♠18♣

118 8 1
                                    

"Bakit mo kami pinatawag dito? wala ba kayong pasok?" takang tanong ni Mrs. Acosta "I think you know the answer to all of this?" sabi ni Inspector Gonzaga tumango si Gabriel

"We know kung sino ang pumatay kay Mikaela Acosta" sabi ni Gabriel para mapasinghap sila "S-Sino? Sinong pumatay sa anak ko?!" sigaw ni Mrs. Acosta at nagsimula ng maluha

"Mikaela Acosta was stabbed and burned to death" sabi ni Gabriel natahimik silang lahat at hinintay ang sasabihin ni Gabriel kaya nagpatuloy siya

"First sasabihin namin kung paano nagsimula ang sunog" sabi ni Gabriel kaya kumuha ako ng lubid at upuan para ipakita sa kanila "Mikaela tried committing suicide" sabi ni Gabriel

"A-Ano?" gulat na tanong ni Patricia habang napahikbi si Mrs. Acosta "Bakit naman niya yun gagawin?!" sabi ni Clyde "Bawal ko pa yan sagutin" sabi ni Gabriel sabay iling

"Dumating si Clyde , Patricia at Shaira kaya hindi na muna niya ginawa at tinago ang lubid at upuan sa walk-in-closet, hindi siya mapakali dahil nandun kayo at baka mahuli pa siya sa plinaplano niya" sabi ni Gabriel binitawan ko na yung hawak ko at kinuha naman yung Alcohol

"Pagkalabas ng tatlo ay dun na niya napagisipan na magpakamatay kaso dumating yung killer..." sabi ni Gabriel at kita ko kung paano kabahan ang killer sa harap ko

"...pumunta siya sa walk-in-closet para kausapin yung killer kaso may galit sa kanya ang killer at tinulak siya sabay saksak sa kanya ng limang beses sa tsyan, naalerto siya sa ginawa niya at hinubad ang gloves na gamit niya para saksakin si Mikaela at pumunta sa kusina at pinalakas ang sunog sa stove at binuhusan ang buong kusina ng Alcohol kung saan unti-unting lumakas at tinanggal ang pwedeng matirang gamit na hinawakan niya at umalis sa crime scene" sabi ni Gabriel at ngumisi

"Diba Shaira?" lahat tumingin kay Shaira na nakayuko at hawak ang kamay niya "B-Bakit ako?" sabi ni Shaira ngumiti sa kaniya si Gabriel "Sumali kayong dalawa ni Mikaela sa isang grupo dito sa lugar niyo kung saan nagbebenta sila ng pinagbabawal na droga" sabi niya, nanlaki ang mata nilang lahat

"T-Totoo ba yun Shaira?" hikbi ni Patricia "Oo pero hindi yun magandang dahilan para patayin ko siya!" sabi nito para mapangisi si Gabriel "May balak magsumbong si Mikaela sa pinanggagawa niyo at magpakamatay" sabi ni Gabriel nagulat na lang kami ng tumawa si Shaira

"Wala ka naman nakitang letter diba?" sabi nito "Hindi kasi nakagawa si Mikaela ng letter pero naka-ready na ang gamit niya para mag-suicide" lahat sila bumaling sakin ng magsalita ako "Magsusulat na sana siya ng dumating ka Shaira" sabi ko

"Paano? na una na akong umalis sa kanila!" sabi ni Shaira "Hindi recorded ang mga taong pumapasok at lumalabas dito kaya wala kang patunay na lumabas ka talaga" sabi ni Gabriel

"Bago mamatay si Mikaela may sinulat siya" sabi ko "Anong tawag sayo ni Mikaela?" tanong ko natahimik siya sa tanong ko "May , May ang tawag sa kanya" sabi ni Patricia pinakita ni Gabriel ang papel sa kanila at nanlaki ang mata ng makita ang pangalawang pangalan ni Shaira

"Anak ka ni Mayor Hathaway diba?" sabi ni Gabriel tahimik si Shaira habang nakayuko "Pinatay mo si Mikaela Acosta dahil alam mong idi-disown ka ni Mayor Hathaway dahil sa pagbenta mo ng illegal drugs , nagiwan si Mikaela ng drugs sa study table para patunay na nagbebenta siya kaso na sunog yun pero nanatili ang amoy at abo nito" sabi ko

"Sinigurado mo na muna na wala si Mrs. Acosta at ang kapatid ni Mikaela sa bahay tsaka pinatay siya" sabi ko "Wala kayong patunay!" sigaw niya samin

"Meron at ikaw mismo ang may hawak nun" sabi ko para magulat siya at parang nawalan ng kulay ang mukha nito, ngumisi si Gabriel sa tabi ko

"Can I have your shoe?" sabi niya , nakita ko pa kung paano manginig si Shaira habang hinuhubad ang sapatos niya at inabot kay Gabriel, binaliktad ni Gabriel ang sapatos at kita mo dito ang maliliit na patak ng pulang liquid na nag-dry na sa sapatos niya

"Madaling mag-dry ang dugo at ito mismo ang patunay na ikaw ang pumatay kay Mikaela dahil dugo ni Mikaela ang nandito" sabi ko nakita ko kung paano niya ako sinamaan ng tingin

"Kung ayaw niyo pa maniwala ay ipa-DNA test niyo pa, isa kang Criminology student kaya alam mo kung anong bagsak mo kung ginawa mo toh Shaira May Corpuz" sabi ni Gabriel, ang alam ko ay pwede mo parin ipa-DNA test kahit tuyo na dahil gagawa ng paraan ang mga testers , nagulat na lang kami ng sinapak ni Mrs. Acosta si Shaira

"Walang hiya ka!" sigaw nito napapikit na lang ako sa nakita "Nicely done" nagulat kami ng makarinig kami ng palakpak at nagulat ako ng makita si Principal "Thank you Principal Maxwell" sabi ni Gabriel

"Are you a new member?" sabi nito sakin para mapalunok ako "No Principal, tinulungan niya lang ako" sagot ni Gabriel nakita kong napatango-tango si Principal

"You have potential Ms. Ward" sabi niya para mapangiti ako ng pilit at umiwas sa malalamig niyang tingin "Pero bawal kong palampasin ang pag-cutting niyong dalawa" sabi ni Principal

"Tumulong lang sila" napalingon kami at nakita si Investigator Gonzaga na hawak si Shaira habang nakaposas at masama pang nakatingin samin ni Gabriel "Mr. Gonzaga we meet again" sabi ni Principal

"Mauna na po ako" pagpapaalam niya "Bumalik agad kayo sa school" sabi ni Principal at umalis na kaya naiwan kami ni Gabriel , nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at niyakap ako

"Thank you for everything" sabi ni Mrs. Acosta "Walang anuman po" sabi ko ngumiti siya sakin bago umalis ng biglang may maalala ako "Gabriel , tatay ni Shaira ang Mayor pero bakit Corpuz ang surname niya?" sabi ko

"Anak sa labas si Shaira kaya ganun na lang kalaki ang expectations ni Mayor sa kanya" sabi nito

That explains kung bakit niya pinatay si Mikaela...

Family problems...

"Why are you so eager on breaking the case?" sabi ko nakita ko ang pagsilay ng isang malungkot na ngiti sa kaniyang labi

"My sister died because of a fire accident ten years ago" sabi niya para matahimik ako , everybody is experiencing something that can be hidden in a mask full of emotions, that's how broken people work…

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now