Naglakad kami sa madilim na lugar "Trinity matatapilok ako sa ginagawa mo" sabi ko at tiningnan si Trinity na nakayakap sa braso ko
"Nakakatakot kasi dito eh!" sabi niya at nag-echo ang boses niya sa buong lobby pero na bigla na lang kami ng biglang umusok ang buong lugar
"Anong nangyayari?" tanong ni Trinity na may bahid ng takot sa boses "This is Casey McMurphy saying na may usok na lumalabas sa abandunadong ospital, is this what they call paranormal?" sabi ni Casey sa cellphone niya na nagrerecord
"Seriously?! Nagagawa mo pa talaga yan ngayon?" sabi sa kanya ni Trinity kaya nagkibit balikat siya "Guys nahihilo ako" sabi ni Trinity at bigla na lang bumagsak kaya sinalo ko siya
"Trinity?" pagyugyug ko sa kanya, binalot ng takot at kaba ang dibdib ko, sabi na nga ba may mangyayaring ganito!
"Guys sleeping gas toh" sabi ni Drake habang nakatakip ang ilong pero sa huli ay bumagsak na din siya, lumabo ang paningin ko at nakita ko na lang ang isa-isa nilang pagbagsak sa lupa.
And black out.
_
Dahan-dahan akong napadilat ng mata "Agatha?" rinig kong sabi ni Trinity "Nasaan tayo?" tanong ko habang nakahawak sa noo ko
"Hindi ko alam" sagot niya, umayos ako ng upo at bumungad sakin ang isang screen sa harapan ko at iba pang tao na hindi ko kilala
"Nasan yung mga kasamahan ko?" sabi ni Luna "Guys walang signal" sabi ni Casey habang nakatingin sa cellphone niya
"Kumalma na muna tayo" sabi ni Drake "Magpakilala tayo isa-isa" sabi niya kaya kumalma ang lahat "Ako si Gina isa akong manager sa Star Studios" sabi ng isang babae na naka-pencil skirt at blazer
"Ako si Finn producer ako sa Star Studios" sabi ng lalaki "At ako si Micheal ang head director ng Star Studios" sabi ng lalaki
"At ako si Monica kapatid ako ni Micheal at isa akong idol sa Star Studios" sabi ng babae na agad akong nakilala, isa siya sa mga sikat na singer under Star Studios
"Ako si Drake at sila ang mga kasamahan ko, sina Agatha, Nathan, Hazel, Trinity, Gabriel, Casey, at Luna" pagpapakilala samin ni Drake
"Paano kayo na punta dito?" sabi ni Gabriel "Tinawagan kami ng isang director na nagsasabing may gagawin daw na shooting dito kasama si Monica" sabi ni Gina kaya napatango kami ng bigla na lang kami nakarinig ng tawa
"Welcome" sabi ng husky pero nakakatakot na boses "Lets play a game?" sabi niya at bigla na lang may lumabas sa monitor na tanong
"Answer this question and you can get out of this room or…" sabi ng boses at bigla na labg tumawa ng malakas sabay ng paglabas ng image sa monitor na may sumabog kaya agad kami naalerto
"Isa-isa lang ang dapat lumabas at may timer na magsisimula at kung natapos ang oras lahat kayo patay" sabi nito "Shall we start?" sabi nito at humalakhak.
Question: What number can be split in half and leave nothing?
Madali lang ang sagot dito, 8. Sumagot si Micheal at nakalabas ng kwarto.
Question: What is the most sensitive part on our body system?
Napatingin ako kay Gabriel na tinanguan ako, sumagot si Gabriel kaya nag-ding! yung speaker na nagsasabi na tama yung sagot, hinila niya palabas si Hazel na nagpupumiglas na bitawan siya.
5:20
Nag-iba ang question na lumabas kaya sunod na nakalabas ay si Finn.
Question: What is the most important thing when dancing?
"Projection" sabi ni Monica kaya nag-ding ang speaker kaya nakalabas siya.
3:15
Question: When did the German Empire attack London?
"Please, sabihin mo sakin ang sagot!" pagmamakaawa sakin ni Gina "1940" sabi ni Trinity kaya nakalabas siya "Kaya mo yan" bulong nito sakin bago lumabas ng pinto.
2:34
Question: I am alive but I don't have a heart or brain, what am I?
Madali lang yan, kahit sino ata makakasagot niyan "Fire" sagot ni Drake kaya nakalabas siya, kami na lang ni Nathan, Gina, Luna at Casey ang natitira.
May lumabas ng image ng apat na lalaki na mukhang galing pa sa 90's "Ghost Hunters!" sabi ni Luna kaya nakalabas siya ng kwarto.
2:15
Question: What is the illegal act of soldiers in modern war?
"Taking enemy body parts" sabi ni Casey kaya nakalabas siya ng kwarto kaya kami na lang ni Gina, Gabriel at Nathan ang natitira.
1:42
Question: What is the body part that causes cancer?
"Breasts, blood, brain, and white tissues" sabi ni Gabriel kaya nakalabas siya ng kwarto bago kami bigyan ni Nathan ng tango pero kita mo parin ang pagaalala niya samin.
1:36
One minute left, tiningnan ko si Nathan na nakatingin din sakin kaya nginitian ko siya.
Question: A japanese word?
Pinakita ang isang picture ng pusa at nagulat na lang ako ng hinila ako ni Nathan papunta sa pinto "Neko" sabi niya at nag-ding ang speaker
"What are you doing? Magpapaiwan ka?" sabi ko at nagpupumiglas sa hawak niya, bumuo ang takot at kaba sakin at tanging ang pagtibok ng puso ko lang ang naririnig ko
"Mauna ka na Agatha" sabi niya at tinulak ako palabas "Nathan!" sigaw ko at hahawakan na sana siya pero dumampi ang palad ko sa pinto
"Nathan!" sigaw ko at hindi na napigilan ang luha ko na pumatak "Nathan!" pagsigaw ko at sinuntok ang pinto, inawat ako ni Gabriel
"Huminahon ka muna" sabi niya "Si Nathan" paghikbi ko, hindi siya pwedeng mamatay!
[Nathan's Point of View]
10
Question: What is the movie hit of Bea Alonzo and John Lloyd Cruz?
5
"Ikaw na ang lumabas" sabi ko at kita ko ang pagkuyom ng kamao niya "You have to go" sabi niya at aangal na sana ako ng tinulak niya ako papunta sa pinto
"A Second Chance!" sigaw niya at nag-ding ang speaker sabay ng pagtulak niya sakin palabas ng kwarto at ang pagsara niya sa bakal na pinto. Nagulat ako sa biglang pagyakap niya.
"Wag mo ulit gagawin yun sakin!" hikbi niya "Okay lang ako" sabi ko at pinahid ang luha niya pero nag-echo ang pagsabog sa loob ng kwarto
"Patay na siya" sabi ni Agatha habang nakatingin sa pinto at pansin ko ang lungkot sa boses niya.
[Agatha's Point of View]
Nagulat na lang ako ng bigla akong tinulak ni Monica at sinapak si Nathan "Bakit mo hinayaan mamatay siya?!" hikbi niya
"Ikaw dapat ang mamatay!" sigaw niya kay Nathan bago pumunta sa kapatid niya at sa oras na yun, alam kong marami pa ang mamamatay samin.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mistério / Suspense_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...