[Agatha's Point of View]
"Mabuti gising ka na!" sabi ko at hindi ko mapigilan na hindi siya yakapin "Mabuti okay ka lang Agatha" sabi niya
"Walang imik yan habang wala ka Drake" sabi ni Gabriel, tinawagan kami ni Trinity at sinabi na gising na daw si Drake kaya agad-agad kaming pumunta ni Nathan sa ospital
"Macoconfine pa ba daw siya?" tanong ko "Hindi na daw, so by tomorrow ay makaalis na si Drake" sabi ni Gabriel "Ang daya mo ah? Nagising ka kung kailan sem-break!" sabi ni Trinity habang nakanguso kaya natawa kami
"So tuloy pa yung byahe natin papunta sa beach?" sabi niya "Kita mo? Kakagising lang, yan agad ang itatanong" sabi ni Gabriel at binatukan si Drake
"Hoy masakit! Baka nakakalimutan mo na hinampas ako sa ulo ng baseball bat?!" sabi niya at hinimas ang ulo niyang may benda, napalingon ako sa tabi ko ng maramdaman ko na parang may tumutusok sa braso ko at nakita na inaalok ako ni Nathan ng cheese rings
"Magiging okay lang ba ang byahe natin bukas?" sabi ko at kumuha ng isang cheese ring "Hindi tayo sigurado" sabi niya habang umiiling, Sana walang mangyari saming masama.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
"Were going to the beach!" masayang kanta nila habang nasa van kami, ngayon na ang byahe namin papuntang resort nila Tita at kasalukuyang nagdra-drive si Nathan at katabi niya si Drake
"Gabriel nakita mo ba yung potato chips ko?" rinig kong sabi ni Hazel sa likod
"Kinain ko na kanina" sabi ni Gabriel at tumawa "Ang takaw mo talaga Gab" sabi sa kanya ni Trinity na nasa tabi ko habang umiiling. Sana naman ay walang mangyari samin.
_
"Nandito na tayo!" masayang sigaw ni Gabriel pagkalabas ng van "Ang ingay mo" singhal sa kanya ni Trinity "Teka lang bilhan mo nga ng tubig si Hazel" sabi ni Drake sa sumusuka na si Hazel
"Anong nangyari?" tanong ko "Kiniliti ni Gabriel habang nasa byahe kaya na hilo siya" sabi ni Trinity "Halika Agatha, bili tayo ng tubig" sabi ni Gabriel at hinila ako
"Bakit mo kasi siya kiniliti?" tanong ko "Ang boring eh" sabi niya at tumawa ng mahina kaya napailing ako.
Napatigil kami sa paglalakas ng makita ang isang grupo ng pulis na pinagguguluhan ang isang bagay na nakatakip na puting kumot
"Ano yan?" sabi ni Gabriel sa tabi ko "Tingnan natin?" sabi ko kaya tumango siya at linapitan namin "Excuse me officer?" pagtawag ni Gabriel sa isang police, liningon niya kami at binigyan ng nagtatakang tingin
"Ano po ang nangyari?" sabi ni Gabriel "Bawal kayo dito-" napatigil ang sasabihin ng police ng may humawak sa balikat niya kaya napalingon kami dun
"Kayo pala Gabriel" sabi niya "Inspector Gonzaga" sabi ni Gabriel at tinanguan namin "Kamusta si Drake?" tanong niya sakin "Okay na siya" sagot ko at ngumiti
"Mabuti naman, akala ko kung ano na ang nangyari sa inyong dalawa" sabi niya na may pagaalala sa mukha "Salamat nga po pala sa pagtulong samin" sabi ko
"Walang anuman yun, agad kaming tumawag ng mga tauhan ng tawag si Nathan at sinabi na kinidnap kayo" sabi niya "Inspector Gonzaga sino ba sila at parang ang taas ng respeto niyo sa kanila?" tanong ng police na kinausap namin kanina, hindi ko alam kung nanlalait ba siya o ano
"Mga St. Pristine students sila at karaniwan sila ang humahawak ng kaso ng school" sabi ni Inspector Gonzaga at tiningnan naman kami ng babaeng police na parang hindi makapaniwala sa nalaman
"Ganun ba? They look like detective wannabes to me" sabi niya at nag-flip hair bago umalis, Anong problema nun? "Pagpasensyahan niyo na yun, mataray talaga ang babaeng yun" sabi ni Inspector Gonzaga habang umiiling
"Ano pala ang nangyari dito?" tanong ni Gabriel, bumuntong hininga si Inspector at liningon ang bagay na nakatakip "Nakita yan sa tabing dagat ng isang tourist kaya agad rineport samin" sabi niya habang umiiling
"Bakit ano ba yan?" tanong ko "Bangkay ng magasawang Rodriguez" sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Gabriel
"Pwede ba namin tingnan?" sabi ni Gabriel, tumango si Inspector at binigyan kami ng hospital gloves at mask bago tinanggal ang puting nakatakip sa bangkay.
