♠62♣

71 2 0
                                    

"Tumago ka na. Dali!" sigaw ni Ron kaya agad akong tumakbo at tumago sa isang office desk, rinig ko ang mga yapak ni San na kasalikuyan ay ang taya sa laro kaya kinagat ko ang labi ng biglang nahagip ng mata ko ang isang malaking container at sa loob nun ay may babae na naka-hubad na mukhang kasing edad ko lang, maraming wires ang naka-dikit sa kanya at mukhang natutulog siya.

Paano siya na bubuhay kung nasa  baby pink na tubig siya? Baby pink ang tubig na nasa container kaya linapitan ko ito at hinawakan ang salamin

'Project X' ang nakalagay sa taas ng container, bakit?

Nagulat ako ng biglang nag-mulat siya ng mata pero hindi ko magawang umabante, nagtitigan kami hanggang sa lumapit siya sakin at hinawakan ang salamin kung saan nandun ang kamay ko.

Sino ka? Biglang tumunog ang alarm kaya napaabante ako ng wala sa oras sabay ng paghawak ng kung sino sa braso ko at hinila ako palayo pero nanatili ang mata ko na nakatitig sa batang babae. Bakit? Bakit parang-

Napabalikwas ako ng bangon, sweat running down my cheeks as I catch my breath. Sino yun? "Ate?" napalingon ako sa tumawag at kumalma ng makita ko ang isang nagaalalang si Ana

"Ana ikaw pala" sabi ko "Okay ka lang po ba Ate? Kanina pa kita ginigising pero binabangungot ka ata" sabi niya "Tatawagin ko po ba si Kuya?" tanong niya kaya agad akong umiling at ginulo ang buhok niya

"Okay lang ako" sabi ko at ngumiti pero mukhang hindi siya naniwala at nagaalala parin "Ate Aggi" sabi niya  na may bahid ng pagaalala kaya napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman na dumadaloy na pala ang luha ko sa pisngi kaya agad ko ito pinahid, Bat ba ako umiiyak?

"Gusto mo po ba ng hug Ate?" sabi niya kaya tumango ako sabay ng pagyakap niya sakin "Wag ka na pong umiyak Ate" sabi niya kaya napangiti ako "Magiging okay lang ako pero wag mo toh sasabihin kahit sino ah? Lalo na kay Kuya mo" sabi ko

"Pero magaalala po si Kuya" sabi niya, exactly Ana, ayokong magalala si Nathan "Please?" sabi ko kaya tumango siya

"Halika na, breakfast na tayo" sabi ko kaya nakangiti siyang tumango at sabay kaming pumunta sa Dining area. "Good morning po" sabi ko pagkapasok namin ng Dining room

"Good morning Aggi" sabi ni Tita Em at nginitian ako "I heard Trinity got arrested" nabilaukan ako sa sariling laway ng magsalita si Tito Neil "P-Po?" utal ko at lumunok

"Dad she was framed" sabi ni Nathan kaya kahit papaano ay kumalma ako "Poor girl, her brother died at ngayon naman siya" sabi ni Tita at bumuntong hininga

"Ano po ba nangyari sa kapatid niya?" tanong ko out of curiosity "Namatay ang kapatid niya a year after ng pagkamatay ni Deity, kinidnap ang kapatid ni Trinity sa mall, nag-bonding ang dalawa nung araw na yun and suddenly habang pauwi sila ay may tumakip sa bibig ng kapatid ni Trinity at dinala sa isang van, mukhang hindi nito puntirya si Trinity nung panahon na yun at tanging ang kapatid lang niya ang kinuha sabi pa ng pulis ay kinuha daw talaga ang kapatid niya. Mag-isa lang si Trinity nun at dinala siya ng nakakita sa pangyayari sa police station, na hanap naman ang kapatid niya pero walang alam kung sino ang nag-kidnap dahil natagpuang patay na ang kapatid niya" sabi ni Tita na may lungkot sa boses

"Ano po pangalan ng kapatid niya?" tanong ko "Trivor, Trivor Hemsworth" sabi ni Tita sabay ng pag-sakit ng ulo ko.

"Kuya?"

Shit!

"Kuya?"

Ang sakit!

"Kuya?" pagtawag ko kaya lumingon siya sakin "Yes?" tanong niya "Ano po ang pangalan mo?" tanong ko kaya nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko "Trivor, Trivor Hemsworth"

"Aggi are you okay?" tanong ni Tita at bigla na lang nawala ang sakit ng ulo ko at dun ko lang na realize na hawak na ni Nathan ang braso ko

"Aggi wag ka na kaya pumasok muna?" sabi niya kaya agad akong umiling "Okay lang po ako, papasok po ako" sabi ko kaya nagaalalang tumango siya

"Sige but be careful okay?" sabi niya kaya ngumiti ako "Yes po Tita" sabi ko.

_

Napabuntong hininga ako sa sobrang frustration, Bat ang panilyar ng Kuya ni Trinity? "Kanina ka pa nagbu-buntong hininga" sabi ni Gabriel sa tabi ko kaya tumawa ako

"May problema ba?" tanong niya kaya umiling ako "Okay lang ako, namromroblema lang ako kay Trinity" sabi ko at bumuntong hininga ulit kaya mapait siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko sabay pisil dun

"We can solve this case together" sabi niya kaya ngumiti ako "What do you think your doing?" napaangat ang tingin ko at nakita si Nathan habang naka-krus ang braso

"Ikaw pala, nasan na yung mga suspect?" tanong ko pero hindi niya ako tinapunan ng tingin at nanatiling nakatingin kay Gabriel

"May problema ba Nathan?" tanong ko "Get your hands off my sister, Gabriel" sabi niya at ramdam ko ang paghigpit at panginginig ni Gabriel habang hawak ang kamay ko, Ganito pala sila katakot kay Nathan.

Hindi ko mapigilan na tumawa ng mahina "Hands. Off" may diin na sabi ni Nathan kaya dahan-dahan lumuwag ang pagkakahawak ni Gabriel sa kamay ko

"Okay ka lang? Namumutla ka na" sabi ko and poked his cheek which is true, namumutla na talaga siya "Hands off Winston" sabi ni Nathan pero ngayon ay masama na  ang tingin kay Gabriel

"Tumigil ka nga Nathan, tinatakot mo si Gabriel" sabi ko "Tsk" sabi niya at umiwas ng tingin "I'll count one to three Winston and if you don't get out of my sight tatamaan ka talaga sakin" sabi niya at kita ko ang paglunok ni Gabriel

"Run Gabriel" pangaasar pa ni Drake habang tumatawa si Hazel "Nate naman, hinawakan ko lang naman-"

"One" pagbilang ni Nathan and I could feel him tense "Two" sabi ni Nathan "Th-" "Takbo!" sigaw ni Drake na halata mong nangaasar lang pero kasing bilis ng kidlat na tumakbo palayo si Gabriel kaya humalakhak ng malakas si Drake

"Mga baliw talaga kayo, pinagtritripan niyo si Gabriel" sabi ko habang umiiling pero sinagot lang ako ng mga halakhak ni Drake at mahinang pagtawa ni Hazel at Nathan kaya hindi ko na din mapigilan na tumawa.

Ano na kaya ang nangyari dun kay Gabriel?

♠♣·♠♣·♠♣·♠♣·♠♣·♠♣

A/N: Last episode to go and were off to the Season 2 of Carnations Series! Hope you liked it!

Did you like the chapter? Then COMMENT and VOTE!

XOXO,
Juliet

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now