♠60♣

76 4 0
                                    

Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya "Nathan kalma lang" sabi ko at mukhang kumalma na siya dahil bumalik na sa dati ang mukha niya at hindi na tense ang katawan niya 

"Umalis ka na Dana" sabi ni Drake kaya lumipat ang atensyon sa kaniya "You can't be serious-" "Umalis ka na hangga't may pagtitimpi pa kami sayo" sabi ni Gabriel kaya napaawang ang labi ni Dana at sinamaan ako ng tingin

"This is all your fault!" sigaw niya sakin bago ako inirapan at umalis "Wag kang makinig sa kaniya, baliw lang yun" sabi ni Gabriel pero nakatuon ang atensyon ko kay Nathan na lumayo sakin, his back facing me pero kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao niya

"Agatha?" rinig kong pagtawag sakin ni Gabriel pero hindi ko siya tinapunan ng tingin at lumapit kay Nathan "Nathan?" pagtawag ko sa kanya, hinawakan ko siya sa braso

"Are you okay?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin "Agatha" napalingon ako kay Gabriel ng tawagan niya ako "Give him some time" sabi niya kaya dahan-dahan akong napabitaw sa braso niya, ako itong namatayan but the man that was my crying shoulder ay isa din palang kailangan ng taong magco-comfort sa kanya, Am I that selfish?

_

"Obviously food poisoning ang nangyari" sabi ni Gabriel habang nakatingin sa bangkay "Hazel can you get the competitors na sumali sa cooking contest?" sabi ni Gabriel kaya tumango si Hazel at umalis

"Pwede ko ipa-test kay Kuya ang pagkain na ginawa ni Trinity" sabi ni Drake kaya tumango kami "Sumosobra na  talaga sila" sabi ni Gabriel na may galit sa mata

"Bukas daw natin sila makakausap-" naputol ang sasabihin ni Hazel ng biglang nagsalita si Drake "Kung tutuusin nangyari lang naman toh lahat nung dumating ka" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Drake sakin at parang may tumusok na isang libong karayom sa dibdib ko kaya napayuko ako "Drake ano ba yang sinasabi mo-"

"Bakit hindi ba totoo? Nangyayari naman toh lahat when she came into the picture at sunod-sunod ng kamalasan ang dumating" sabi ni Drake at rinig ko ng galit sa boses niya

"Drake malas na talaga ang buhay natin bago pa siya dumating" sabi ni Gabriel "No it doesn't!" sigaw niya kaya natigilan ako "It is way different than before and Trinity's life is on the line!" sigaw niya

"Stop it Drake" napalingon ako kay Nathan na nakatayo na ngayon at malamig ang tingin kay Drake na nakakuyom ang mga kamao "Hindi ba ako tama Nathan? Nangyari toh lahat sa kanya, siya ang dahilan kung bakit tayo kinakalaban ng Hive-" nagulat na lang kami ng kwelyuhan ni Nathan si Drake kaya napaabante ako para pigilan sila

"I said stop it! Ano ba ang gusto mong patunayan ha?!" sigaw din ni Nathan kaya napatigil ako "Stop it! Tumigil na kayo!" pagawat ni Gabriel sa dalawa at tinulak ang mga dibdib nila

"Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa ha?" sabi niya sa dalawa na halata mong naiirita na "For pete's sake! Trinity is in jail pero nagagawa niyo parin magaway! And seriously Drake? Bakit mo pa kailangan idamay si Agatha ha?!" sigaw ni Gabriel

"Shut up, hindi mo ko naiintindihan" sabi ni Drake "Ano bang problema mo ha?!" sigaw ni Gabriel at akmang magaaway na sila.

"Bakit hindi ba totoo? Nangyayari naman toh lahat when you came into the picture at sunod-sunod ng kamalasan ang dumating"

Alam ko naman yun eh, hindi mo na kailangan ipagmukha sakin. I know my place.

"Stop! Just Stop!" sigaw ko at mukhang natigilan sila sa sigaw ko "Agatha" bulong ni Gabriel at lumambot ang ekspresyon nila.

Ramdam ko ang pag-daloy ng luha sa pisngi ko pero hindi ko ito pinansin dahil nangunguna ang sakit sa dibdib ko.

Alam ko. Alam ko ang pinasok ko.

"Just stop" sabi ko habang humihingal "Seems like I'm still the black sheep huh?" sabi ko at peke pang tumawa.

Tumawa ka lang Agatha. Sanay ka naman diba? Pero bakit ang sakit parin?

"Agatha-" hindi ko na pinatapos si Gabriel at agad umalis sa lugar na yun. Nothing changed. Ano pa nga bang inaasahan ko? Malas ako. Period.

[Drake's Point of View]

"Bakit mo naman kasi ginawa yun Drake? Hindi mo kailangan i-damay si Agatha sa galit mo!" sigaw sakin ni Gabriel sa sobrang inis "Shut up! Alam ko ang ginawa ko!" sigaw ko pabalik "Magaaway parin kayo?" napalingon kami kay Hazel ng magsalita yun at kita mo ang inis sa mukha niya

"Agatha just cried at hindi mo basta mapapaiyak si Agatha but what did you do? Sunod-sunod na nga ang problema na dumating satin pero nagagawa niyo parin magaway? What happened to Journalists Club? Agatha did nothing but become our light, two years simula ng mamatay si Shantal at si Agatha lang ang nagpabalik ng liwanag sa grupo but what did you do? Me and Trinity feels the same, we can't risk losing Agatha, not again" sabi ni Hazel at umalis

"Napakagago talaga natin guys" sabi ni Gabriel at mahinang tumawa "Puntahan mo si Agatha" sabi ni Nathan habang nakatitig sakin "I can't risk letting her feel the pain again" sabi niya at umalis

"I will, alam ko ang pagkakamali ko" sabi ko "You better" sabi ni Gabriel sabay hampas sa likod ko.

I'm so sorry, Agatha.

"Pangako ko hindi kita iiwan"

Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi niya sakin. I'll save you Trinity, I promise.

[Third Person's Point of View]

"Nagawa ko na ang plano" sabi ni Lysander habang nakangisi kaya napangiti ang lalaki "You know what to do next right?" sabi ng lalaki kaya tumango si Lysander

"Makakaasa ka sakin" sabi ni Lysander "Don't disappoint me" sabi niya "Yes" sabi ni Lysander ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang tatlo

"Pinapatawag niyo daw kami?" tanong ni Charles "I heard na tinulungan niyo daw ang Journalists Club na iligtas si Agatha" sabi ng lalaki at tiningnan sila lahat

"I don't want to lose a great employee pero hindi mo ko masisisi na paparusahan kita because you make your own decisions" sabi ng lalaki sabay ng pagsulpot ng anim na lalaki

"We accept any punishment" sabi ni Charles at nanatiling tahimik ang kambal "Humahanga ako sa katapangan niyo" sabi ng lalaki at nginisian sila

"Is this because of that girl?" tanong niya kaya natigilan ang tatlo "Walang kinalaman dito si Agatha" sabi ni Charles pero nginitian lang sila ng lalaki

"Bugbugin sila" utos niya sa anim na lalaki na agad linapitan ang tatlo at unti-unting binugbug.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now