♠24♣

111 8 0
                                    

Pinaliwanag namin sa pulis ang nangyari at tinanggap yun ng malaman nila na taga-St. Pristine kami, pinakulong nila si Rose at hindi nila tinanggap ang dahilan na minor ito because she still commited murder

"Thank you" sabi ni Stephanie samin "You avenged our Aunt at naikulong si Rose, kung hindi dahil sa inyo baka patay na kami ngayon" sabi ni Paula

"Walang anuman" sabi ni Trinity "Hey" nilingon ko ang tumawag at nakita si Jeremy at Joseph na magkaparehas may benda sa mga sugat nila

"Okay lang ba kayo?" tanong ko at sinuri ang mga sugat nila "Okay lang kami" sabi ni Joseph "Thank you nga pala sa pagligtas mo sakin at sorry din kung nabaril ka dahil sakin" sabi ko kay Joseph

"Kami nga dapat ang magpasalamat eh" sabi ni Jeremy na pinagtaka ko "Para saan naman?" sabi ko "For protecting my brother" sabi niya at ngumiti

"Salamat din sa pagligtas mo sakin baka kung hindi mo tinaas ang baril ni Rose at baka patay na ako ngayon, mas mabuti ng may tama ng baril sa hita" sabi ni Joseph kaya tumawa kaming tatlo.

_

"Alam niyo ba kung ano ang pwede mangyari sa inyo kung hindi nakatawag si Drake ng pulis ha?!" sermon samin ni Tita, kakauwi lang namin kanina pero hindi namin inaasahan ni Nathan na naibalita pala yung nangyari sa News

"At ikaw naman Agatha bakit mo sinugod yung baliw ha? Paano na lang kung hindi mo napigilan at namatay ka ha?!" sabi nito sakin kaya napayuko ako

"Jusko! May plano ba kayong sabihin sakin toh kung hindi ko toh nalaman sa News ha?!" sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Nathan

"Mom, Were okay" sabi ni Nathan "Jusko talaga kayo! Tumaas na lang kayo at kausapin niyo ang Daddy niyo bukas!" sabi niya kaya tumayo na kami ni Nathan at sabay na umakyat

"Okay ka lang ba?" tanong niya sakin kaya ngumiti ako "Pang-limang beses mo na yan sakin tinanong" sabi ko at tumawa

"Sangayon ako kay Mom, dapat hindi ka basta-basta sumusugod" sabi niya "Pero Nathan mapapahamak si Joseph kung hindi ko yun ginawa" sabi ko

"She was holding a gun Agatha" sabi niya kaya napabuntong hininga ako "Okay, sorry na, hindi na mauulit" sabi ko

"Mabuti, pumasok ka na at magpahinga" sabi niya at ginulo ang buhok ko kaya pumasok na ako ng kwarto.

Hindi ko tatanggihin na natakot ako sa ginawa ko kanina…

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

[Next Day]

Papasok na sana ako ng clubroom ng marinig ko ang mga boses nila "Gumagalaw nanaman si Charles Wilheilm" sabi ni Drake sa loob

"Alam ko" rinig kong sabi ni Nathan "Sa tingin mo ba may kinalaman siya sa case sa Laguna?" sabi ni Gabriel "I don't know" sabi ni Nathan

Charles Wilheilm

Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar ang pangalan na yun.

"Charles laro tayo!"

"Mamaya na Aggi"

"Will ang sungit nanaman ng pinsan mo!"

"Kailan ba yan hindi nag-sungit?"

"Ako? Masungit?"

"Oo!"

"Sige, taya ka!"

"Ang daya mo Charles!"

"Taya ka Agatha!"

Bigla na lang ako nahilo at napahawak sa doorknob ng pinto, kilala ba kita Charles Wilheilm? "Agatha?" napalingon ako sa tumawag at nakita si Trinity

"Okay ka lang?" tanong niya kaya umayos ako ng tayo at ngumiti "Oo naman, tara pasok na tayo" sabi ko at binuksan ang pinto ng clubroom at nakita ang tatlong lalaki

"Good morning" sabi ni Gabriel na singot ko ng ngiti, umupo ako sa tabi ni Nathan at nakita ang isang folder sa desk.

Project Carnations

Agad nagkunot ang noo ko at bubuksan na sana yun ng kunin ni Nathan at tinago yun sa desk niya, Bakit may ganun na folder si Nathan?

"Sino si Charles Wilheilm?" tanong ko at kita na natigilan sila "Saan mo yan narinig?" sabi ni Nathan at natakot ako kung gaano kadilim ang mukha niya

"N-Narinig ko kanina sa labas" utal ko hindi ako sinagot ni Nathan at lumabas ng clubroom

"Si Charles Wilheilm ay isa sa mga tauhan ng Hive" sabi ni Drake kaya natahimik ako, Hive?

"Nakita ko toh sa kwarto ni Hallie kasama ang isang patay na pusa"

Naalala ko yung sinabi ng nanay ni Hallie sakin sa Funeral niya "Bakit mukhang galit si Nathan sa kanya?" tanong ko

"Ang tatay niya kasi ang nag-utos na patayin ang bestfriend niya" sabi ni Gabriel kaya tumahimik na ako

"Bibili lang ako ng pagkain" pagpapaalam ko bago lumabas ng classroom, naikwento na nga sakin ni Nathan yun dati pero hindi ko inaasahan na naghirap siya ng ganun.

Napatigil ako sa pagmuni-muni ng may nakabanggaan ako "I'm so sorry" pagpapaumanhin ko agad

"Agatha?" nagtaka ako kung paano niya ako nakilala at inangat ang tingin ko at nakita ang isang hindi pamilyar na lalaki

"Do I know you?" tanong ko habang nakakunot noo, napailing siya habang tumatawa

"Aggi kulitin natin si Charles?" sabi niya then it strucked me, naawang ang bibig ko at gulat na tumingin sa kanya "Liam?" sabi niya

"Its me" sabi niya kaya hindi ko mapigilan na yakapin siya, god its been what? Ten years? "Ang gwapo mo na William!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya na tinawanan lang niya

"Mas gumanda ka lalo Agatha" sabi niya kaya natawa ako "Dito ka nagaaral?" tanong ko

"Oo, sa totoo lang kaka-transfer ko lang dito" sabi niya, si William ay isa sa mga kalaro ko dati nung bata pa ako dun sa Laboratory na pinagtra-trabuhan ni Dad at Mom dati kaya kung may trabaho sila ay siya ang nakakalaro ko

"Kamusta ka na?" tanong ko "Never been better ngayon na nagkita tayo ulit" sabi niya "Ikaw kamusta?" tanong niya "Ito okay lang, uhm mauna na pala ako baka hinahanap na ako sa clubroom" sabi ko

"Teka saan kang club sumali?" sabi niya "Sa Journalists Club" sagot ko at ramdam ko na natigilan siya sa sinabi ko kaya nagtaka ako

"May problema ba William?" sabi ko "W-Wala naman, sige mauuna na din ako" na pansin ko ang pag-utal niya pero wala na akong nagawa kundi tignan ang paglayo ng likod niya sakin.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now