♠50♣

82 4 0
                                    

"Turn your books to page 345" sabi ni Ma'am kaya binuksan namin ang libro namin, tumingin ako sa labas ng bintana ng magsimula ng mag-lesson si Ma'am, maraming tanong ang nasa isip ko ngayon at lahat yun may kinalaman kay Charles at sa Hive, bakit ba sumali si Charles sa grupong yun? Ano ang gusto niyang makuha? Hindi siya yung Charles na nakilala ko dati, feeling ko lahat ng pangyayari sa buhay ko ay puro kasinungalingan. Napabuntong hininga ako sa naisip ng biglang nag-ring ang fire alarm

"Students magpila kayo!" sigaw ni Ma'am kaya agad kaming tumayo at nagpila sa labas, ano ang nangyayari? May sunog nanaman ba?

Napatigil ako sa paglalakad at nagpaiwan ng makita kong may aninong pumasok sa isang classroom kaya sinundan ko ito, may hindi akong magandang pakiramdam sa nangyayari at mangyayari ngayon.

[Gabriel's Point of View]

Naalerto lahat nung magtipon-tipon kami sa feild "Ano ba ang nangyayari?" tanong ko "False alarm ba?" sabi ni Drake sa tabi ko

"Kinakabahan ako" sabi ni Trinity kaya napalingon ako kay Hazel na tumango din na nagsasabing sangayon siya sa sinabi ni Trinity "Students calm down!" sabi ni President Maxwell sa microphone at katabi niya ang Guidance Councilor at Principal

"Now I want you to tell me kung sino ang nagpindot ng fire alarm" sabi niya at tiningnan kami lahat na nagsimula ng magbulungan "Hindi ito ang unang beses na nangyari ang ganitong bagay at gusto ko na itigil niyo na ang kalokohan niyo" sabi niya at napabuntong hininga

"Nandito lang naman kayo lahat sa feild kaya sasabihin ko na ang announcement ko" sabi ni President Maxwell kaya nagkatinginan kaming lima

"Nathan nasaan si Agatha?" tanong ni Trinity kaya nagsimula na akong magtaka, Oo nga, nasaan ka nanaman ba Agatha?

[Agatha's Point of View]

Pumasok ako sa classroom at sinara ang pinto kung saan ko nakita ang isang bagay na naging dahilan para manginig ang buong sistema ko, kumabog ng malakas ang puso ko habang nakatingin sa bangkay na nakahandusay na lang sa sahig

"T-Tulungan mo ko" daing pa niya at nagulat na lang ako ng makarinig ako ng putok ng baril sabay ng tuluyang pagbagsak ng katawan niya.

"Agatha" napalingon ako sa tumawag at tumaas ang balahibo ko ng makita si Charles na nakangisi sakin habang pinapaikot ang baril sa daliri niya "B-Bat mo siya pinatay?" utal ko

"Kitang-kita ko ang panginginig mo mula dito Aggi" sabi niya at tumayo sa pagkakaupo sa teacher's table at humakbang ng isang beses kaya napaatras ako sa takot

"Itigil mo na toh Charles! Marami ka na - kayong napatay!" sigaw ko sa kanya "Do you think na pumapatay kami ng walang dahilan?" sabi niya kaya natigilan ako

"A-Ano?" utal ko "May gusto kaming makuha Aggi" sabi niya at tumawa "Do you want to know a part of our past?" sabi niya kaya natigilan ako

"W-What do you mean?" tanong ko at ramdam ko ang pag-tibok ng malakas ang puso ko, natatakot at kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sakin sa loob ng classroom na ito

"I can see the curiousity in your face" sabi niya at tumawa ng mahina, nagulat na lang ako ng may binato siya sakin na file

"Open it and you will know something about yourself" sabi niya kaya kahit nanginginig ang binti at tuhod ko ay nagawa ko parin buksan ang file at agad tumulo ang luha ko sabay ng pagbitaw ko sa file

"Both of us was in a critical condition dahil sa sakit, pero isang araw nagulat na lang ang lahat ng gumaling tayo at parang walang nangyari" sabi niya at lumapit sakin

"Saksakin mo yung katawan" sabi niya kaya natauhan ako at tiningnan ang kutsilyong hawak niya "Stab him or I'll kill someone else" sabi niya at ngumisi kaya agad lumakas ang tibok ng puso ko, Sino? Sino ang papatayin niya?

