♠31♣

105 5 2
                                    

"Pagisipan niyo ng mabuti" sabi ni Trinity sa harap namin habang nasa harap ng white board, sinangguluhitan niya ang mga salita na sinulat niya dun.

MANLOLOKO

LOCK ROOM

JANITOR's ROOM

BASEBALL BAT

MASKARA

GLOVE

"Ano ba talaga ang puntirya ng killer?" sabi niya samin, tinignan ko ang blue print ng school sa lamesa at binilugan  ang Class B, Janitor's Room gamit ang isang red marker

"Sa tingin mo saan makakakita ng maskara?" tanong ko "Tinignan namin ang drama club at tinanong kay Apple kung yun ang mask na nakita niya na suot ng killer at sabi niya ay oo daw" sabi ni Gabriel kaya binilugan ko ang Drama Clubroom

"Alam mo ang nakakapagtaka?" sabi ko kaya tinignan nila ang blue print "One km ang agwat nila sa isa't-isa hindi ko alam kung coincidence lang toh" sabi ko habang nakatingin sa binilugan ko

"But it looks like Illuminate" sabi ko nagkatinginan kami lahat "Hazel sabihin mo nga sakin kung anong oras inatake si Lucas at Jefferson pati ang pagdala ng threat kay Agatha?" sabi ni Drake tumango si Hazel at may sinulat sa papel bago linagay toh sa gitna ng lamesa.

3:59pm
4:59pm
3:59pm

"May posibilidad na aatake ulit ang killer ng 4:59pm" sabi ni Drake at binilugan ang 4:59pm "May pattern kung paano pumatay ang killer" sabi ni Gabriel at umiling

"What a smart ass" sabi ni Trinity habang umiiling "At alam ko kung saan siya aatake sa susunod" sabi ko at binilugan ang gitna ng illuminate kaya sabay-sabay kaming ngumisi.

_

Naglelesson si Sir ng biglang mag-alarm ang fire alert "Magpila kayo!" utos niya samin, pinapila kami lahat pero pagkalabas ng classroom ay naghiwalay ako sa kanila ng makita ang isang anino, tahimik ko ito sinundan at nagtaka ng makita na tumigil kami sa classroom ni Jhaira, bubuksan ko na sana ng makarinig ako ng mga boses

"Anong ginagawa mo dito?" rinig kong sabi ni Jhaira "Akin ka na lang Jhaira" sabi ng hindi ko kilalang boses "Aalagaan kita, hindi gaya ng ginawa niya" sabi niya ulit

"I'm sorry, mahal ko pa si Lucas" sabi ni Jhaira sandaling tumahimik pero na bigla ako ng makarinig akong tumawa "Mahal mo pa?" sabi nito

"Patayin mo na siya" sabi ng isa pang hindi kilalang boses kaya hindi ko na mapigilan na buksan ang pinto at nagulat ng makita na tinututukan ng baril ni Cedric si Jhaira

"A-Agatha" pagtawag sakin ni Jhaira at kita ko sa mukha niya ang takot "Look who's here" rinig kong sabi ng isang lalaki kaya napalingon ako dun at hindi mapigilan na mapatitig

"Charles Wilheilm" napalingon ako sa likod at nakita ang iba ko pang mga kasamahan, nagulat ako sa narinig, siya yung tinatawag nilang Charles Wilheilm?

Tila ba ay walang narinig si Charles at nanatiling nakatitig sakin habang nakangisi "Its nice to finally see you" sabi niya sakin bago liningon si Cedric

"Barilin mo na Ced" pagtukso niya dito "Wag!" sigaw ko, Bat ba lahat ng baliw may hawak na baril? "Ang talino mo din talaga Cedric noh?" sabi ni Drake "Sa una pa lang plano mo ng patayin si Lucas" sabi ni Drake

"Sinadya mong paunahin si Lucas papuntang classroom at sumunod na lang dala ang jacket mo" sabi ni Gabriel "Kinuha mo ang maskara sa Drama Club at ang gloves na pagmamay-ari pa ni Jefferson" sabi ni Gabriel

"Vinideo mo ang kademonyohan na ginawa mo" sabi ni Trinity "Alam mong nanghihinala na sayo si Jefferson kaya gumawa ka ng paraan para patayin siya" sabi ko

"Na una ka ng umuwi para hindi ka paghinalaan pero ng makita mong nakalayo na siya ay nag-bihis ka na at vinideohan pa ang paghabol sa kanya" sabi ni Nathan

"Pero dumating si Jhaira, ang mahal sa buhay mo, kaya tumakbo ka kaagad at hindi na napatay si Jefferson" sabi ko

"Hindi pa ba sapat na sinira mo ang pagkakaibigan niyo?" sabi ko at natakot ako sa biglaan niyang pagtawa "Hindi ako makokontento hangga't hindi napapasaakin si Jhaira!" sigaw niya at pansin ko na wala na si Charles

"Ako  ang unang nag-sabi kay Lucas na may gusto ako kay Jhaira pero ano? Malalaman ko na lang na sila na pala?!" sabi niya habang tinitignan kami ng masama

"Nasa kanya na ang lahat! ang taong mahal ko at ang ranko na dapat sakin" sabi niya "So I decided na gumalaw na and take care of the pest" sabi niya at tumawa

"Kaya wala na akong nagawa kundi tangkaan ang buhay niya but he was so naive at hindi ako sinunod kaya wala akong choice kundi pagtangkaan ang buhay ng taong mahal niya kaya pinalabas niya na linoko niya si Jhaira pero hindi nagpatinag ang gago at may balak na sabihin kay Jhaira kaya pinatay ko na siya!" sigaw niya

"At isa din yan si Jefferson, pakeelamero! Sa totoo lang wala naman akong balak patayin siya pero nanghihinala na eh" sabi niya at tumawa

"Masaya ka na ba?" sabi ko at kita ko na nawala ang ngiti niya sa labi "Pinatay mo na ang kaibigan mo, critical na ang condition ni Jefferson sa ospital at tinakot at pinagbantaan mo pa si Jhaira" sabi ko

"Sa tingin mo sasaya ka pa?" sabi ko at umiling, mukhang natahimik siya sa sinabi ko at binaba ang baril na nakatutok kay Jhaira

"Dahil diyan sa inggit mo, mawawala sayo ang lahat" sabi ko "Ano ba ang alam mo ha?!" sigaw niya sakin at nakita ko na lang ang pagtulo ng luha niya "Ang babaeng mahal ko ay napunta sa iba, trinaydor ako ni Lucas! Walang pinakaiba sa bahay! Para na lang akong anino na dumadaan at tanging 'Magaral ka sa kwarto mo' ang maririnig! Sawa na ako!" sigaw niya

"Hindi, pero naranasan ko na ang pumatay" sabi ko at mukhang natahimik sila sa sinabi ko "Naranasan ko ng mamuhay ng mag-isa" sabi ko at umiling, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko at ang bigat-bigat nun sa dibdib

"Maswerte ka dahil kahit papaano may kasama ka sa buhay, may nanay at tatay na naguutos at naggagabay sayo, may mga kaibigan na hindi ka iniiwan" sabi ko, tumahimik ang lahat sa sinabi ko ng bigla na lang bumagsak si Cedric at humikbi na tila ba ay natauhan na sa pinanggagawa niya sabay ng pagbukas ng pinto at ang pag-aresto kay Cedric.  

Case closed.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now