♠56♣

79 5 0
                                    

[Agatha's Point of View]

"And I'll make sure you won't" sabi ko at tila  ba ay nagulat siya "Not everything can follow you, if I have to walk another path and change my destiny, I will" sabi ko sabay tulak sa dibdib niya

"Then lets start this game" sabi niya habang nakangisi kaya lumabas na ako ng office, pagkasara ng pinto ay nakahinga na ako ng maluwag, god mamamatay ako ng wala sa oras!

"Are you okay?" tanong ng kung sino kaya napalingon ako dito at nanlaki ang mata "Jefferson!" sigaw ko at nginitian siya "Mabuti okay ka na" sabi ko

"I heard what happened, hindi ko aakalain na maraming nangyari sa saviour ko habang wala ako" sabi niya kaya natawa ako "Saviour?" tanong ko

"Oo, ikaw ang nagligtas sakin diba?" sabi niya kaya natawa ako "Sabagay" sabi ko at nagkibit balikat "I've got to go" sabi niya "See you!" sabi niya bago tumakbo paalis.

Naglakad na ulit ako patungong clubroom ng biglang sumakit ang ulo ko "Arghh" daing ko at napahawak sa pader

"Agatha?"

Ano nanaman ba ang nangyayari?!

"Agatha!"

Arghh! Ang sakit!

"Agatha halika na!" sigaw ni Ron at hinila-hila ako "Ha? Bakit?" tanong ko "Agatha sumunod ka na lang kay Ron!" sabi ni Tan

"T-Teka-" pagpigil ko pero agad akong hinila ni Ron sabay ng pag-alarm ng Fire Alarm at ang pag-ilaw ng pula sa buong paligid

"Ron!" pagtawag ko dito pero hindi niya ako pinakinggan, tumatakbo na ang mga staff habang nasa likod ko si Tan, ano ba ang nangyayari?

Si Daddy at Mommy? Binalot ng takot ang dibdib ko at pilit na umalis sa pagkakahila ni Ron na pinagtagumpayan ko "Agatha!" pagtawag nila sakin, nasan na ba kayo?

Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang paghinga ko, Ano yun? "Agatha, we found Sherley -teka okay ka lang?" tanong ni Trinity ng makalapit siya sakin kaya nginitian ko sila at inayos ang tayo

"Oo naman" sabi ko pero mukhang hindi siya naniwala pero hindi na nagtanong "Na hanap niyo na si Sherley? Nasaan siya ngayon?" tanong ko

"Nasa St. Pristine Hospital" sabi ni Drake, what a coincidence! "Talaga? Malapit lang yun dito diba?" sabi ko kaya tumango sila

"Kinausap ko na yung nanay at pumayag siya na bisitahin natin si Sherley" sabi ni Drake kaya tumango ako

"Mamayang hapon natin siya bisitahin" sabi ko kaya tumango sila.

_

"Pamonos!(Vimanos)" sabi ni Gabriel kaya natawa kami "Baliw" sabi ni Trinity sabay batok kay Gabriel kaya napailing ako sa kakulitan nila "Excuse me but can I see Sherley Marquez?" sabi ko

"Room 394" sabi niya kaya tumango ako "Thank you" sabi ko bago maglakad palayo.

Ilang sandali din kami naglakad bago tumigil sa isang room "Are you Drake Adams?" tanong ng isang babae na maga ang mata na halata mong mag-damag umiiyak

"Yes, thats me" sabi ni Drake at tumaas pa ng kamay "This is Agatha  Ward the one I was talking about" pagpapakilala niya sakin "My name's Sheena, I'm Sherley's mom" sabi niya kaya nginitian ko siya

"Can I see her?" tanong ko kaya tumango siya at binuksan ang pinto ng hospital room, napatakip ako ng bibig ng makita ko ang isang batang babae nakahiga sa hospital bed habang natutulog at wala na itong buhok gaya ng mga normal na cancer patients

"Anong ginawa niya para makuha niya ang sakit na toh?" tanong ko "A friend of mine suggested sa isang medical facility na nagbibigay ng libreng gamot para hindi magkasakit ang bata" sabi ni Sheena

"May nakita ka bang tinurok sa kanya?" tanong ko "Yes, hindi ko inaasahan na dahil sa isang gamot magkakaroon siya ng Luekemia" hikbi niya

"Mom?" napalingon kami ng unti-unti niyang dinilat ang mata "Hi Sherley" sabi ko at nginitian siya "Sino ka?" tanong niya "I'm Agatha, I'm here to help you" sabi ko

"Doctor ka din ba? Its better kung umalis ka na lang, mamamatay at mamamatay lang ako" sabi niya kaya naging mahigpit ang pagkakahawak ko sa kama, At a young age alam na niya ang nangyayari sa paligid

"I'm not a doctor" sabi ko "Are you…Are you perhaps my guardian angel?" sabi niya kaya napatingin ako kay Sheena na humihikbi at tinanguan ako

"Yes" sabi ko "Alam mo bang mas mabuti ng mamamatay than to suffer the life of the living?" sabi niya "But it makes you feel how happy, sad, painful life can be" sabi ko kaya natahimik siya

"I have a question for you Sherley" sabi ko kaya umangat ang tingin niya sakin "Do you want to live?" tanong ko, ilang sandali din siya hindi sumagot ng bigla siyang umiyak

"I don't want to leave my family, I-I don't want to die" hikbi niya kaya napangiti ako

"I'll make sure you won't" sabi ko, if it means sacrificing myself to save a life, I'll do it.

_

"Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Gabriel kaya ngumiti ako "Bukas na ang Intrams diba?" sabi ko kaya tumango sila "Yun na muna ang pagtuonan natin ng atensyon" sabi ko kaya tumango sila.

Umuwi na din kami agad ni Nathan "Kamusta si William?" tanong ko kaya tumigil siya "He's fine, nasa coma pa siya ngayon" sabi niya kaya mapait akong napangiti

"It was my fault" sabi ko at umiling "Its not your fault, Its not anyone one's fault okay?" sabi niya at hinawakan pa ang mga balikat ko

"O-Okay" utal ko "I want you to be careful Agatha, now that we know na parte ka ng Project Carnations pwedeng balikan ka ni Lysander para makuha ang gusto niya sayo" sabi niya kaya natahimik ako

"I want to know the truth Nathan, the truth about anything that was barried" sabi ko "Alam ko, ako din, gusto kong malaman ang lahat tungkol sa nakaraan natin…" sabi niya

"…pero hindi dapat tayo padalos-dalos, alam mo kung anong muntik ng mangyari sayo nung umalis ka ng bahay diba?" sabi niya kaya natahimik ako, tama siya kung hindi ako umalis edi sana walang masasaktan ngayon.

Hays Nathan kung alam mo lang sana kung anong ginawa ko dati, makakausap mo pa kaya ako ng ganito pag-nalaman mo?

Maybe not, isang demonyo lang ang makakagawa ng ginawa kong kasalanan.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now