"Your choice will be the death of someone or their lives" sabi niya. Wag! Sigaw ng puso ko.

Wag mo yan gagawin!

Paano? Hindi ko na alam ang gagawin ko, bumalik ang lahat ng alaala ko nung gabing namatay si Tita.

Wag mo yan gagawin Agatha!

Sigaw ulit ng puso ko pero tila ba ay na manhid ang buong sistema at katawan ko, nakita ko na lang na ang mga nanginginig kong kamay ay dahan-dahang inaabot ang kutsilyo na hawak niya.

Wag!

Sigaw nito.

Wag mo yan gagawin!

Nawalan na ako ng kontrol sa puso at isip ko at tila ba ay pula lang ang nakikita ko.

[Third Person's Point of View]

"Nasaan si Agatha, Nathan?" nagsimula ng kabahan ang anim sa kakahanap kay Agatha "Hindi ko alam" sabi ni Nathan "Hanapin natin siya" sabi ni Drake "Posible bang nagpaiwan si Agatha sa building?" tanong ni Trinity

"Guys, Si Charles" sabi ni Hazel kaya nagkatinginan sila at bumuo ang takot at kaba sa dibdib nila. Mabilis silang tumakbo papunta sa building kahit may umaawat na sa kanilang faculty

"Sir nasa loob pa po si Agatha!" pagmamakaawa ni Trinity sa teacher kaya tumigil ito "Tawagin ang lahat ng faculty at sabihin na may naiwan na estudyante sa building" utos nito sa isang faculty

"Thank you Sir" sabi ni Trinity kaya tinanguan siya nito kaya  pinagpatuloy niya ang paghahanap kay Trinity "Nakita niyo na ba siya?" tanong ni Gabriel pero lahat sila umiling

"Tiningnan niyo na ba yung Grade 8 classroom?" tanong ni Drake kaya lahat sila umiling, nagtanguan sila at pumunta sa Grade 8 classroom

"Paano kung wala siya dun Nathan? Saan natin siya hahanapin?" sabi ni Gabriel "Hindi ko alam" sagot ni Nathan na nawawalan na din ng pagasa na mahanap ang kaibigan ng biglang mag-ring ang cellphone niya kaya nagtataka niyang sinagot ang unknown number

"Hello?" sabi niya "Hello Nathan" sabi ng nasa kabilang linya kaya natigilan siya "Charles" sabi niya na may galit sa boses

"I have a surprise for you at the classroom in front of you" sabi ni Charles sa kabilang linya "What did you do to her Wilheilm?!" sigaw ni Nathan sa cellphone

"You'll see" sabi nito bago binaba ang tawag kaya inis na tinago ni Nathan ang cellphone niya at binalot ng kaba at takot ang dibdib niya, agad niyang binuksan ang pinto ng classroom at natigilan sa nakita, mula dun ay makikita mo ang nakahandusay na lalaki na lumalangoy sa sariling dugo at sa tabi nito ay makikita mo ang isang babae na may hawak na kutsilyo at kalahati ng hita niya ay puno ng dugo

"Agatha.." pagtawag dito ni Nathan kaya dahan-dahan na liningon siya ni Agatha na may mga patak pa ng dugo sa mukha

"Nathan.." pagtawag niya dito at tila ba ay nabingi si Nathan sa nakita, masyado tong nakakagulat sa kanya, sa kanila at nakarinig na lang sila ng sigawan ng faculty na tumawag ng pulis at ambulansya then a sad smile crossed her lips.

"I did it again.."

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now