♠47♣

84 3 0
                                    

Nasa iba na kaming kwarto pero ngayon ay puno na ng gamit ang kwarto, mukha itong mini-sala at may TV pa toh sa gitna na nakadikit sa pader "Nicely done, but sad to say nabawasan kayo" sabi ng boses

"Now for the second round, find nine keys para makapunta sa susunod at gaya kanina na round ay may timer at kung natapos ito na may natitira pang tao ay boom!" sabi niya at humalakhak ng tawa

"Ayoko na dito kuya" sabi ni Monica habang humihikbi "Makakaalis din tayo dito" sabi ni Micheal sa kapatid

"And the game starts now, goodluck" sabi ng boses at humalakhak, pinaglalaruan nila kami dito, kumabog abg dibdib ko habang sinusuri ang kwarto at kinapa-kapa ang mga gamit "Yes!" sabi ni Casey at nauna ng lumabas.

5:30

Kinapa ko ang shelves at napatingin ako kay Monica na nasa tabi ko na hawak ang isang susi kaya nakalabas siya ng kwarto, sunod ay si Finn na nakakita sa ilalim ng sofa "Got it!" sabi ni Trinity sa sofa "Ikaw na muna ang lumabas Agatha" sabi niya ag ibibigay na sana sakin ang susi kaya agad akong umiling

"Pangako, susunod ako sayo" sabi ko kaya kahit nagaalinlangan ay nauna na siya, sunod-sunod na ang nawala at gaya ng dati ay kami na lang ni Nathan ang natira kasama si Micheal, lumapit sakin si Nathan at pinakita ang susi niya kaya pinakita ko din yung akin na nahanap ko sa fire place na nakatago sa abo, liningon namin si Micheal na hirap na hirap sa paghahanap at makikita mo ang panginginig niya ng bigla na lang nasunog ang teddy bear sa taas ng fireplace at lumaki yun kaya napaatras kami ni Nathan

"Agatha mauna ka na" sabi niya kaya agad akong umiling "Ayokong iwan ka dito Nathan" sabi ko "Pangako ko na makakalabas ako dito" sabi niya at ngumiti kaya nagalinlangan akong lumabas sa kwarto

"Magingat ka at wag ka magpapakamatay!" sigaw ko at binato sa kanya ang panyo ko. Sana maging okay ka lang Nathan.

[Third Person's Point of View]

Tinakpan ni Nathan ang bibig gamit ang panyo na binato sa kanya ni Agatha, linapitan niya si Micheal at kinuha ang susi na nakita niya sa orasan sa pader

"Halika na" sabi niya dito kaya nanginginig na tumayo si Micheal sa takot na baka mamatay siya kung hindi siya sumunod kay Nathan, binigay sa kanya ni Nathan ang extrang susi na nakita niya

"Mauna ka na dali!" sabi niya kaya nanginginig niyang binuksan ang pinto, hindi mapigilan ni Nathan na umubo dahil sa usok na nanggagaling sa apoy, aksidente niyang nahulog ang susi sa apoy kaya mahina siyang napamura.

Habang sa kabilang banda ay hindi mapakali na naghihintay si Agatha "Makakalabas din si Nathan, tiwala lang" sabi ni Drake pero pati siya ay nangangamba para sa kaibigan

"Ayokong mamatay siya dahil lang sakin Drake" sabi ni Agatha at sinubukan na pakalmahin ang pagtibok ng dibdib niya dahil ramdam niya na kahit ano mang oras ay pwede ito lumabas mula sa dibdib niya.

Mahinang napadaing si Nathan dahil sa hapdi ng naramdaman mula sa sunog, sinubukan niyang hawakan ang susi pero nabitawan niya lang ito sa sobrang init kaya napagisipan niyang gamitin ang panyo para makuha ang susi pero habang tumatagal ay lumalabo ang paningin niya at lumalalim ang paghinga niya

'Bawal pa ako mamatay, naghihintay sakin si Agatha' sabi niya sa isip kaya mabilis niyang kinuha ang susi at tiniis ang hapdi nito sa panyo na dumadaan parin sa kamay niya at pagkabukas ng pinto ay agad niya itong sinara at binitawan ang susi

"Mabuti okay ka lang" sabi ni Agatha at inalayan siyang tumayo "Walang nawala satin" sabi ni Gabriel habang nakatingin sa baba

"Guys" pagtawag sa kanila ni Hazel kaya tiningnan nila ang tinitingnan nito at bumungad sa kanila ang isang pahabang lamesa na may cup noodles at energy drink kaya isa-isa nila ito pinuntahan.

[Agatha's Point of View]

"Very nice, walang namatay sa inyo" sabi ng boses at tumawa "Kainin niyo ang cup noodles at kung naubos niyo ay may makikita kayong susi sa pinakadulo, and don't forget to drink your energy drink" sabi ng boses at humalakhak kaya isa-isa naming binuksan ang malaking cup noodles at linuto gamit ang despenser sa isang gilid 

"Parang may mali dito" sabi ko kaya tiningnan nila ako "Bakit?" tanong ni Gabriel pero umiling lang ako, baka nagkakamali ako "Yuck hindi ako umiinom nito" sabi ni Monica at tinabi ang energy drink niya.

Kinain namin yung cup noodles at nung maubos namin yun ay nakita namin ang isang susi "May susi nga!" sabi ni Casey at kinuha ang susi

"Halika na makakalabas na tayo!" sabi ni Luna at palabas na sana kami ng biglang bumagsak si Monica kaya linapitan siya ng kapatid

"Monica? Monica!" pagtawag niya dito, linapitan sila ni Gabriel at hinawakan ang gilid ng leeg nito at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya

"Bakit Gab?" tanong ko "Patay na siya" sabi ni Gabriel at yumuko "Ano?! Hindi pwede!" sigaw ni Micheal at bigla na lang nag-echo ang isang halakhak

"I'll count to ten at kung may matira pa ay boom!" sigaw nito at humalakhak kaya agad kaming lumabas ng kwarto "Lets go Micheal!" sigaw ni Finn sa kaibigan

"Ang kapatid ko!" sigaw nito habang nakatingin sa bangkay ni Monica "If you'll go with us mahahanap mo pa ang taong pumatay sa kapatid mo and if you want to stay here and sobber your sister's death can't be avenged" sabi ko at mukhang natauhan siya at hinila ako palabas ng kwarto sabay ng pagsabog sa loob nito

"Now its time for our last round" sabi ng boses kaya lahat kami ay nakinig, makakaalis na din kami sa wakas!

"Parang nung round two ay hahanapin yung susi sa kwarto pero hahanapin niyo lang ay isang susi para makalabas kayo lahat but watch out for thorns!" sabi niya at humalakhak kaya nagsimula na kaming maghanap pero nag-echo sa utak ko ang sinabi ng boses.

"But watch out for thorns!"

Thorns?

"Got it!" sigaw ni Luna at tinaas pa ang susi sa kamay niya "Arghh!" rinig naming sigaw sa banyo kaya agad kaming pumunta dun at nakita ang katawan ni Micheal sa sahig, ginawa ulit ni Gabriel ang ginawa niya kay Monica at tiningnan kami sa mata "Patay na siya" sabi niya kaya napasinghap kami, paano?

"May nakasulat sa monitor, may timer sa orasan at kung hindi tayo lumabas ngayon ay baka hindi na tayo makaalis pa" sabi ni Drake sa labas ng pinto kaya nagkatinginan kami pero liningon ko ulit ang painting na nakasabit sa pader bago sumunod sa kanila, sino ang pumapatay at naglalaro?

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now