♠51♣

77 5 0
                                    

[Gabriel's Point of View]

Maririnig mo ang tunog ng ambulansya at kotse ng mga pulis, nakakagulat ang nakita namin at wala kaming nagawa nung posasan si Agatha ni Inspector Gonzaga kaya hindi na napigilan na umiyak ni Trinity at Hazel habang si Nathan ay nanatiling tulala

"Nathan" napalingon kami sa tumawag at nakita si Inspector Gonzaga kasama si Agatha "Ginawa mo ba talaga yun?" tanong sa kanya ni Trinity pero tinitigan lang siya ni Agatha

"Si Alice" sabi niya "Tawagan niyo si Alice" sabi niya bago siya hinila palayo ni Inspector, Sino si Alice?

[Third Person's Point of View]

"Bakit mo siya pinatay Agatha?" tanong sa kanya ni Dale na isa din na hindi inaasahan ang pangyayari "Agatha" pagtawag niya dito pero hindi siya nito kinibo

"I'll call Mr. and Mrs. Isle" sabi ni Dale at lumabas muna sa kwartong yun, marami ngayon ang tumatakbo sa isip ni Agatha, kung  may pagasa pa kaya siya na makaalis sa lugar na ito at masabi kay Nathan ang totoo

"Inspector do you really believe I killed him?" sabi niya ng makapasok ulit si Dale.

Habang sa kabilang banda ay agad dumating si Emerald at Neil sa police station ng maka-recieve sila ng tawag galing sa paaralan "How can I help you ma'am?" tanong ng babae "Si Agatha Ward" sabi niya

"Nasa second floor po" sabi niya "Mrs. Isle?" napalingon ang dalawa sa tumawag at nakita si Dale "How's Agatha?" tanong niya "Isang sentence lang ang na sabi niya so far" sabi niya at umiling

"What did she say?" tanong niya "Kung naniwala daw ako na pinatay niya yung lalaki" sabi ni Dale at parang naging malalim ang pagiisip ni Emerald

"Mrs. Isle, I think Agatha needs to talk to Nathan, as I've observed close silang dalawa" sabi ni Dale kaya napatango si Emerald "Can I talk to her?" sabi ni Emerald kaya tumango si Dale at dinala siya sa interrogation room.

Nanlaki ang mata ni Emerald ng makita si Agatha na tila ba ay malalim ang iniisip dahil sa sobrang tulala nito sa sahig at ang dugo nito sa hita at mukha ay kapansin-pansin dahil sa maputi nitong kutis

"Agatha" pagtawag niya dito kaya dahan-dahan siyang liningon ni Agatha "Tita" sabi niya at tila ba ay may hinahanap siya sa mukha ni Emerald

"Did you really do it?" tanong niya kaya natahimik si Agatha, napabuntong hininga si Emerald at lumuhod sa harapan ni Agatha sabay hawak sa mga kamay nito na nanlalamig

"I won't be angry Aggi, just tell me the truth" sabi ni Emerald kaya napatitig sa kanya si Agatha "What about Lucy and Gray? How did they die Aggi?" tanong ni Emerald na naghahanap ng kahit isang reaksyon mula sa dalaga.

Bumalik ang alaala ni Agatha nung gabing yun at dun niya nakita ang isang tattoo sa braso ng lalaking nakaitim, ang logo ng Hive, napahampas si Agatha sa sariling ulo at nagsimulang humikbi

"Agatha? What are you doing?" tanong sa kanya ni Emerald na nagsisimula ng magalala pero napatakip na lang ng tenga si Agatha ng makarinig nanaman siya ng mga boses, boses na sinasabihan siyang tumakbo

Bakit? Bakit kailangan may mamatay? she thought

_

Hindi parin makapaniwala si Emerald sa nasaksihan, hindi niya inaakala na ganun pala nasasaktan si Agatha

"I'll call Nathan to go home" sabi ni Neil ng makita niya ang pagkalutang sa asawa na sinagot lang siya ng tango kaya linabas niya ang cellphone at tinawagan ang numero ng anak.

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

Parang may patay sa sobrang tahimik sa sala at tanging ang paghinga mo lang ang maririnig "Mommy nasan si Ate Aggi?" tanong ni Ana "She's in a vacation sweetie" sagot ni Emerald sa anak

"When will she be coming home?" tanong niya "Soon" sagot ni Emerald "Now go to sleep" sabi niya at hinalikan sa noo ang anak bago inutusan ang isang katulong na dalhin ang bata sa kwarto niya

"You have to tell me what happened Nathan" sabi ni Emerald na pati si Neil ay hindi na nakapagsalita "Nagkaroon ng fire alarm at napansin na lang namin na wala siya dun kaya hinanap namin siya sa high school building at tumulong na din ang mga faculty pero…" tila ba ay may humaharang sa lalamunan niya para mapatigil siya sa pagsasalita

"Pero?" tanong ni Emerald "Nakita na lang namin siya sa isang classroom na ganun ang itsura" sabi ni Nathan kaya natahimik silang apat

"Sabi niya na tawagin namin si Alice" sabi ni Nathan "Alice? Alice Rogue?" sabi ni Emerald "You know her mom?" tanong ni Nathan "Alice Rogue was a family friend of the Ward and Isle and was a medical student sa dati naming paaralan" sabi ni Neil

"So ka-batch niyo siya?" tanong ni Nathan kaya umiling si Neil "We were her seniors habang siya ay Senior high palang nung panahon na yun" sabi ni Neil

"I'll contact Alice, Nathan sasama ka sakin bukas para bisitahin si Agatha" sabi ni Emerald bago tumayo at umalis sa sala kaya wala ng nagawa pa si Nathan kundi tumango

"Protect Agatha, she had a horrible past at dinala namin siya dito ng mommy mo para magkaroon siya ng pamilya at protektahan siya pero nangyari toh" sabi ni Neil at tinapik ang balikat ng anak bago umalis sa sala kaya naiwan si Nathan na mag-isa at malalim ang iniisip.

Habang sa kabilang banda ay nagsasaya ang isang lalaki na may pakanan ng lahat ng ito "Nicely done, Charles" sabi nito at ininom ang champaigne sa kamay niya "Mukhang nagalit si Emerald Isle sa ginawa mo" sabi ni Charles

"They have money, pwede nila ilabas si Agatha anytime" sabi ni Tyler "Lets just do according to plan" sabi ng lalaki "Ni hindi mo nga alam kung makakapagtiwalaan ang kapatid mo" sabi ni Charles

"Sinugod ka pa niya dito last week dahil muntik mo ng saktan si Agatha" sabi ni Tyron "So what? I can kill him anytime" sabi ng lalaki "Pero hindi mo alam ang kakayahan ni Nathan" sabi ni Charles

"I want the dragon to come out" sabi niya at ngumisi kaya napakuyom ng kamao si Charles sa narinig dahil alam na niya kung ano ang balak nito.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now