♠22♣

207 10 5
                                        

"Bakit naman naisipan ni Tita ibigay sakin ang ari-arian niya?" sabi ni Stephanie at halata mong gulat na gulat parin sa natuklasan

"Bakit ka pa nagulat? Panganay ka kaya dapat lang na sayo ipamana" sabi ni Drake "Oo pero nasa isip na namin lahat na imamana ni Tita ang mga ari-arian niya kay Rose dahil ito ang paborito niya" sabi niya

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong "Pantay-pantay nga ang turing niya samin pero mas angat parin si Rose samin" sabi ni Stephanie

"May na pansin ka ba kay Rose o kaya kay Joseph na kakaiba?" sabi ko hindi ko alam kung bakit ko yun natanong pero bigla na lang lumabas sa bibig ko

"Sumasakit parin ang ulo ni Tita kay Joseph at hindi parin naman nagbabago si Joseph pero si Rose…" sabi niya kaya nagkatinginan kami

"What about her?" tanomg ni Gabriel "Hindi gaya ng dati ay madali na siyang magalit o di kaya ay nagsusungit siya at nagagalit sa hindi mo malaman na dahilan at minsan din ay nakikita na lang namin siyang ngumingiti ng magisa" sabi niya and for some reason ay natakot ako, Ano siya baliw?

"May naging sakit ba si Rose dati?" sabi ni Gabriel "Wala, simula pagkabata ay healthy na yan si Rose" sabi ni Stephanie

"Is it okay for us na simulan na ang investigation?" sabi ni Nathan at tumayo "Okay lang" sabi ni Stephanie 

"Drake gisingin mo yun dalawa at magkita  tayo sa kwarto ni Joseph, Gabriel isama mo si Agatha sa kusina at tignan kung may iba pang mga clues dun at isama niyo si Stephanie" sabi ni Nathan

"Tawagin ko si Daisy para idala kayo sa kwarto ni Joseph" tinanguan siya ni Nathan bago umalis kasama si Drake "Halika na?" sabi ni Gabriel kaya nginitian ko siya.

_

Tinignan namin ang buong kusina at nag-hanap ng pwedeng maging clue "Stephanie nakita mo na bang nag-away ang Tita mo at si Rose?" tanong ko ng maalala ko ang sinabi ni Paula sakin kahapon

"Hindi pa" sabi niya kaya napatango ako, nakita ni Paula na magaaway ang dalawa pero ano ba ang pinagawayan nila? Kataka-taka dahil mukhang laging magkasundo ang dalawa

"Pero sila ni Joseph oo" sabi ni Stephanie kaya napalingon ako sa kanya "Ano ang pinag-awayan nila?" sabi ko

"Tungkol sa pera, humihingi kasi si Joseph nun pero ayaw bigyan ni Tita" sabi niya "May kakaiba ka bang na pansin kay Tita mo?" tanong ni Gabriel habang sinusuri parin ang buong kusina 

"Wala eh" sabi ni Stephanie kaya nanahimik na kami "May nakita ka ba?" tanong ko pero umiling lang si Gabriel "Pwede ba namin tignan ang kwarto ni Rose?" sabi ni Gabriel, tumango si Stephanie at dinala kami sa kwarto ni Rose

"Wala siya ngayon dito, simula ng mamatay si Tita hindi na yun halos umuuwi" sabi niya, na pansin ko nga na hindi ko nakita kahapon si Rose pagkatapos nito mag-walk out, pumasok kami ng kwarto at tinignan ang buong paligid baka sakaling may makita kami

"Sa banyo?" sabi ni Gabriel na tinanguan ko, pumasok kami ng banyo at pagbukas palang ng pinto ay napatakip na ako ng bibig at ilong

"May problema ba Agatha?" tanong ni Gabriel, inalis ko ang kamay ko at inamoy ang paligid, lumapit ako sa isang salamin, pamilyar yung amoy…

Parang…

Binuksan ko ang salamin at nakita ko na puno ito ng mga medical pills "Stephanie?" sabi ko

"Yes?" sagot niya "Bakit nagpi-pills si Rose?" sabi ko at kinuha ang isang container at binuksan yun at dun ko napagtanto na dun nanggagaling ang amoy 

"Pills?" nagtatakang sabi niya "Sa pagkakaalam ko ay yan yung binibigay ni Tita kay Rose na Vitamins" sabi ni Stephanie na mas lalong nagpakunot noo sakin

"But Stephanie…" sabi ni Gabriel at kita mo ang pagtataka sa mukha niya, tinignan siya ni Stephanie may pagtataka at halata mong wala siyang alam sa nangyayari 

"Pills toh para sa mga may bipolar disorder" sabi ko at kita ko ang pagka-gulat niya "That explains kaya pa iba-iba ang mood ni Rose" sabi ni Gabriel

"Pero bakit ganun?" sabi ko at inamoy ulit baka sakaling nagkamali ako pero hindi eh "Bakit?" tanong ni Stephanie "Gabriel…"  sabi ko na may pagaalinlangan sa boses 

"…it smells like marijuana" sabi ko na nagpagulat sa kanila.

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

[Drake's Point of View]

Ginising na naming yung dalawa at ngayon ay nasa kwarto na ni Joseph "Nagaway na ba kayo ng Tita mo?" sabi ko

"Yes" sagot ni Joseph "Tungkol saan?" tanong ni Trinity "It was about money, kailangan naming dalawa ng pera for our upcoming JS Prom" sabi ni Jeremy sa kabilang kama

"Binigyan ba kayo?" sabi ko "For some reason hindi si Joseph binigyan na pinagtaka namin dahil karaniwan ay nagbibigay si Tita ng pera" sabi ni Joseph

"May na pansin ba kayong kakaiba sa kanya?" tanong ko "Lagi na siyang busy this past few months at lagi na lang madaling araw na nakakauwi" sabi ni Joseph

"Yun lang ba ang itatanong niyo?" tanong ni Jeremy na sinagot namin ng tango kaya lumabas na kami ng kwarto nila

"It was just about JS Prom kaya imposible na patayin nila si Josephina dahil dun" sabi ni Trinity habang umiiling

"Makipagkita tayo kina Gabriel baka may nalaman sila" sabi ni Nathan kaya tumango na lang kami.

_

"May nalaman ba kayo?" sabi ni Nathan "Yes, seems like may bipolar disorder si Rose" sagot ni Gabriel tinignan ko si Agatha at kita ko na umiwas siya ng tingin, Anong nangyari?

"Alam na namin kung bakit nagaway si Josephina at Joseph" sabi ni Trinity "Bakit daw?" sabi ni Gabriel "Dahil sa pera, humihingi daw sila ng prra para sa JS Prom nila" sabi ni Trinity

"Yun lang?" sabi niya with a unsatisfied look kaya tumango kami "But for some reason ay hindi sila binigyan ng pera" sabi ko, for a high positioned Accountant to not give mony para lang sa JS Prom nakakapagtaka yun

"Guys I've been thinking" sabi ni Agatha kaya napalingon kami sa kanya "7576, numero nga lang ba talaga yun? Or was it a code?" sabi ni Agatha kaya nagkatinginan kaming lahat

"Isipin niyo, why would Josephina write the password ng safe niya? Ipapakita niya lang ba talaga yung Death Certificate o ipakilala ang taong pumatay sa kanya?" sabi ni Agatha kaya natahimik kami.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now