Kita ko ang dalawang katawan at malalaman mo agad na walang buhat ito dagil sa putla ng balat at kapansin-pansin din ang basa nilang damit at buhok
"Nalunod ba sila?" sabi ni Gabriel kaya tumango si Inspector, bumaling ang atensyon ko sa lubid sa mga pulsuhan nila
"They say na suicide daw toh" sabi ni Inspector, lumuhod ako at tiningnan ang dalawang katawan, binuka ko ang bibig nilabg dalawa
"Karaniwan kung nalulunod ay bumubula ang bibig mo sa ilalim ng tubig at bumubula yun sa gilid ng mga ngipin" sabi ko kaya tiningnan nila ang bibig ng mag-asawa
"Oo nga" pagsangayon sakin ni Gabriel, hinawakan ko naman ang ulo ng bangkay ito tinagilid yun para makita ang napansin ko "At kita niyo toh?" sabi ko kaya tiningnan nila
"Mukhang nauntog ang babae sa isang bato para mawalan ito ng malay" sabi ko "Malakas ang alon ngayon" sabi ni Gabriel at timingnan abg dagat "Pero bakit sila nagpalunod?" sabi ko na may pagtataka
"Mukhang ang may balak lang magpalunod ay yung lalaki" sabi ni Gabriel at lumuhod sa harap ng asawang lalaki "Kita mo yung lubid?" sabi niya at tinuro ang lubid
"Mas maluwag ang lubid ng lalaki kesa sa babae kaya posibilidad na una niyang tinali ang babae kesa sa sarili niya "Pero luma na ang lubid" sabi ko habang nakatitig sa lubid ng mag-asawa
"At mukhang galing pa sa ilalim ng tubig" sabi ni Gabriel at sandali kaming natahimik.
Teka diba malakas ang alon?
"Inspector saang parte ng dagat mo sila nakita?" sabi ko "Sa malalim na bahagi" sagot niya kaya sabay kaming tumingin ni Gabriel sa dagat at kita ko kung gaano kalakas ang alon, nagkatinginan kami ni Gabriel at sabay na ngumisi, mukhang magkaparehas ang iniisip namin
"Hindi toh suicide Inspector" sabi ko at tumayo at ganun din ang ginawa ni Gabriel "At paano niyo naman na sabi?" mataray na sabi ng babaeng police kanina
"This is a case of homicide" sabi ni Gabriel "What? nonsense ang mga sinasabi niyo-" bago pa maituloy ng babae ang sinasabi ay pinatahimik na siya ni Inspector Gonzaga at sinabihan kami na ituloy kaya lumuhod na ako sa bangkay
"Tama ang sinabi niyo na nalunod sila" sabi ko "Tingnan mo palang ang bibig ay malalaman mo na nalunod ito" sabi ko at pinakita sa kanila ang may bula pa na bibig ng asawang babae
"Unang nalunod ang babae bago siya sundan ng lalaki para iligtas pero sabay silang nalunod sa ilalim ng tubig" sabi ni Gabriel at tinuro ang lubid sa kamay ng lalaki "Nagsama-sama ang mga lubid para tumali ito sa kamay ng babae na sinubukan na alisin ng lalaki sa ilalim ng tubig pero humigpit lang yun" sabi ni Gabriel
"At dahil sa haba ng lubid ay aksidente din na tumali sa kamay niya na sinubukan niyang alisin, dahil sa lakas ng alon ay humampas ang ulo ng babae sa bato habang ang lalaki ay nalunod" pagpapatuloy ko
"Magkaparehas lang ang lubid na ginamit na lubid kaya nagmukhang suicide ang nangyari" dagdag ko "Kaya homicide ang nangyari at hindi suicide" sabi ni Gabriel at sandali silang natahimik sa sinabi samin ng biglang pumalakpak si Inspector Gonzaga na may ngiti sa labi
"As I expected from the both of you" sabi niya samin habang umiiling na parang proud na proud siya samin "Narinig niyo ba yun? Homicide ang nangyari kaya pwede na tayo umuwi!" sigaw niya kaya natawa kami ni Gabriel habang hinuhubad ang gloves at mask
"Salamat sa tulong" sabi niya samin kaya natawa kami "Walang anuman yun Inspector" sabi ni Gabriel "Mukhang nagbabakasyon pa kayo kaya mauna na kami" sabi niya bago umalis
"Ay letsugas! bibili pa pala tayo ng tubig!" sigaw ni Gabriel bago ako hinila palayo kaya natawa ako. Baliw ka talaga Gabriel.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...