

They started eating pero nanatili lang akong nakatitig

"Hindi ka ba kakain Aggi?" sabi ni Tita nginitian ko siya "Ate Aggi is just shy" sabi ni Ana na ngumunguya ng toasted bread "Don't be shy Aggi, Nate tulungan mo si Agatha" sabi ni Tita Em kaya nahiya ako lalo na nung lagyan na ni Nathan ng pagkain ang plato ko

"Remember Agatha we are family now" sabi ni Tita Em at ngumiti, pilit ko na lang binalik ang ngiting yun

I can't...

Nagsimula na akong kumain pero nandun parin ang kaba at hiya na nararamdaman ko

I don't treat them as my family...

Not now...

"Nate second sem nyo na ngayon diba?" sabi ni Tita Em tumango si Nathan na tahimik na kumakain at tumango

"Great! Aggi you'll be attending St. Pristine University starting tomorrow" sabi niya at pumalakpak pa para mabitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at gulat na tinignan siya

St. Pristine University?

"P-Po?" sabi ko "Really mommy? makikita kita every day in school Ate Aggi!" sabi ni Ana habang nakangiti habang yung dalawang lalaki ay tahimik na nakikinig at kumakain

"Makakasama mo si Nathan every break, he'll be assisting you the whole year" sabi ni Tita Em at na gulat na lang kami ng bitawan ni Nathan ang kutsara at tinidor niya at tinignan ang mama niya na nagulat din

"You expect me to babysit her? Mom she's old enough to take care of herself" sabi ni Nathan

"I know that Nate but you have to understand naninibago pa siya sa paligid-" tumigil si Tita sa pagsalita ng tumayo si Nathan kaya napayuko na lang ako

Hindi pa nga tumatagal nagdadala nanaman ako ng kamalasan...

"She's just a foster child at kahit pabaliktarin mo ang mundo hindi yun magbabago" sabi ni Nathan at ramdam ko na parang sinaksak ako sa dibdib, natahimik kami lahat ng sampalin ni Tita si Nathan

"Sumosobra ka na Nathan Isle" nangilabot ako ng makita ko ang galit sa mukha ni Tita Em, ang bibo at mabait na babae ay wala na "Maguusap tayo mamaya tungkol diyan sa ugali mo, bumalik ka sa kwarto mo" sabi ni Tita pero nakayuko at walang imik parin si Nathan

"Bumalik ka sa kwarto mo Nathan!" sumigaw na si Tita "Tsk!" kita ko ang inis sa mukha ni Nathan bago naglakad palabas ng dining room "I'm sorry Agatha sa mga sinabi ng anak ko" sabi ni Tita nginitian ko siya

"Its okay, totoo naman yung sinabi niya" sabi ko at tumayo "Tapos na po ako at magpapahinga na po" sabi ko at lumabas ng dining room at tumaas kung saan nadaanan ko pa si Nathan na padabog na sinara ang pinto ng kwarto niya na naging dahilan ng pagbuntong hininga ko

Sagabal lang ako dito...

Pumasok na ako sa kwarto.

[Nathan's Point of View]

"Nathan..." napalingon ako sa may pinto at agad din namang umiling

Tsk, sinampal niya ako para sa babaeng yun!

"Nate please talk to me" sabi niya at pilit na pinapaharap sa kanya, hindi ako nagpatinag at pinagpatuloy ang pagtingin sa mga files ko, rinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pagupo niya sa harap ko

"Nate I'm sorry na nasampal kita kanina its just that your going overboard" sabi niya "That is called the truth Mom" sabi ko

"Look Aggi she... she had a rough past both her parents died may nagkupkop naman sa kanyang kamag-anak na walang anak pero namatay din sila and now she's here with us" sabi niya para mapalingon ako sa kanya

Died?

"Died?" pagtanong ko tumango siya "Yes, they where murdered Nate kaya gusto ko na ituring mo siya na parang kapatid na din" sabi niya

Murdered?

"For me Nate?" pagmamakaawa niya napabuntong hininga ako "Basta wag lang siya maging sagabal sa mga club activities ko" sabi ko ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi

"Thanks son, sasamahan mo siya sa St. Pristine bukas ah?" sabi niya tumango na lang ako ngumiti siya sakin at lumabas ng kwarto.

Agatha, something about your past made me curious...

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now