[Trinity's Point of View]
"Gabriel ano ba!" sabi ko at marahas na tinabig ang kamay niyang hawak ang braso ko, kung makahila naman kasi toh wagas! Narinig ko ang pagtawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin
"Ang bagal mo kasi eh" sabi niya kaya inirapan ko siya at nauna ng maglakad, pupunta kami sa Faculty Room para tanungin sa Faculty Head kung sino ang nakakita sa biktima na sinasakal.
"Mr. Choi" pagtawag namin sa teacher "Yes? what can I help you with students?" sabi niya "Pwede po ba namin malaman kung sino ang magsabi sa inyo kung sino ang nakakita kay Lucas na may sumasakal sa kanya?" sabi ni Gabriel
"As far as I remember yung best friend ni Hallie" sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Gabriel "Si Apple?" sabi ko at liningon ulit si Mr. Choi na tumango "Siya nga" sabi niya
"Thank you Mr. Choi, were leaving now" sabi ko at umalis na kami sa Faculty Room. Hinanap namin si Apple sa campus hanggang sa mapagisipan namin na pumunta sa classroom nila
"Nandiyan po ba si Apple?" tanong ko sa isang estudyante "Apple may tumatawag sayo!" sigaw nito, nakita na lang namin na may tumayo at lumapit samin
"I heard na napunta daw si Agatha sa clinic, anong nangyari sa kanya?" sabi niya at bakas sa boses niya ang pagaalala but her words caught our attention
"What do you mean?" sabi ni Gabriel "Nakita ng ibang estudyante na buhat ni Natham si Agatha kasama si Drake papuntang clinic" sabi niya
"Pupuntahan namin siya mamaya" sabi ko "Can you answer our questions?" sabi ni Gab kaya nagtatakang tumango siya "Paano mo nakita si Lucas?" sabi ni Gabriel
"Lumabas ako nun sa covered court dahil magco-comfort room sana ako ng makita ko ang Class President ng Class B sa bintana, may hawak sa leeg niya at parang hirap siya huminga at…" sabi niya at mukhang nagalinlangan pa siyang sabihin
"Ano yun?" taka kong tanong "Hindi ko alam kung sasabihin ko pa sa inyo pero nakita ko na hinampas siya ng baseball bat sa ulo" sabi niya
"Nakita mo ba yung itsura niya?" tanog ko na sinagot niya ng iling "Naka-jacket toh na black at naka-gloves, nakasuot din siya ng maskara kahit isang bahagi ng katawan niya ay wala kang makikita" sabi niya kaya napailing ako, smart ass tsk
"Bakit hindi mo toh sinabi sa faculty?" tanong ni Gabriel "Ayokong sabihin yun kasi baka maalerto sila sinabi ko nga lang na may sumakal sa kanya nagkagulo na ang lahat" sabi niya
"…at isa pa plano kong sabihin sa inyo dahil ayokong matulad siya kay Hallie" sabi niya at kita ko ang pagsilay ng malungkot na ngiti sa labi niya kaya nagkatinginan kami ni Gabriel
"Thank you, alis na kami" pagpapaalam ni Gabriel bago ako hinila palayo, Ano ba ang nangyari kay Agatha?
_
[Agatha's Point of View]
"Agatha okay ka lang?" sabi sakin ni Will "Oo, pinapatawag lang ako ni Mr. Leo" sabi ko at ngumiti "Aggi gagamitan ka ba ulit ng injection?" sabi sakin ni Charles
"Ano ka ba Charlie sabi ni Mr. Leo its for my health daw" sabi ko "But this is the tenth time today" sabi niya at nagkatinginan pa sila ni Liam
"Ewan ko sa inyo ang OA niyo" sabi ko at naglakad na palayo. "Mr. Leo-" hindi natapos ang pagtawag ko sa kanya ng makita kong nagaaway sila ni Daddy
"Pumayag ako na gamitin mo ang anak ko dahil sabi mo ligtas toh!" sigaw ni Daddy "Ligtas toh Dwayne! Nakita mo ba si Agatha? Siya ang first na nag-succeed sa expirement-" hindi na natapos ni Mr. Leo ang sasabihin ng nagsalita na ako "Daddy?"
Napabalikwas ako ng bangon, ano yun?! "Agatha?" napalingon ako sa paligid at nakita na nakapilid sila sakin "Anong nangyare?" tanong ko habang hawak ang noo ko
"Inatake ka" sabi ni Nathan kaya hindi na ako nagtanong pa dahil bumalik lahat ng nangyari sakin "Ayaw ata ng killer na mahuli siya" sabi ko "Who would?" sabi ni Trinity kaya natahimik kami
"Journalists Club!" rinig naming sigaw sa pinto kaya napalingon kami dun para makita ang hingal na hingal na si Jefferson
"Mukhang ako ngayon ang target ng killer" sabi niya at pinakita ang isang papel.
YOUR NEXT
Mukhang dugo pa ang ginamit para masulat yun "Wag ka na muna makipag-usap sa iba and don't let your gaurd down" sabi ni Nathan tumango si Jefferson
"Babantayan ko na din si Jhaira" sabi niya at lumabas na ng clinic "Mukhang iniisa-isa na ng killer" sabi ni Drake
"Si Apple pala ang nakakita kay Lucas na sinasakal" sabi ni Gabriel kaya napalingon kami sa kanya
"At mukhang hinampas siya ng killer ng baseball bat kaya may dugo yung ulo niya sa video" sabi ni Trinity "May maskara at naka-jacket din yung killer" sabi ni Gabriel
"Ipagpatuloy na lang natin toh bukas, kami ni Agatha ang magtatanong kay Jhaira bukas, Gabriel at Hazel tignan niyo yung Janitor's room at hanapin kung saan pwede tumakas ang killer at Drake at Trinity mag-tanong-tanong kayo sa mga kaklase ni Lucas baka sakaling may malaman kayo" utos ni Nathan kaya tumango kami lahat.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
"Kamusta ang araw niyo sa school?" tanong ni Tita sa hapagkainan "Uhm okay lang po" sagot ko ng mapagtanto kong walang balak sumagot si Nathan
"Ate, Kuya totoo po ba na may namatay daw po sa building niyo?" tanong ni Ana sakin kaya natigilan ako "So your both investigating again" sabi ni Tita
"Opo tita" sabi ko at tumawa "Why do people die Mommy?" tanong ni Ana kay Tita "Its part of life Ana" sabi ko at ngumiti "If someone dies one life will come to life again" sabi ko "So you mean my new born baby po pag may namatay na tao?" sabi niya kaya tumango ako
"A painful death will be gifted by a joyful life" sabi ko at malungkot na ngumiti at pansin mo ang katahimikan sa buong dining table
"So if someone dies may isang mabubuhay?" sabi ni Ana kaya tumango ako "Yes, amazing right?" sabi ko na sinagot niya ng tango.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mistério / Suspense_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...