"Sino yun?" napalingon ako sa tumawag at nakita si Gabriel "Kakilala ko lang" sabi ko kaya tumango na lang siya
"Akala ko ba bumili ka ng pagkain?" tanong niya habang naglalakad kami "Inubos ko na kanina sa Cafeteria" sabi ko, napatigil kami sa paglakad ng makarinig kami ng mga sigaw at mukhang nagpa-panic sila, linapitan namin yun ni Gab.
Kita mo ang hindi mapakali na mga Faculty at ang mga naalerto at tila ba ay natatakot na mga estudyante "Anong nangyayari?" tanong ni Gabriel sa idang estudyante
"Papasok na daw sana sila sa classroom ng mapansin nilang naka-lock toh, mula sa feild ay makikita na parang may sumasakal daw sa Class President ng Class B" sabi ng babae, nagkatinginan kami ni Gabriel at liningon ang mga Faculty member na nagtutulungan na para buksan ang pinto, ng mabuksan nila ito ay hindi nagalinlangan ang Faculty Head at sinipa ang pinto pero lahat ay napasinghap at napatakip ng bibig at ilong ng makita ang isang estudyanteng lalaki na naka-handusay sa sariling upuan at may saksak sa dibdib
"Tumawag kayo ng ambulansya at pulis dali!" utos ng Faculty Head at halata sa mukha niya na hindi siya mapakali pati ako ay natakot at nangamba sa nakita.
_
Tinawag ng Faculty ang mga ambulansya at pulis na agad dun namang dumating at kinuha ang bangkay ni Lucas North ang class president ng Class B
"Isang lock room case" rinig kong bulong ni Gabriel sa tabi ko "Sa tingin mo ba paano siya namatay?" tanong niya sakin na sinagot ko ng kibit balikat
"Gabriel, Agatha" rinig naming tawag "Inspector Gonzaga" sabi ni Gabriel "I'll let you do your magic" sabi niya giving us permission na kami na ang hahawak sa kasong toh
"Thank you Inspector" sabi ni Gabriel na may ngiti sa labi "Pasok tayo?" sabi niya sakin kaya tumango ako, habang tumatagal ay nasasanay na ako dugo at hindi na ako inaatake ng panic attack pero hindi parin maiiwasan na mahilo kung may naaalala ako sa nakaraan, pumasok kami sa classroom at kapansin-pansin ang upuan na konti na lang ay mapuno na ng dugo
"Sino naman ang gusto pumatay sa Class President?" tanong ko "Lahat tayo may lihim na galit at inggit" sabi ni Gabriel na sinangayunan ko
"Mahirap toh, kitang-kita mo talaga na imposible na makatakas ang killer dito, kung lakabas siya sa bintana ay makikita siya sa labas at imposible din na may nakakita na may pumasok sa classroom" sabi ni Gabriel, tama siya may announcement kanina si Principal Maxwell kaya lahat ng estudyante nasa covered court except kami dahil tumambay talaga kami sa clubroom at makikibalita na lang pagkatapos
"Agatha, Gab?" napatingin kami sa pinto at nakita pa ang iba naming kasamahan "We heard the news" sabi ni Trinity
"Mukhang isang lock room case toh" sabi ni Gabriel "Mukha nga" sabi ni Trinity "Nakibalita kami sa mga estudyante kanina at nalaman namin na hindi daw nag-attend ng announcement si Lucas" sabi ni Drake
"Gabriel" napalingon kami sa pinto at nakita ng kakadating lang na si Hazel at mukhang hingal na hingal pa, lumapit siya samin ni Gabriel at pinakita ang isang papel na may bahid pa ng dugo
"Nakita toh sa kamay ng biktima" sabi ni Hazel kaya nagkatinginan kami lahat.
I'M SO STUPID.
Yan ang nakasulat sa papel at mukhang hindi maganda pagkasulat nito at may mga tulo pa ng dugo ang papel
"Sa tingin mo ba kagagawan toh ni Charles?" sabi ni Drake kay Gabriel "Hindi ko alam" sabi ni Gabriel "Si Nathan? Nasan?" tanong ko ng mapansin na hindi kasama si Nathan
"Nagtanong-tanong siya para makakuha ng clues" sabi ni Drake "Papunta na daw siya dito" sabi ni Trinity habang hawak ang cellphone. Ilang sandali kami nag-hintay bago dumating si Nathan
"Mukhang mag-isa lang ang biktima kanina pero may nakakitang isang estudyante na parang may sumasakal sa biktima at agad sinabi sa faculty" sabi ni Nathan
"Nakakuha din ako ng picture kanina" sabi ni Drake at pinakita samin ang screen ng Canon niya na may picture ni Lucas habang nakahandusay sa sariling upuan at puno ng dugo ang dibdib niya
"Mukhang malaki ang galit ng gumawa nito" sabi ni Gabriel habang sinusuri ang picture "Hazel pwede ko ba kausapin ang mga kasama ng biktima bago ito mamatay?" sabi ni Nathan kaya tumango si Hazel at lumabas ng classroom
"Nakikita mo ba ang anggulo ng kutsilyo?" sabi ni Gabriel at tinuro pa ang kutsilyo sa dibdib ni Lucas
"Mukhang binaon niya talaga ito at sinadya na dun siya saksakin" sabi niya "Nagtataka lang ako" sabi ni Trinity kaya napalingon kami sa kanya
"Lahat ng estudyante nasa covered court pero bakit siya nandito? May kakausapin ba siya sa classroom kaya siya pumunta dito?" sabi ni Trinity, tama ang sinabi niya bilang Class President ay dapat alam mo ang mga announcements ng school kaya bakit siya nandito at wala sa gym?
Ano ba ang inisip ni Lucas at pumunta siya sa classroom kung saan walang tao?
"Kausapin natin bukas ang mga suspect at mag-tanong-tanong umuwi na muna tayo" sabi ni Nathan kaya sinunod na lang namin siya.
_
"Nathan sa tingin mo ba bakit pinatay si Lucas?" sabi ko habang nagmamaneho siya "Sa inggit?" sabi niya
"Hindi ko mapigilan isipin kung bakit kailangan mamatay ng tao" sabi ko at sumandal sa bintana, natahimik siya sa sinabi ko kaya hindi na din ako nagsalita.
Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa mansyon "Hindi mo kasi naiintindihan eh!" rinig naming sigaw ni Tita kaya nagkatinginan kami ni Nathan
"Sa tingin mo ba okay lang toh kay Agatha? For pete's sake namatay si Amy at Dwayne at sunod naman si Gray at Lucy sa tingin mo ba sa murang edas niya ano ang iisipin niya?!" sigaw niya kaya natigilan ako, Ako ang pinaguusapan nila?
"I promised Amy na aalagaan at proprotektahan ko ang anak niya at hindi ko siya bibiguin" sabi ni Tita
"Jan ka lang at wag kang lalabas"
Okay lang ba sayo na ako ang maging dahilan para mawalan ka ng bestfriend?
"Agatha run"
"Mommy!"
"Agatha" napalingon ako kay Nathan ng tawagin niya ako at dun ko lang napagtanto na tumutulo na pala ang luha ko, binuksan ko ang pinto at kita na may kausap si Tita sa phone at tila ba ay nagulat pa siya ng makita kami
"Nandito na pala kayo" sabi niya at hinalikan kami sa pisngi "Masama ang pakiramdam ko" pagpapaalam ko at tumakbo papunta sa kwarto ko
"Ate?" rinig ko pang sabi ni Ana ng madaanan ko sa hallway bago ko sinara ang pinto ng kwarto.
Is it selfish of me to think na gusto ko ng mamatay?
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...