"Inaantok pa ako Nate!" reklamo ni Trinity na sinangayunan nila lahat habang ako ay humikab at ininom ang kape sa kamay ko, maaga kaming ginising ni Nathan para daw kausapin ang mga suspect kaya lahat kami dito sa hotel lobby parang zombie na sa antok, hindi sila pinansin ni Nathan at pinagpatuloy ang pag-inom ng sarili niyang kape, napatingin ako kay Drake na nakatutok sa laptop niya hababg suot ang normal niyang black glasses, hindi ko tatanggihin na gwapo nga si Drake at kapansin-pansin ang mga tattoo niya sa katawan
"Bakit ka nagpa-tattoo?" tanong ko kaya napalingon siya sakin "Nagpa-tattoo ako para ipakita sa lahat kung anong mga pinagdaanan ko" sabi niya at pinakita ang braso niya na may pangalan ng babae 'Deity' ang nakalagay
"Pangalan yan ng mama ko" sabi niya at sumilay ang isang malungkot na ngiti sa labi niya "At sunod-sunod na ang pagtattoo ko" sabi niya kaya napatango ako "Masakit ba?" tanong ko
"Oo, gusto ko din kasi maramdaman ang sakit ng mawala si mama pero na manhid lang ako" sabi niya at umiling, lahat ba sila ganito ang mga pinagdaanan? Si Charles Wilheilm ganun din ba?
"Bakit mo na tanong?" tanong niya kaya agad akong umiling "Wala lang, na curious ako" sabi ko "Curiousity kills the cat Agatha" sabi niya habang tumatawa kaya tumawa na din ako
"Are you the journalists club?" napalingon kami sa nagsalita at nakita ang isang grupo ng magkakaibigan "Kami nga" sabi ni Drake
"Kami yung kaibigan ni Patricia, simulan na natin?" sabi ng lalaki kaya tumango kami, Patricia isa the name ng biktima "Ako si Cale" sabi niya "Ako naman si Ezekiel" sabi ng isa pang lalaki
"At ako si Flare girlfriend ni Ezekiel" sabi ng babaeng mataray pero halata mo sa mata niya na sobra siyang umiyak dahil sa sobrang maga at pula
"At ako si Danica" sabi ng isa pang babae na sobrang mugto ng mata na halata mong kagagaling lang sa pagiyak
"Alam niyo ba na gumagamit si Patricia ng sleeping pills?" tanong ni Drake kaya tumango sila "May insomnia si Patricia kaya kailangan niyang uminom nun" sagot ni Cale
"May kakaiba sa galaw niya?" tanong ni Gabriel "Wala naman, pero hindi siya sumama samin nung nag-swimming kami dahil bibili daw siya ng sleeping pills niya" sabi ni Danica
"May balak ba kayong uminom nun?" tanong ko kaya lumipat ang atensyon nila sakin "Hindi" takang sabi ni Cale "My rice wine dun sa kwarto niya kahapon at may pack pa ng ice cube" sabi ko
"But Patricia never drinks in day light" sabi ni Danica habang nakakunot noo "Maybe she's still sobber" sabi ni Flare na may kunot noo din at nagtaka kami ng biglang pag-iba ng mood nila
"Bakit?" tanong ni Drake "Nalaman namin na may nagba-back stab kay Patricia sa school" sabi ni Danica "Sino naman?" tanong ni Trinity "Hindi namin alam but it continued for months" sabi ni Flare
"Baka yun ang dahilan kung bakit niya naisipan na uminom" sabi ni Danica "Pero bago siya umalis nakita na may tiningnan siya sa cellphone niya at parang gulat na gulat siya sa nakita" sabi ni Ezekiel, nagkatinginan kami lahat sa sinabi niya.
May nakita siya sa cellphone?
"Tapos na kami, pwede na kayo umalis" sabi ni Nathan kaya umalis na sila lahat "What do you think Nate?" tanong ni Drake
"I'll call Inspector Gonzaga para makita natin yung nakita ng biktima sa cellphone niya" sabi ni Nathan at tumayo
"Mag-ayos na muna kayo lahat at magkita-kita na lang tayo sa restaurant" sabi ni Nathan at umalis kaya agad siyang hinabol ng dalawa, nagkatinginan kaming tatlo bago nagkibit balikat.
_
"Halika na" sabi ni Trinity kaya sinundan namin siya ni Hazel, naka-suot ako ng pedal at maluwag na t-shirt pero nanatili parin na nakalugay ang buhok ko
"Grabe gutom na ako" sabi ni Trinity habang hinihimas ang tsya niya kaya tinanguan ko ito na nagsasabing sangayon ako sa sinabi niya
"Andun sila oh!" sabi ni Hazel sabay turo sa isang grupo ng lalaki sa isang table sabay hila saming dalawa ni Trinity "Andiyan na pala kayo, naka-order na kami para sa inyo" sabi ni Gabriel kaya umupo na ako sa tabi ni Nathan
"Sino ang pinaghinalaan niyo kanina?" tanong ni Gabriel habang ako ay kumuha ng isang beef steak at linagay yun sa plato ko "Walang nakakapag-hinala sa kanila" sabi ni Drake habang umiiling
"For short magaling mag-kunwari ang killer" sabi ni Trinity, nagsimula na kaming kumain ng bumalik sakin ang napanaginipan ko kagabi.
Sino si Tan at Ron? Mahilig ako gumawa ng mga nickname nung bata pa ako pero ang tanging naaalala ko ay si William at wala ng iba
"Agatha" napabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang pagtawag nila "Bakit?" tanong ko "Okay ka lang? kanina ka pa namin tinatawag" sabi ni Gabriel kaya nginutian ko ito at tumango
"Nagkaroon ka daw ng masamang panaginip kagabi?" tanong ni Nathan habang kumakain at hindi ako linilingon, Yun ba ang pinaguusapan nila kanina? Tungkol kagabi?
"Ah oo" sagot ko at kumain muli "Ano yung napanaginipan mo?" tanong niya kaya nabilaukan ako kaya inabutan ako ni Trinity ng tubig "H-Ha?" sabi ko at tiningnan si Nathan
"Ano yung napaginipan mo?" tanong niya ulit "About dun sa nakaraan ko" sabi ko at umiling kaya tumahimik sila "Trinity at Gabriel tingnan niyo ulit yung hotel room, kami naman ni Hazel ay pupunta sa kwarto ng nga suspect para tingnan ang gamit nila at kayo Agatha at Drake, pumunta kayo sa CCTV room at tingnan kung may nakipag-kita sa biktima kahapon" utos ni Nathan kaya tumango kami lahat at tumayo ng matapos kaming kumain, first time kong makasama si Drake sa isang kaso
"Halika na?" sabi niya kaya nginitian ko siya at tinanguan, sabay kaming naglakad at pumunta sa manager ng resort para magpaalam kung pwede namin tingnan ang CCTV room
"Sana hindi isang baliw ang killer" sabi ko at bumuntong hininga, rinig ko pa ang pagtawa niya
"Oo nga, muntik ka ng mapahamak kung nangyayari yun" sabi niya at sabay kaming tumawa, sana naman ay walang mangyari saming masama.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...