♠45♣

75 1 0
                                    

Bumagsak sa sofa si Nathan pagka-dating namin sa bahay ni Drake na nasa dining area habang umiinom ng kape at nasa harap niya si Choco, ang minamahal niyang laptop.

"Ang aga niyo ata pumunta dito?" sabi ni Inspector Gonzaga kaya napalingon ako sa kanya "Bat ka nandito?" taka kong tanong "Hindi pa ba namin na sasabi sayo? Kapatid ni Drake si Inspector Gonzaga" sabi ni Trinity kaya kumunot ang noo ko

"Pero Adams si Drake at Gonzaga si Inspector" sabi ko "Iba ang tatay ni Inspector" sabi ni Gabriel kaya napatango ako "So ano ang totoo mong pangalan Inspector?" tanong ko

"Dale Gonzaga" sabi ni Inspector, kaya naman pala nung unang tingin ko sa kanya parang may kamukha siya, so that explains it. Napalingon ako kay Nathan na mahimbing na natutulog sa sofa

"Anong nangyari diyan at parang puyat ata?" sabi ni Drake at nginusuan si Nathan "Inistorbo namin ang tulog nila" sabi ni Gabriel habang nakangiti "Nila?" takang tanong ni Drake

"Oo, magkatabi sila ni Agatha natulog" sabi ni Trinity kaya nabilaukan si Drake sa iniinom na kape "Ano?!" gulat niyang sabi habang nanlalaki ang mata

"I know right? Binata na ang pres natin!" sabi ni Gabriel habang nakangisi at inakbyan pa si Drake kaya natawa ako

"Seryoso? Magkatabi kayong natulog?" tanong ni Drake at inalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Gabriel kaya nahihiya akong tumango

"Kita mo? Tinalo ka pa ni Nate may katabi matulog pero ikaw at the age of 25 ang katabi unan" sabi ni Drake sa kapatid kaya pinagningkitan siya nito ng mata

"Sa edad ko na yan ay nagkaroon ako ng girlfriend hindi gaya sayo ang syota mo laptop" sabi ni Inspector at umiling kaya sinamaan siya ng tingin ni Drake

"Bat nga pala kayo pumunta dito?" sabi ni Drake habang inaayos ang glasses niya "Naalala mo pa ba si Luna ng Paranormal Club?" sabi ni Gabriel kaya napatingin si Drake sa kanya

"Si weirdo?" sabi ni Drake kaya tumango si Gabriel "Oo naman, lagi yun nakasulpot sa mga kaso natin sa labas, ano daw kailangan niya?" tanong ni Drake

"Gusto daw niyang sumama tayo sa operation nila at mag-bigay ng scientifical theory kung totoo ba ang multo" sabi ni Gabriel

"Magbibigay lang pala tayo ng theory" sabi ni Drake habang tumatango-tango "Hindi ko pa yun nakikita si Luna" sabi ko habang nagiisip "Baliw yun, she believes in paranormal activities" sabi ni Drake habang umiiling

"And she writes a blog about their operations" sabi ni Trinity "They are now getting 1.2 Million followers and views and still counting" sabi ni Hazel

"Agatha" napalingon ako sa pagtawag ni Nathan kaya linapitan ko ito "Bakit?" tanong ko "Timplahan mo ko ng kape" sabi niya at humikab "Strong or sweet?" tanong ko

"Tama lang" sabi niya at bumangon kaya tumango na ako "Pwede ba ako magtimpla ng kape?" tanong ko kay Inspector

"Sige, nasa middle cabinet yung sugar" sabi niya kaya tumango na lang ako bilang sagot, kinuha ko yung coffee jar sa gilid at white sugar sa middle cabinet tsaka in-on yung heater

"Aalis ka na ba kuya?" tanong ni Drake kaya napalingon ako kay Inspector na kinukuha yung blazer niya "May gagawin pa kaming plano kung paano maaresto ang mga sindikato sa Mindanao" sabi niya sabay kuha ng susi niya

"Mauna na ako, i-sara mo Drake ng mabuti yung pinto pagka-alis niyo" sabi niya at lumabas ng pinto, in-off ko na yung heater at linagay na sa kape at inikot-ikot ko na lang yung kutsara bago dahan-dahan na binigay kay Nathan

"Dahan-dahan lang, mainit pa" sabi ko habang inaabot sa kanya "Anong oras tayo pupunta dun?" tanong ko habang inaayos ang collar ng polo ni Nathan

"Ngayon na, magkikita daw tayo dun sa abandoned building" sabi ni Gabriel "Yung dating ospital?" takang sabi ni Drake "Diba off limits yun?" tanong ko kaya tumango si Gabriel

"Nagpaalam daw sila, alam mo naman anak ng Congress si Luna" sabi ni Gabriel "Sabagay" sabi ni Drake at nagkibit-balikat "Why are they believing in paranormals? The brain only plays with you para paniwalaan ang kinakatakutan mo" sabi ni Nathan at bumuntong hininga

"We have our own beliefs" sabi ko at ngumiti at inayos ang nagusot kong orange na sweatshirt

"Halika na, magdadala lang ako ng bag para sa laptop" sabi ni Drake at tumaas muna sandali bago bumaba na may dalang backpack.

_

"Nandito na tayo" sabi ni Drake at pinark ang sasakyan "Dito daw sila naghihintay" sabi ni Gabriel habang nakatingin sa cellphone niya kaya bumaba na kami sa kotse at makikita mo dito ang isang lumang bodega, walang masyadong buhay dito at puros puno ang makikita mo

"Gabriel!" napalingon kami sa tumawag at makikita mo ang isang babaeng may brown ang buhok at may mga violet na strand ng buhok niya

"Luna" sabi din ni Gabriel at kumaway at nakasunod sa babae ay isang grupo ng mga tao "Casey anong ginagawa mo dito?" tanong ni Drake at pinagningkitan pa ng mata ang babaeng may hawak na Canon

"Yung nalaman niyang kasama kayo sa operation namin, sumama na din siya" sabi ni Luna "Wala ka na ba magawa sa buhay?" tanong ni Drake

"I am the newspaper club's president kaya kailangan ko makakuha ng news para sa weekend newspaper ng school" sabi niya kaya Drake habang nakangisi

"And you must be Agatha Ward? The rumored girlfriend of Nathan Isle at minsan na din nakita kasama si William" sabi nito at nagulat na lang ako ng mag-flash ang Canon camera niya, did she just took a picture of me?

"Stop that Casey, ang weird niyo talaga magkakaibigan" sabi ni Trinity at pinalayo sakin si Casey "Ganyan talaga si Casey kung ano-ano na ang nagagawa para lang makakuha ng balita, lagi yan nakasunod samin kung may kaso kami sa labas" sabi ni Trinity habang umiiling

"Nandun siya nung Condominium Case" sabi ni Gabriel and then it clicked to me, nakita ko nga siya na nagpipicture sa crime scene "Siya pala yun?" sabi ko kaya tumango si Gabriel

"Pasok na tayo?" pangaaya ni Luna kaya tumango kami at sa pagkatapak palang namin sa building ay agad na nagtaasan ang balahibo ko, may masama akong pakiramdam sa lugar na toh.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now