♠59♣

75 5 0
                                    

"Section C is making a rice omelette!" sabi ng emcee habang nagluluto si Trinity "Look at that! That is some cooking skills Ms. Hemsworth got!" sabi ng emcee kaya naghiyawan ang manonood

"Ang galing talaga ni Trinity kahit kailan" sabi ni Gabriel kaya sumangayon ako "Hey Gab" pagtawag ko dito habang hindi linilingon

"Yes?" tanong niya "Kilala mo ba si Shantal?" tanong ko at ramdam ko na natigilan siya "B-Bakit mo na tanong?" tanong niya sakin

"Curious lang ako, may nagkwento kasi sakin na naging myembro daw siya ng Journalists Club" sabi ko at nginitian siya "Uhm gaya mo transferee din siya" sabi niya at umiwas ng tingin

"Anong nangyari sa kanya? Nasaan na siya ngayon?" pagmamaang-maangan ko, kita ko ang lihim niyang paglunok "S-She's dead" sabi niya

"Bakit anong nangyari?" tanong ko kaya agad siyang umiling "Its not my story to tell Agatha" sabi niya at kita ko ang isang emosyon sa mata niya na hindi ko alam kung anong pinapahiwatig.

Sa iba tumuon ang atensyon ko ng biglang nakarinig  kami ng mga sigaw at mula sa feild kung saan nangyayari ang cooking contest ay bumubula ang bibig ng isang student judge na president ng cooking club at kita mo ang panginginig ni Trinity sa harap nito

"Shit! Si Trinity!" sabi ni Gabriel at mabilis na tumakbo, susunod  na sana ako ng maramdaman kong sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa noo ko at napahawak sa railings. Nahihilo ako.

"Ate?"

Sino ka?

"Ate laro tayo!"

Sino ka?! Bigla na lang umikot ang paligid ko kaya napadapa ako.

"Ate laro tayo!" sigaw niya sakin habang tumatakbo "Chan wag kang tumakbo!" sigaw ko at hinabol siya habang tumatawa

"Halika na Chan" pagtawag sa kanya ni Ron na katabi ni Tan "Teka lang Ron!" sigaw niya "Halika na, pabayaan mo na si Chan masaya lang siya" sabi ni Charlie

"Pero Charlie sabi ni Daddy alagaan ko siya" sabi ko at ngumuso "Then we'll take care of her together" sabi niya at hinawakan ang kamay ko ng biglang may bumatok sa kanya

"Hoy halika na sa ilog" sabi niya habang tumatawa "Kainis ka San!" sigaw ni Charlie kay San at hinabol siya

"Halika na?" sabi ni Will kaya tumango ako at sabay kaming sumunod sa kanila.

Humihingal ako ng biglang tumigil na lang bigla ang vision ko, kumakabog ang dibdib ko sa kaba.

"Agatha halika na!" sigaw ni Gabriel kaya kahit nanghihina ay sinundan ko siya pababa ng bleachers. Nakita namin na pinapakalma ni Drake si Trinity na umiiyak

"H-Hindi ko alam kung ano ang nangyari" sabi ni Trinity kaya napatingin ako sa lalaking nakasandal sa armchair niya at bumubula ang bibig nito, napatingin ako sa bleachers ng maramdaman kong may nakatingin samin or should I say sakin.

Tanaw na tanaw ko ang nakapamulsa niyang kamay at ang pagsilay ng ngisi sa labi niya 'Lets start the game, shall we?' paglabi niya sakin bago umalis sa bleachers.

I just stepped on the path that I've chosen that will sacrifice many lives.

_

"H-Hindi ko alam kung anong nangyari, bigla na lang tumirik ang mata niya at bumula ang bibig niya nung kinain niya ang omelette ko" pagpapaliwanag ni Trinity samin

"Ssh calm down Trinity, kami na ang bahala ngayon" sabi ni Drake at kita mo sa mukha niya ang galit "Sumama ka na muna sa mga pulis" sabi ni Nathan

"May tiwala ako sa inyo" sabi niya bago siya hinila ng pulis "Pagbabayarin ng kung sino man ang may gumawa nito kay Trinity" sabi ni Drake at may kung ano akong nakita sa mata niya.

Was that anger? Pity? O galit lang dahil kaibigan niya si Trinity? Pero hindi may iba sa kung paano mag-react si Drake o baka imagination ko lang? "She was framed up gaya ng kay Agatha" sabi ni Gabriel kaya sumangayon kami

"Drake!" napalingon kami sa tumawag at nakita si Inspector Gonzaga "Kayo na ang bahala dito at tawagan niyo na lang ako kung may kailangan kayo" sabi niya at tumalikod pero hindi siya tuluyan na umalis

"Oh and Drake?" sabi niya ng hindi kami linilingon "Ano?" kunot noong sabi ni Drake "This is your chance don't miss it" sabi niya bago maglakad palayo at kita ko na sinamaan siya ng tingin ni Drake.

Ano daw? This is your last chance? Saan? "That bastard, tsk" mahinang bulong ni Drake habang umiiling

"Punta na lang tayo sa crime scene" sabi ni Gabriel kaya sumangayon kami lahat "Oh the killer is here" napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun

"I'm shocked na pinayagan ka pa ng school na mag-aral dito pagkatapos ng ginawa mo" sabi ni Dana habang nakapamewang kaya bigla akong nanliit sa kinatatayuan ko

"I can't believe that a killer breathes the same air as mine, halimaw ka Agatha, Halimaw!" sabi niya kaya napayuko ako

"Halimaw!"

"Wag lang lumapit samin"

"Mamamatay tao!"

Stop. Tumigil na kayo! "Cat got your tongue? Totoo ang sinasabi ko diba?" sabi ni Dana at tumawa

"Tumigil ka na Dana" rinig kong sabi ni Gabriel pero hindi ko makita ang itsura nila dahil nakayuko ako

"Hindi dapat sila mamamatay kundi dahil sayo!"

Stop

"Wala kang kwenta!"

Please

"Demonyo!"

Napasinghap ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko na hindi ko na  napansin na tinatakpan na ang tenga ko "Its okay" sabi niya at dahan-dahan na binaba ang mga kamay ko "Seriously Gabby? Your taking her side?" sabi ni Dana "My name's Gabriel hindi Gabby" makikita mo sa mukha ni Gabriel ang irita

"Oh come on guys, your really taking her side? Ano ba ang nakikita niyo sa kanya? Dahil ba kamukha niya si Shantal? Patay na si Shantal. Patay. Na"

"Shut up!" nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Nathan at ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at ang galit niya sa mata

"Walang kinalaman dito si Shantal. Ngayon umalis ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sayo" nagtaasan ang balahibo ko nung marinig ko kung gaano kalamig ang boses niya at dun ko nalaman.

He's not completely over Shantal's death.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now