Live toh four hours ago, eksaktong oras kung kailan ko iniwan si Jefferson sa garden, mukhang pagalis ko ay umalis na din siya para umuwi.
Makikita mo sa video na tumatakbo si Jefferson habang hinahabol siya ng may hawak ng camera "Jefferson wag ka na tumakbo!" sabi ng boses at tumawa po ito, makikita mo na linabas ni Jefferson ng sandali ang cellphone niya bago binalik sa bulsa niya
"Lumayo ka sakin!" sigaw niya habang hinihingal, makikita mo ang pag-tigil nila sa isang eskenita dahil pader na ang kaharap nila
"Hindi ka na makakalayo sakin!" sigaw ng nasa video at gaya ng kay Lucas ay sinugod niya ito at tinulak sa pader pero hindi kutsilyo ang gamit kundi baseball bat ang ginamit para hampasin ng malakas sa ulo si Jefferson at makikita mo kung paano dumugo at ang paunti-unting pagbagsak ni Jefferson sa sahig
"Jefferson?!" rinig naming sigaw sa background, makikita mo ang paglingon ng camera at makikita mo si Jhaira sa kabilang eskenita habang gulat na gulat na nakatingin kay Jefferson at dun na nga natapos ang video, sandali kami natahimik sa nakita bago magkatinginan ng biglang mag-ring ang cellphone ko kaya sinagot ko ito
"Hello?" sabi ko "Puntahan niyo ang hospital na isesend ko sayo" sabi ni Nathan sa kabilang linya "B-Bakit?" utal ko
"Nakita ko ang video, tinawagan ako ni Jhaira at sabi na tumakbo daw ang killer pagkakita sa kanya kaya dinala niya si Jefferson sa ospital" sabi niya
"Nasan ka? nasa ospital?" tanong ko "Oo, magkita na lang tayo dito" sabi nuya bago ako binabaan ng tawag "Tinawagan daw ni Jhaira si Nathan, tumakbo daw kasi ang killer pagkakita sa kanya" sabi ko
"Baka yun ang dahilan kaya natapos ang video" sabi ni Trinity "Pumunta daw tayo sa ospital sabi ni Nathan" sabi ko kaya sabay-sabay silabg tumango at tumayo bago lumabas at i-lock ang clubroom.
_
"Nathan!" tawag ko kay Nathan sa kasalukuyan na nasa labas ng hospital room "He is currently in a coma" sabi niya ng makalapit kami "Si Jhaira nasan?" sabi ko
"Nasa loob" sagot niya "Siya na nga talaga ang susunod" sabi ni Gabriel "Diba pinadalhan din si Agatha? Paano na lang kung siya na ang susunod?" sabi ni Trinity kaya kinabahan at natakot ako
"Hindi yun mangyayari" sabi ni Nathan "Tama si Nathan, proprotektahan namin si Agatha" sabi ni Drake at nginitian ako na sinangayunan din ni Gabriel kaya agad nawala ang takot ko pero nanatili ang kaba sa dibdib ko, paano na lang kung ako na nga talaga ang susunod?
"Umuwi na muna tayo" sabi ni Nathan na sinangayunan na lang namin.
_
"Sa tingin mo ba magiging okay lang si Jefferson?" sabi ko habang nakaupo sa kama
"Malakas ng pagkatama ng baseball bat at mukhang gagawin niya ulit yun kung hindi dumating si Jhaira" sabi ni Nathan habang sa harap ng computer niya at pinagaaralan ang video ni Jefferson, nasa kwarto niya kasi ako para magpaturo ng assignment pero naabutan ko siyang pinagaaralan ang video kaya sa huli ay mag-isa akong gumagawa
"So kung tumako ang killer pagkakita kay Jhaira ay hindi niya puntirya si Jhaira" sabi ko "Parang ganun na nga" sabi niya
"Hindi ko pa toh nasasabi sayo…" sabi ko na may kaunting pagaalinlangan "Ano yun?" sabi niya "Yung kaso natin sa Laguna, dun sa medical drawer ni Rose" sabi ko at sandaling nagalinlangan kaya pinause niya na muna ang video bago ako lingunin
"Ano dun?" taka niyang tanong "Dun sa pills ni Rose hindi Medical pills yun kundi Marijuana" sabi ko kaya natahimik siya
"Alam ba toh ni Gabriel?" tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango, bumuntong hininga siya at tinuon ulit ang tingin sa computer
"Naikulong na si Rose kaya kalimutan mo na lang yun" sabi niya sakin kaya kahit labag sa loob ko ay tumahimik na lang ako
"Nathan anong alam mo tungkol sa Project Carnations?" tanong ko at rinig ko na tumigil siya sa pag-click ng mouse "Bakit mo na tanong?" sabi niya at natakot ako kung gaano kakamig ang boses niya
"Feeling ko kasi na parte siya ng nakaraan ko" sabi ko at yumuko, tumahimik siya bago ko marinig ang pagbuntong hininga niya
"Isang expirement ang Project Carnations kung saan mas pinapalawak ang utak ng tao, sa ngayon dalawang tao lang ang nag-succeed sa expirement but that was almost ten years ago, sa expirement na yun marami ang pwedeng maging side effects, pwedeng tumigil mag-function ang immune system o flow ng dugo or even the heart itself" sabi ni Nathan kaya natahimik ako, mas naintindihan ko ang sinabi niya kesa dun sa hinack kong website
"They are sacrificing human life?" sabi ko kaya tumango siya "At dalawang tao lang ang na buhay?" hindi ko makapaniwalang tanong
"Exactly and their finding people para mapadami ang mga taong yun" sabi niya kaya natahimik ako. Bumalik na ako sa sariling kwarto para magpahinga pero sa paghiga ko sa kama ay mulat na mulat parin ang mga mata ko.
There are so many questions that are yet to be revealed.
Teka bakit inatake si Jefferson ng killer? May nalaman ba siya? Hindi namin matanong-tanong si Jefferson dahil kasalukuyan siyang nasa coma, Bakit hindi inatake si Jhaira?
Sinabi samin ni Nathan kanina na tinext daw ni Jefferson si Jhaira na sabay daw sila ni Cedric umuwi pero nag-hiwalay din naman sila dahil nasa ibang direksyon ang bahay ni Cedric, sinabi din ni Nathan na tinext daw ni Jefferson si Jhaira na itrack ang tawag niya at mabuti ay in-on ni Jefferson ang location niya sa cellphone kaya nahanap siya ni Jhaira, nakita ko din si Cedric na pumasok ng ospital at mukhang nagmamadali pa siya na pumasok sa kwarto ni Jefferson, Ano ba ang nangyayari sa pagkakaibigan nila at gusto sila isa-isahin?
Sumasakit ang ulo ko sa dami ng iniisip pero biglang pumasok sa isip ko si Mikaela at Rose, magkaparehas sila may droga pero kay Mikaela ay Nicotine at kay Rose ay Marijuana, at ang tanong ay bakit naman bibigyan si Rose ng droga ng sarili niyang Tita?
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Детектив / Триллер_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...