"Nandito po ba si Jhaira?" sabi ko "Jhaira may naghahanap sayo!" sigaw ng estudyante narinig namin na may gumalaw na upuan at nakita na lang namin na papalapit na samin si Jhaira
"Kayo pala, anong maitutulong ko sa inyo?" sabi niya "May mga tanong lang kami" sabi ni Nathan "Sige pero wag tayo dito" sabi niya.
_
Naisipan ni Jhaira na sa tabi ng Vending Machine kami mag-usap "So ano ang mga tanong niyo?" tanong niya
"How did he cheated on you" napalingon ako kay Nathan at gulat na tinignan siya dahil sa tanong niya, nakita ko na natigilan si Jhaira sa tanong at peke pang tumawa
"He was dating some girl behind my back" sabi niya kaya napalunok ako ng makita ang sakit at lungkot sa mata niya
"May kaagaw ba siya habang liniligawan ka niya?" tanong ulit ni Nathan "Wala pero nagalit siya kay Cedric" sabi ni Jhaira that caught my attention
"Bakit?" tanong ko "Umamin si Cedric sakin habang kami pa" sabi ni Jhaira "…but that was two years ago ang tagal na nun" sabi ni Jhaira
"Anong alam mo tungkol kay Cedric?" tanong ko "As far as I know strikto ang parents ni Cedric at workaholic, minsan lang sila nasa bahay at bawal din gumala at gumamit ng cellphone si Cedric dahil dapat ay focuse lang siya sa pagaaral" sabi ni Jhaira
"Why?" sabi ko "They are pushing Cedric to become a lawyer like them" sabi ni Jhaira "…nakakatawa nga dahil hinahampas niya si Lucas sa balikat kung hindi niya natatalo si Lucas sa top" sabi ni Jhaira habang tumatawa pero parang ang lungkot pakinggan
"Hindi na namin alam kung ano ang gagawin ngayong wala na siya" sabi niya at umiling pero nanatili parin ang malungkot na ngiti sa labi niya, hinawakan ko ang mga kamay niya kaya napatingin siya sakin
"I promise gagawin ko ang lahat para mahanap ang pumatay kay Lucas" sabi ko sa kanya na nagpaluha sa kanya "Thank you very much Agatha" sabi niya at niyakap ako.
[Gabriel's Point of View]
"Okay! May nakita ka ba Hazel?" sabi ko ng makapasok kami sa Janitor's Room, singot niya ako ng iling kaya linibot ko ang buong kwarto, shelf sa gilid at tatlong locker sa kabilang gilid habang sa harap ay may dalawang map, samod, dustpan
"Gabriel" pagtawag sakin ni Hazel kaya linapitan ko siya sa gitna ng kwarto "Tignan mo yun" sabi niya at tinuro ang kisame, gaya dun sa classroom ay parang kinakalawang na toh dahil sa dumi, linibot ko ang kwarto at nakakita ng isang wooden box sa isang gilid kaya kinuha ko ito at linagay sa gitna.
Inapakan ko ang kahon at umakyat, gaya ng ginawa ni Drake ay sinuntok ko ang kisame dahil ang tigas nito, paulit-ulit ko ito sinuntok hanggang sa maalis na ito kaya inangat ko ito at pinasok ang ulo para makita ang isang mala-maze na valley, sa isang gilid ay makikita mo ang isang X na mark
"Dito nga" sabi ko bago binalik ang isang bahagi ng kisame at bumaba sa kahon sabay sipa nito papunta sa dati niyang pwesto
"Malapit lang toh sa gym, mukhang gusto talaga ipamukha ng killer na kasama siya sa nakinig ng announcement" sabi ko
"Gabriel diba sabi mo may maskarang suot ang killer?" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya
"Saang club ka makakakita ng maskara?" sabi niya kaya nagkatinginan kami "Sa drama club" sabay naming sabi at lumabas ng Janitor's Room.
[Agatha's Point of View]
"Mauna ka na, may gusto lang ako isigurado" sabi ni Nathan at bago pa ako makasagot ay umalis na siya kaya pumunta na lang ako ng garden para makapag-pahinga.
Sino kaya ang killer?
Maskara
Baseball bat
Gloves
"Agatha?" napatigil ako sa pagiisip at napalingon sa gilid ko "Jefferson?" sabi ko ng makita ko siyang nakadapa at naka-kalo, apron at gardening gloves na itim, teka itim? Bat parang pamilyar ang gloves niya?
"Mahilig ka ba mag-tanim?" tanong ko kaya tumango siya "Oo, namana ko pa toh sa lola ko" sabi niya "So parte ka ng Gardening Club?" tanong ko
"Oo, minsan nga kasama ko pa sina Cedric at Lucas sa pagtatanim" sabi niya at tumawa ng malungkot "Anong klaseng lalaki ba si Lucas?" tanong ko habang nakangiti
"Mabait siyang tao, totoo siya sa lahat ng bagay at siya ang tipong masasandalan mo kaya nga nagulat kami ng malaman namin na linoko ni Lucas si Jhaira" sabi niya na pinagtaka ko
"Bakit naman?" sabi ko "Mahal na mahal ni Lucas si Jhaira kaya hindi namin maintindihan kung bakit niya linoko" sabi niya na may pagtataka sa boses
"Sa tingin mo bakit?" tanong ko "Sa tingin ko hindi parin nagbabago ng tuluyan si Lucas" sabi ni Jefferson
"What do you mean?" sabi ko "Manloloko kasi yan dati si Lucas, araw-araw na lang nagpapaiyak ng babae" sabi niya
"Saan mo yan nabili na gloves?" tanong ko sabay turo pa sa itim na gardenib gloves na suot niya
"Regalo sakin toh ni Lucas nung sumali ako sa club" sabi nuya at malungkot na ngumiti, bigla na lang ako napatayo sa naisip.
Manloloko dati si Lucas?
"May problema ba Agatha?" tanong ni Jefferson "Oo, alis na ako!" pagpapaalam ko at tumakbo papuntang clubroom.
Mas gumugulo ang isip ko sa nalaman.
Niloko ni Lucas si Jhaira kaya posibleng patayin niya si Lucas pero imposible.
Si Jefferson ang may pagmamay-ari ng gloves na nakita ko sa video pero bakit niya kailangan patayin si Lucas?
Si Cedric ang dating may gusto kay Jhaira pero two years ago na yun pero may posibildad na may galit parin kay Lucas.
Lahat sila mukhang suspect
"Agatha? Nasan si Nathan?" sabi ni Drake pagkapasok ko sa clubroom "May inaasikaso" sabi ko at umupo sa tabi ni Trinity
"Wala kaming nakuha na impormasyon sa mga kaklase ni Lucas, mala-santo daw si Lucas eh" sabi ni Trinity habang umiiling
"Mukhang may gusto daw dati si Cedric kay Jhaira" sabi ko "Guys tignan niyo toh" sabi ni Hazel habang gulat na nakaharap sa computer kaya dali-dali kaming lumapit sa kanya at nagulat sa nakita.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...