"Hay kapagod!" sabi ni Trinity at humiga sa kama niya, tumawa ako habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang twalya pero nagulat na lang kami ng makarinig kami ng sigawan sa labas
"Ano yun?" sabi ni Trinity at agad napabangon sa kama, nagkatinginan kami bago sabay-sabay na lumabas ng kwarto para makita ang walang tigil na pagtakbo ng mga tao at hotel staff, hinawakan ni Trinity ang isa sa mga kamay ng tumatakbo
"Anong nangyari?" tanong niya "May nagpakamatay daw" sabi niya at tumakbo ulit kaya nagkatinginan kami "Trinity, Agatha, Hazel!" sigaw ng kung kaya napalingon kami at nakita ang tumatakbo na si Gabriel, Drake at Nathan
"May nag-suicide daw sa isang hotel room" sabi ni Gabriel habang humihingal "Nakita ko kanina si Inspector Gonzaga" sabi ni Drake
"And here I thought na magbabakasyon tayo" pagbuntong hininga ni Trinity
"Walang katapusan ang trabaho natin" sabi ni Gabriel habang umiiling "Lets go" sabi ni Nathan kaya sinundan namin siya.
_
"Insector Gonzaga!" sigaw ni Gabriel "Kayo pala" sabi nito ng makita kami, napalingon ako sa hote room na tinitingnan niya kanina at napatakip ng bibig ng makita ko ang isang babae na nakabigti at sa isang gilid ay makikita at maririnig mo ang hikbi ng dalawang babae at lalaki
"Can we see the crime scene?" tanong ni Nathan, tumango si Inspector at pinapasok kami sa hotel room, parang walang nagalaw sa lugar at tanging ang bangkay lang sa gitna ang agaw pansin.
Lumipat ang tingin ko sa desk sa isang gilid at makikita mo dito ang isang rice wine na galing pa sa 7/11 at isang pack ng ice cube na tunaw na
"Nathan" sabi ni Hazel kaya napalingon kami sa kanya at nakita namin na may hawak siyang resibo galing Drug Store
"Ano yan?" tanong ni Gabriel at linapitan namin siya "Sleeping pills" sabi ni Hazel, kinuha ko ang resibo na hawak niya at tiningnan ang time at date.
February 23, 2020
3:30pmKani-kanina lang habang nagswi-swimming kami "May drug store malapit dito?" tanong ko
"Oo, pwedeng lumabas-pasok ang mga costumers dito at may malapit na 7/11 sa kabilang kanto" sabi ni Inspector Gonzaga kaya tumahimik ako
"May mali dito" sabi ni Drake habang nakatingin sa bangkay kaya lumapit din ako sa naka-bigti at tiningnan ang buong katawan nito pero tumigil ang mata ko sa leeg nito
"She was strangled" sabi ko habang sinusuri ang nakita ko, lumapit sila sakin at sinuri din ang katawan
"Mukhang mahigpit ang pagkakahawak niya dito" sabi ni Gabriel habang nakatingin din sa bangkay "And seems like sinabunutan siya" sabi ni Trinity kaya lumipat ang tingin namin sa kanya
"Paano mo na sabi?" tanong ni Drake "I'm a girl, lagi akong nakakakita ng cat fights and I know kung sino ang nasabunutan when I see one" sabi niya kaya hindi na sumagot si Drake
"Tingnan mo din ang pagitan ng paa niya at ang sahig" sabi ni Nathan habang sinusuri ang bangkay kaya lumipat ang tingin namin sa mga paa nito "Ano diyan?" tanong ko
"You notice it do you?" sabi ni Nathan kay Hazel na tumango kaya kumunot ang noo ko, Ano ba ang nandiyan?
"Kung ikaw ang magsu-suicide diba dapat may upuan kang tatayuan?" sabi ni Nathan kaya lumipat ang tingin namin sa nakahigang upuan
"Oo, ayan nga oh" sabi ni Gabriel sabay turo pa sa upuan "And you think na posible kung tumayo ka diyan sa upuan at nagpa-bigti ay kasing haba lang ng isang steel rule ang pagitan ng sahig at paa ng biktima?" sabi niya kaya lumipat ulit ang tingin ko sa bangkay sabay ng pagtayo ni Gabriel ng upuan at dun ko lang na pansin mas mataas ang upuan kesa sa pagitan ng paa at sahig
"Baka matangkad lang o kaya ay mababa ang pagkakalagay niya ng lubid?" sabi ko pero agad siyang umiling
"Hazel tumaas ka" utos ni Nathan na agad sinunod ni Hazel kaya tumaas siya sa upuan at makikita mo na ang baba ng pagkakalagay ng lubid
"Kung ikaw ang magpapakamatay diba dapat magkapantay ang lubid at ang ulo mo?" sabi ni Nathan kaya sabay-sabay kaming tumango
"So are you saying that…?" sabi ni Trinity kaya agad tumango si Nathan "Someone murdered her" sabi niya kaya natahimik kami.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
Napabuntong hininga ako habang nakahiga sa kama "Lights off na tayo Agatha" sabi ni Hazel kaya tumango ako sabay ng pag-off niya ng ilaw at ang pag-higa niya sa sariling kama. Hindi ko inaasahan na pati dito ay may mamatay, bukas ay kakausapin namin ang mga kaibigan ng biktima at hindi ko alam kung coincidence pero isang fourth year high school yung babae at magkaparehas ang pinapasukan nilang paaralan ni Mikaela sa Condominium Case, napabuntong hininga ako bago pinikit ang mga mata ko at natulog.
"Aggy na kita mo si Charles?" tanong ni Ron sakin "Kasama niya si Will kanina" sabi ko "Tan ang daya mo!" sabi ko habang nakanguso
"Hindi yun madaya Aggi" sabi niya sakin habang ginagalaw ang bishop "Sino na ang nanalo?" sabi ni Ron at lumapit samin "Syempre ako" sabi ko
"Mamatay ka sana" sabi ni Tan kaya nginusuan ko ito sabay batok sa kanya "Ang sadisto mo kahit kailan!" sabi ko dito at umirap pero sinagot lang nila ako ng tawa
"Agatha halika na" tawag sakin ni Mr. Leo "Una na ako!" sabi ko sabay tayo at tumakbo papunta sa gawi ni Mr. Leo na nakatingin sakin.
Napabalikwas ako ng bangon at sumalubong sakin ang dalawa na nagaalalang nakatingin sakin "Okay ka lang ba?" tanong ni Trinity kaya pinakalma ko ang puso ko at tumango
"Did you had a bad dream?" sabi niya kaya tumango ako "Tell me" sabi ko at bumuntong hininga "Bakit hindi inaaresto ng pulisya ang mga tauhan ni Wilheilm?" tanong ko kaya nagkatinginan sila at nagalinlangan pa
"I don't know if we can tell you this" sabi ni Trinity kaya hinawakan ko ang kamay nila "Please" sabi ko kaya napabuntong hininga sila
"Dahil walang patunay na kasama nga sila sa grupo" sabi ni Trinity "Kaya nung mga panahon na yun hindi magawa ni Nathan na ipakulong ang sino man ang may kasalanan" sabi ni Hazel kaya natahimik ako
"Matulog ka na ulit Agatha, maaga pa tayo bukas" sabi ni Trinity at nahalata ko sa boses nya ang pagka-matamlay na nagsasabing ayaw na niya ito pagusapan, nginitian ako ni Hazel bago pumunta sa sariling kama kaya natulog na lang din ako.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misterio / Suspenso_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...