♠9♣

144 15 0
                                    

Butler na ang nag-hatid sakin papuntang St. Pristine dahil na una na daw si Nathan, papunta na sana ako sa classroom ng may narinig akong naguusap sa ilalim ng hagdan

"Your thinking na ako pumatay kay Hallie? ha! that's bullshit" rinig kong sabi ng isang lalaki "Yes, isa ka sa mga suspect namin" sabi ni Drake "Ha! fine then, ano yung itatanong niyo?" sabi nito

"Where were you at the exact time of 9:13?" sabi ni Drake "Nasa classroom ako kumakain, lagi naman" sabi ng lalaki na parang wala pang ganang sumagot

"We heard na linigawan mo daw si Hallie pero na busted ka" sabi ni Gabriel "Yes, pero hindi yun magandang dahilan para patayin ko si Hallie at isa pa mahal ko siya!" sabi nito

"Then bakit ka umalis ng mahulog si Hallie galing rooftop?" sabi ni Drake sandali kaming walang narinig na sagot

"Ayokong makita na ganun ang itsura niya, duguan at walang buhay" kahit nakatago ako ay halata sa boses niya ang sakit

"Agatha" gulat akong napalingon sa tumawag "A-Apple" utal ko at nginitian siya, ang unang nakita ko sa kanya ay ang mugto niyang nga mata na parang kagagaling niya lang sa pag-iyak

"May sasabihin pa ako sayo diba?" sabi niya "Oo nga pala" sabi ko ngumiti siya sakin pero kita ko sa ngiti niya ang lungkot kaya hindi na ako nagsalita, pumunta kami sa likod ng school at umupo sa isang bench, sandaling katahimikan ang bumalot samin ng bumuntong hininga siya "Si Hallie…" napatingin ako sa kanya ng magsalita siya

"…bago siya mahulog sa rooftop sabi niya na may maganda daw na mga ibon na lumilipad pero kahit isa ay wala akong nakita…" sabi niya and paused bumuntong hininga ulit siya

Ibon na lumilipad?

"…tumayo siya and stood at the edge of the rooftop binuksan ang dalawa niyang mga braso na parang may yayakapin at.. at.. nagpahulog" sabi niya at lumunok at kita ko sa mukha niya na pinipigilan niyang humikbi

"May kakaiba sa kanya nung araw na yun Agatha" sabi niya at tinitigan ako sa mata "Walang dahilan for her to commit suicide, wala siyang dahilan para gawin yun Agatha" paghikbi na niya hinawakan ko ang kamay niya and gave it a squeeze

"Its okay Apple… sa tingin mo ba masaya si Hallie pag-nakita niya na umiiyak ka?" sabi ko at pinahid ang luha niya na ayaw tumigil kakatulo "I promise you Apple I will avenge Hallie okay?" sabi ko tumango siya kaya niyakap ko "Thank you Agatha" sabi niya

Ang swerte ni Apple because when I was on her place no one was there for me…

♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣

Lutang akong naglalakad sa hallway iniisip ang mga sinabi sakin ni Apple

Ibon na lumilipad?

Nung oras na yun walang kang ibon na makikita pero ang tanong why did Hallie jump kung alam naman niyang nasa rooftop siya? Napatigil ako sa paglalakad ng may nakabanggaan ako

"I'm sorry" sabi ko tinignan niya ako na may pagtataka "Your Agatha right?" sabi niya nagtataka akong tumango "Ako si Harris, I saw you nung… m-mamatay si H-Hallie" pansin ko ang pagutal niya

Harris?

"Kambal ka ni Apple diba?" sabi ko tumango siya "Agatha can I talk to you?" sabi niya na pinagtaka ko pero tumango din. Pumunta kami sa isang Vending machine at umupo sa tabi nito

"What are we going to talk about?" sabi ko "You know Journalist Club?" sabi niya tumango ako

"Pinaghihinalaan nila na ako ang pumatay kay Hallie" sabi niya at kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa coke can niya

"Did you?" sabi ko "Of course not!" sabi niya na kinabigla ko "I-I'm sorry nagalit lang ako sa sinabi nila" sabi niya ngumiti ako at umiling "Okay lang binibiro lang kita, bakit ka ba nagalit?" tanong ko

"Si Hallie… best friend niya ang kambal ko, si Apple, I stalked her for four years at napagisipan na ligawan na siya at dun niya ako binusted. Syempre nasaktan at na lungkot ako pero wala na akong magagawa diba?" sabi niya at kita ko sa mata niya ang lungkot

"…and then a month after nalaman ko sa kapatid ko na may gusto siya kay Patrick… kaya sumuko na ako at tumigil sa pagsunod sa kanya, a year after naging sila ni Apple at kita ko kung paano nasaktan si Hallie pero pinilit niyang maging masaya para kay Apple hanggang sa unti-unti na siyang nag-move on, hindi ko alam kung bakit pero ang unfair sakin ng tadhana" sabi niya at kita ko na umiling siya

"Bakit? anong nangyari?" sabi ko "Kahapon… umamin siya sakin na may gusto siya sakin that we should start a new begining at dun naman siya namatay ang unfair lang nun Agatha kung kailan nakuha ko na siya at magiging akin" sabi niya

"Learn to move on Harris" sabi ko at rinig ko ang pagtawa niya "Move on? easy for you to say hindi mo nga alam kung anong nararamdaman ko eh" sabi niya at dun ako natigilan pero ngumiti din ulit

"Your right, hindi ko alam kung anong nararamdaman mo besides my parents were murdered and the only one that I called my family was also murdered" sabi ko at tumayo na at kita ko sa mukha niya ang gulat

"S-Sorry" sabi niya ngumiti ako "Its okay sanay na ako" sabi ko at kita ko ang pagyuko niya kaya umalis na ako at umuwi.

Napabuntong hininga ako habang pahiga sa kama

How did you die Hallie?

Lumilipad na ibon

Pagamin niya

This is not suicide.

Lumabas ako para uminom ng tubig dahil sumasakit ulit ang ulo ko kakaisip pero napatigil agad ng makarinig ako ng mga boses sa kwarto ni Nathan, lumapit ako at nakinig

"Ang alam natin Nathan na hindi toh suicide" sabi ni Trinity "Its murder" sabi ni Nathan "So you have cracked the case?" sabi ni Gabriel

"I need to clarify something first kaya umuwi na muna kayo" sabi ni Nathan nakarinig ako ng mga yapak papalapit sa pinto kaya dahan-dahan pero mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto

Alam na ni Nathan ang sagot?

Napailing ako at nakita ang notebook ko sa kama na linagay ko lang kanina

"Tignan mo yan kung sakaling may mangyari sakin"

Hallie's words echoed in my head

The notebook…

Tumakbo ako papunta dun at binuksan ang papel kung saan nagsulat si Hallie

Name: Hallie Ed
Password: MynamesHallie

Isang Facebook account, dali-dali kong kinuha ang laptop at nag-add account at nag-log in sa account ni Hallie na naging dahilan ng pagkagulat ko.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now