Hindi ko alam na dahil sa inggit ay magagawa ito ng isang tao, walang tigil ang pagpapasalamat samin ni Jhaira pero ang nakaagaw pansin sakin ay si Cedric na nakaposas
"Maswerte ba talaga ako?" sabi niya sakin at tumigil sa harapan ko, hihilahin na sana siya ng pulis ng pigilan ko
"Sobra sa inaakala mo, pain is part of the junctures in life and forgiveness is a part of it" sabi ko tumingin siya sakin
"Bibisitahin mo ba ako?" nagulat ako sa tanong niya pero sa huli ay ngumiti "Sige ba" sabi ko
"Sabihin mo kay Jefferson sorry, alam kong mananatili ang galit sakin ng gagong yun" sabi niya at umiling habang tumatawa at sa sandaling yun nakita ko ang pagkakaibigan nila
"Patatawarin ka nun" sabi ko "Sa ginawa ko? hindi na ako aasa pero maghihintay ako" sabi niya at ngumiti pero kita ko ang lungkot sa mata niya bago siya hinila palayo ng pulis, love is part of friendship.
"Nakita ko yung ginawa mo" napalingon ako sa nagsalita at napangiti ng makita si William "William" pagtawag ko dito at umiling
"Ang galing mo" sabi niya at ginulo ang buhok ko "Naaalala mo pa ba ang buhay natin dun sa Lab?" sabi ko at ramdam ko na natigilan siya
"Malabo na ang memorya ko tungkol dun eh" sabi niya na may pagtataka sa boses "Bakit mo na tanong?" tanong niya kaya umiling ako
"Agatha" napalingon ako sa tumawag at nakita si Nathan pero hindi siya sakin nakatingin kundi kay William "Sige Aggi, una na ako!" pagpapaalam ni William bago ito tumakbo palayo
"Sino yun?" tanong niya "Kaibigan" sabi ko at ngumiti "Uuwi na tayo" sabi niya "Mukhang sinadya din ni Cedric na pindutin ang fire alert" sabi ni Drake "Grabe napagod ako!" sabi ni Gabriel
"Uy may malapit daw na korean restaurant dito! Punta tayo?" sabi ni Trinity and just like that napuno ng saya ang araw namin pagkatapos ng isang nakakatakot na pangyayari.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
[Third Person's Point of View]
"Agatha kanina ka pa nakatutok diyan sa TV" sabi ni Nathan "Wala kasi si Ana kaya wala akong kalaro" sabi ni Agatha havang hawak ang papel at lapis, napailing na lang si Nathan, Ano pa nga ba ang aasahan niya?
Tuwing sabado o linggo kalaro ni Agatha si Ana pero ngayon may piano lesson si Ana kaya walang nagawa si Agatha kundi tumutok sa TV.
Biglang nag-ring ang door bell may lumapit sa kanyang maid "Sir Nathan hinahanap po kayo ni Sir Drake" sabi ng kasambahay
"Papasukin mo sila" sabi ni Nathan tumango ang maid at tinungo ang gate para pagbuksan ang mga bisita "Nathan!" malakas na sigaw ni Gabriel pagkapasok ng mansyon
"Ang ingay mo!" sabi ni Drake na hindi pinansin ni Gabriel "Yan ba talaga ang pinapanood ni Agatha?" takang sabi ni Trinity habang nakatingin sa TV, napabuntong hininga si Nathan
"Kanina nanood yan ng Spongebob sa Yey! at Dragonballs at ngayon sinasagutan niya ang problem na binibigay ng Math Dali" sabi ni Nathan
"Sipag plus tsyaga equals math dali!" sabi sa TV bago mag-commercial "Andiyan pala kayo" sabi ni Agatha at tumayo
"Ano tapos na?" tanong ni Nathan kaya tumango si Agatha "Hinihintay ko lang yung movie ni Jackie Chan" sabi ni Agatha kaya napailing si Nathan
"Ang aga pa ah? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Agatha "Makikitambay" pagtawa ni Gabriel bago umupo sa sofa "I've been thinking, sunod-sunod ng kaso ang hinawakan natin this past weeks, why don't we take a break?" sabi ni Trinity kaya lahat napalingon sa kanya
"Saan naman?" tanong ni Gabriel "Diba may resort si Tita?" sabi ni Agatha kaya tumango si Nathan "Dun na lang tayo!" sabi ni Drake
"Pwede ba?" tanong ni Agatha kaya tumango si Nathan "Sa sem-break tayo aalis para four days tayo dun" sabi ni Nathan kaya nag-diwang ang lahat
"By the way wala na pala tayong stock sa ref" sabi ni Agatha "Ipapa-shopping ko Manang Melma" sabi ni Nathan kaya agad napailing si Agatha
"Ako na lang! Miss ko na mag-grocery" sabi ni Agatha "Bahala ka" sabi ni Nathan at nag-kibit balikat "Aalis ka na ngayon?" tanong ni Gabriel kaya tumango si Agatha habang kumukuha ng wallet
"Sama ako" sabi ni Drake "Sige, halika na" sabi ni Agatha kaya masayang sumama si Drake palabas "Magiging okay lang ba yung dalawa?" sabi ni Trinity habang tinitignan ang pinto na linabasan ng dalawa
"Sa kabaliwan nila? Hindi ko alam" sabi ni Nathan habang umiiling, nakita na ni Nathan kung paano topakan si Agatha kahit mature ang pagiisip nito at minsan ay dinadamay pa siya sa mga kalokohan nito.
_
[Agatha's Point of View]
"Drake bawal ka sumakay" sermon ko dito ng sumakay siya sa cart "Ang KJ mo Aggi" sabi niya sakin habang nakanguso kaya tumawa ako
"Alis diyan, hindi ka na bata Drake" sabi ko habang umiiling pero natatawa at the same time "Itulak mo na lang" sabi niya, nakakahiya talaga toh!
Pinagtitinginan na kami dito! Natatawa kong binitawan yung cart at kumuha ng bago kaya napabasungot siya "Ang KJ mo" sabi niya
"Ewan ko sayo, halika na" sabi ko kaya wala na siyang choice kundi mag-lakad "Papunta daw dito sina Nathan" sabi ni Drake kaya napakunot noo ako "Bakit naman daw?" sabi ko "Ewan" sabi niya.
_
Pinabuhat ko kay Drake yung box at palabas na kami Supermarket ng bigla kami nakarinig ng putok ng baril "Ano yun?" tanong ko "Baba!" sigaw ng grupo ng mga lalaki na may hawak ng mga baril
"Drake i-text mo si Nathan na wag pumunta" sabi ko na sinunod niya, pilit kami pinadapa ng mga lalaki at pinagsama lahat ng tao sa gitna ng mall, na puno ng sigawan ang buong mall
"Tumahimik kayo!" sigaw ng lalaki sa gitna at tinutukan kami ng baril, may nag-ring na cellphone at sinagot ito ng lalaki sa gitna
"Hello boss?" sabi niya "Gawin ko na?" sabi niya kaya naalerto ang lahat "Okay" sabi niya bago binaba ang tawag
"Gawin niyo na!" sigaw nito kaya sumigaw ang lahat lalo na nung lumapit ang iba pang mga lalaki pero hindi naiwasan ng mata ko na makita ang isang lalaki sa second floor na tinitignan kami, may cellphone sa isang kamay habang may ngisi sa kanyang labi.
Si Charles Wilheilm.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misteri / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...