Kumatok si Drake sa pinto "Pasok!" sigaw ng kung sino sa loob kaya binuksan namin ang pinto "Ms. Agatha" sabi niya at agad tumayo kaya nagtataka akong tumuro sa sarili ko, kilala niya ako?
"Mrs. Isle told me about you" sabi niya at ngumiti bago maupo ulit sa swivel chair niya "What can I do for you?" tanong niya "Can we see the CCTV room?" tanong ko
"Of course, I heard your one of the students in St. Pristine" sabi niya kaya tumango kami "Nasa second floor ang CCTV room, hanapin niyo na lang at kung tinanong kayo ng staff ay ibigay niyo toh" sabi niya at inabot kay Drake ang isang papel
"Thank you" sabi ko "Your welcome" sabi niya kaya lumabas na kami ng opisina niya. Pumasok kami ng elevator at pumunta sa second floor, hinanap namin ang CCTV room na nasa pinaka-dulo ng second floor
"Bawal kayo pumasok dito" sabi ng staff kaya binigay ni Drake ang papel na sabi ng Manager "Ah pinapapasok kayo ng Manager" sabi niya at binuksan ang pinto
"Sino kayo?" tanong ng lalaki kaya tumingin na din yung iba samin "Pwede ba namin tingnan yung CCTV?" sabi ni Drake at kita ko na nagalinlangan pa yung tatlong lalaki
"Pinadala kami dito ni Manager" sabi ko at binigay sa kanila yung papel kaya tumayo sila "Sige" sabi nung nasa gitna "Salamat" sabi ko at sinundan si Drake na lumapit si computer
"Tingnan mo yung record kahapon" sabi ko kaya may tinaype siya sa screen at lumabas ang lahat ng record nung araw na yun, tiningnan namin ng mabuti ang video at biglang may nahagip ang mata ko
"Teka!" pagpigil ko na tinigil niya agad "Tingnan mo yun" sabi ko at tinuro yung screen, pinindot niya yun at finull screen
"Play mo" utos ko kaya ginawa niya, ilang sandali kang walang makikita na tao ng bigla ka na lang makikita na isang bulto ng dalawang tao at bigla na lang pinause ni Drake ang video kaya nagkatinginan kami ni Drake
"Ang Jordan twins" sabay naming sabi at tinuon ulit ang atensyon sa monitor, makikita mo dito na sandaling nag-hintay ang dalawa ng bigla kang may makikita sa harap nila ang dalawang tao, isang babae at lalaki pero bago pa makita ang mukha ay bigla na lang nag-blanko ang monitor
"Anong nangyari?" tanong ni Drake "Mukhang may nag-off po ng CCTV" sabi ng lalaki "Excuse me po, titingnan ko po kung ano ang nangyari" sabi ng isa pa at lumabas ng CCTV room pero nagulat na lang ako ng makarinig ako ng tawa kaya napalingon ulit kami sa monitor, isang six pointed star ang makikita mo pero pahaba yung nasa baba.
"Ang Hive" sabi ni Drake kaya natahimik ako, Ano ang kailangan nila samin?
[Gabriel's Point of View]
"May nakita ka?" tanong ko habang sinusuri ang buong kwarto, walang sumagot sakin kaya liningon ko si Trinity at nakita ko na nasa tapat siya ng basurahan
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko "Tinitingnan ko kung may sinulat ang biktima bago ito mamatay" sabi niya kaya tinulungan ko na siyang mag-hanap. Nasa dulo na kami sa pagsuko ng biglang may inangat si Trinity na papel
"Ano yan?" tanong ko "Ewan pero may nakita akong nakasulat" sabi niya kaya binuksan na namin yung papel.
'Dear Back stabber'
Yun ang nakalagay dun pero wala ng ibang nakasulat "Ito lang?" sabi ni Trinity habang nakakunot noo, tiningnan ko ang desk at nakita ang isang ballpen at triny na sulatan ito pero walang lumabas na pinagtaka ko ng biglang may nakita ako at kinuha yun
"Akin na yan" sabi ko at hinablot kay Trinity ang papel "Anong gagawin mo?" takang tanong niya "You'll see, turn of the lights" sabi ko habang nakangisi kaya sinunod niya ako at in-off ang ilaw bago tumabi sakin kaya flinashlightan ko ang papel at dun na lumabas ang nga sulat na hindi namin nakita
"Its invisible ink" sabi ni Trinity kaya tumangi ako at tinuon na namin ang atensyon sa papel.
'Dear Back Stabber
Ang plastic mo, akala ko ay kilala na talaga kita pero yun pala hindi pa. Lahat pala peke ang ginagawa mo, I treated you as a friend pero masyado kang manhid para makita yun. Ang hanap mo lang pala ay atensyon at popularity.
Love,
Pattie'"So isa sa mga kaibigan niya ang back stabber?" sabi ko "Mukhang plastic na kaibigan ang meron siya" sabi ni Trinity habang umiiling
"Ipakita natin toh sa iba" sabi ko na tinanguan niya kaya tumayo na kami sa pagkakaupo at lumabas ng Hotel room.
[Agatha's Point of View]
"Mauna ka na Drake" sabi ko kaya tumango siya at nauna ng lumakad, naiihi na talaga ako! Tumakbo na ako papuntang Comfort room and did my business bago lumabas, grabe nakakapagod! Liliko na sana ako ng may nakabanggaan ako
"I'm so sorry" pagpapaumanhin ko agad "Agatha?" napaangat ang tingin ko at napasinghap ng makita ko kung sino "William?" sabi ko
"Bat ka nandito?" sabi niya "Nagbabakasyon ako" sabi ko "Kami din" sabi niya kaya nagtaka ako "Kami?" tanong ko
"Kasama ko si Kuya" sabi niya at dun ko lang na pansin ang lalaking nakangiti sakin, gwapo din siya katulad ni William pero siya ay may peircing at pula ang buhok
"May kuya ka pala?" sabi ko "Agatha you've met him before" sabi niya kaya napatango ako "Sorry pero hindi ko siya kilala eh" sabi ko habang nakatingin sa kuya niya
"Siya si Lysander, siya ang dahilan kung bakit ako linipat ni Dad sa St. Pristine" sabi niya kaya napatango-tango ako at dun ko lang siya nakilala
"Diba ikaw ang Student Council President ng Senior High?" sabi ko kaya tumango siya "Its nice to meet you Ms. Ward" sabi niya kaya nginitian ko siya
"I've got to go, baka hinahanap na ako ng mga kasamahan ko" sabi ko "Lets see each other back in school" sabi niya kaya tumango ako bago tumakbo palayo, is this coincidence?
Dahil kung oo sana hindi ka madamay William, masyadong importante ka sakin, Sana naman hindi maulit ang nakaraan.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...