♠61♣

89 5 0
                                    

[Agatha's Point of View]

"Malas ka lang! Malas!"

Mapait akong napangiti ng maalala ko ang mga sigaw ng kaklase ko nung elementary ako. I had a rough childhood kaya hindi na toh bago sakin.

Nakatanaw ako sa papalubog na araw, isang oras na ako dito at gusto kong magpahangin pagkatapos ng nangyari kanina, malas ako, alam ko yun, alam na alam. Napapikit ako at inalala ang mga memorya ko sa lugar na ito.

"Mommy!" tawag ko "Yes sweetheart?" tanong niya habang nakangiti "Is the sun going down yet?" tanong ko "Hindi pa sweetheart eh, pero malapit na kaya kumain ka na muna" sabi niya sabay bigay sakin ng cupcake na tinanggap ko

"Agatha!" napalingon ako sa tumawag "Daddy!" sigaw ko at tumakbo sa kanya at nagpabuhat "Kamusta ang baby ko?" tanong niya kaya napanguso ako

"Daddy I'm not a baby anymore! Big girl na kaya ako" sabi ko kaya ngumiti siya "Big girl pala ah?" sabi niya at kiniliti ako

"Waahh! Hahaha daddy tama na!" sigaw ko habang tumatawa na sinabayan ni Daddy at Mommy and at that moment ayaw kong mawala sila sa tabi ko.

Napamulat ako ng mata at nagulat ako sa biglang pagtabi niya sakin, bakit siya nandito? Kahit hindi na ako lumingon ay alam ko na kung sino

"Maganda diba?" sabi niya kaya napangiti ako at tumango "Lagi namin yan inaabangan ni Mommy at Daddy nung na bubuhay pa sila" sabi ko at mapait na ngumiti ng bumalik ang mga alaala kong kasama sila

"Dito kami lagi nagpi-picnic kung wala silang trabaho at dito kami minsan nag-bo-bonding, nagkikilitian, naglalambingan, nagbabasa. Masasaya ang mga alaalang yun but seems like god wants them earlier than I thought" sabi ko at ngumiti ng mapait kaya natahimik kami ng bigla siyang nagsalita

"You know, may nakilala akong babae nun sa playground, sun down na din nun at kakamatay lang nun ni Mommy kaya umiiyak ako nun sa swing. Tumabi siya sakin at alam mo kung ano ang sinabi niya?" sabi niya at mapait na tumawa "She said na nothing lasts forever and the only thing that you can do is keep moving forward and that gave me hope" sabi niya habang nakatanaw sa papalubog na araw

"And you like that girl?" sabi ko kaya tumango siya "Yes, and that girl is-" "Trinity" pagtatapos ko at lumingon sa kanya kaya tumango siya

"Yes, kaya ganun na lang ang galit ko sayo" sabi niya kaya natahimik ako "I'm sorry for telling you na malas ka, I was insensitive. Kung tutuusin ikaw ang pinaka-magandang nangyari samin, totoo nga ang kasabihan na there's a rainbow after the rain" sabi niya at nginitian ako

"Talaga?" sabi ko ng maramdaman ko na parang hinaplos ang puso ko "Yes, I still don't understand kung bakit kailangan mamatay ni Mom at assassinate pa, I want to find out dahil kahit hindi mo makita ay hindi parin humihilom ang sugat sa puso ko. She died in front of me, nagpapabili sana ako ng tablet nun ng bigla na lang siya bumagsak at nakikita ko na lang na lumalangoy siya sa sariling dugo, walang ginawa si Dad kundi mag-asawa ulit kaya nagalit ako at nanirahan sa bahay ni Kuya Dale hanggang ngayon mas lalo na ako galit sa asawa nito dahil ang gusto lang sa kanya ay pera" sabi niya kaya napasimangot ako. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan ni Drake

"Kaya ako sumali sa Journalists Club dahil gusto ko makatulong sa ibang tao na naranasan ang sakit ko and when I thought wala ng mangyayaring maganda, you came into the picture"  sabi niya at nginitian ako

"You don't know what kind of change you made. Never pa namin nakita si Nathan na magalala pero nakita  namin yun nung Hallie Edwards Case and at that moment alam na namin na ikaw ang magpapabago kay Nate pero nasaktan parin kami dahil nakita namin si Shantal sayo hanggang sa napalapit ka na samin, lalo na kay Gabriel at Trinity na pinapahalagahan ka ng sobra kaya napahalaga ka na din samin. You are more than what you think you are Agatha" sabi niya kaya napangiti ako

"Thank you Drake" sabi ko ng bigla siyang tumayo at inalis ang dumi sa pantalon niya

"Lets save Trinity?" sabi niya at inabutan ako ng kamay na tinitigan ko and I saw his smile that was saying.

We are here for you.

Mali bang umasa na kahit papaano ay mahanap ko sa kanila ang tinatawag na pamilya?

"We are waiting for you Agatha" sabi niya kaya nginitian ko siya at inabot ang kamay niya na agad niyang hinila kaya natawa ako.

Bumaba kami sa hill na inakyatan ko dahil dun kami minsan nagpi-picnic ng pamilya ko and at the bottom of the hill was a group of people that was waving and smiling at me

"We are your family Agatha" sabi niya kaya napangiti ako.

Family huh?

"Agatha!" rinig kong sigaw ni Gabriel na tumatakbo sakin at agad akong niyakap kasama si Hazel "Pinagalala mo kami, tumawag si Nathan na nagsasabing hindi ka pa umuuwi kaya hinanap ka namin" sabi niya

"Muntik ng mahimatay si Gabriel kakahanap sayo" sabi ni Hazel kaya natawa ako "Sorry, pinagalala ko kayo" sabi ko "Wag mo na ulit gagawin yun ah?" sabi niya kaya tumango ako at natawa ng yakapin niya ulit ako.

Kita ko na nakangiti sakin si Nathan habang nakapamulsa "I'm sorry" I mouthed na nginitian niya lang "Uuwi na tayo" sabi ni Gabriel at hinila ako

"Anghel dahan-dahan naman!" rinig kong sigaw ni Drake "Punta tayong Mcdo!" sigaw ni Hazel "Oo nga, gutom na ako!" sabi ni Gabriel "Your always hungry" sabi ni Hazel habang umiiling

"Halika, libre ko" biglang sulpot ni Nathan at natawa ako kung paano nanlaki ang mata nila "Ha?!" sabay-sabat nilang sigaw "Bakit? Ayaw niyo?" sabi ni Nathan at naglakad patungo sa driver's seat

"Sinapian ba ang kaibigan natin?" tanong niya kay Drake "Oo ata" sabi ni Drake habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Nathan

"Dalian niyo na bago mag-bago ang isip ni Nate!" sabi ni Hazel habang tumatawa kaya agad kaming pumasok sa kotse.

So this is what you call friendship huh? Kahit  nagaaway-away, gagawin parin ang lahat para magkaayos at sumaya ang isa't-isa.

Mom, Dad? nakikita niyo ba ako ngayon? May mga tao na akong pinapahalagahan. 

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now