"Ingat kayo!" sigaw ni Tita kaya natatawa akong sumakay sa kotse "Sa tingin mo ba pinatay talaga yung Tita ni Daisy?" tanong ko habang nagmamaneho siya
"Hindi tayo sigurado" sagot niya kaya tumahimik na ako, tahimik ang naging byahe namin hanggang sa tumigil kami sa train station at linabas ang gamit namin kung saan namin nakita ang iba.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
Tahimik na natutulog si Daisy sa harap namin ni Nathan "Nathan alam mo ba ang pangalan ng Tita ni Daisy?" tanong ko "Sa pagkakaalam ko Josephina" sabi niya
"Ganun ba?" sabi ko at bumuntong hininga bago sumandal sa bintana at sandaling umidlip.
"I'm right here sweetie"
"Mom? Si Dad!"
"I know, daddy will be okay"
"No! Daddy!"
Napabalikwas ako ng bangon at tumulo na ang mga luha ko "Agatha?" napalingon ako kay Nathan at tsaka ko lang na pansin na hawak-hawak niya ang mga braso ko
"Are you okay?" sabi niya pinakalma ko ang sarili ko bago siya sinagot "Yes, pagod lang ako" sabi ko pero hindi parin tumigil ang mga luha ko sa pagtulo
"Shh calm down" sabi niya at niyakap ako sabay haplos sa likod at buhok ko, hindi ko alam kung posible pero kumalma ako sa sinabi niya at sumandal sa balikat niya.
[Third Person's Point of View]
Nakangisi ng nakakaloko ang mga kaibigan ni Nathan sa kabilang upuan habang pinagmamasdan ang dalawang magkayakap
"Are you thinking what I'm thinking?" sabi ni Gabriel na tinanguan ni Drake at Trinity kaya napailing si Hazel dahil alam niyang may plano ang tatlo para sa dalawa.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
[Agatha's Point of View]
"Woah" sabi nilang lahat habang nakatunganga sa mala-mansion na bahay sa harapan namin "Ito ba yung bahay na sunasabi mo?" tanong ni Trinity kay Daisy na sinagot siya ng tango
"My Aunt was an Accountant sa BSP" sagot niya, that explains kung bakit ganito kalaki ang bahay niya "Was she a widow?" sabi ko kaya sinagot niya ako ng iling
"No, wala pang naging asawa si Auntie kaya kinupkop niya ang mga pinsan ko" sabi niya kaya tumango kami
_
"Sila ba yung sinasabi mo?" sabi ng isang babae sa harapan namin "How are you sure na matutulungan nila tayo? They are just a bunch of detective wannabes" sabi ng isa pang babae "Stop it Rose" sabi ng babae, inirapan kami ng babae bago mag-walk out
"Sorry sa pinsan namin, by the way ako si Stephanie ang panganay saming magpi-pinsan" sabi niya "At yung umalis ay si Rose" sabi niya
"Siya yung sinasabi kong pinsan ko, at pagpasensyahan niyo na lang si Rose siya kasi ang close kay Aunt" sabi ni Daisy
"Ako si Paula" pagpapakilala ng isang babae na may maikling buhok "Ako naman si Joseph at ang kakambal ko na si Jeremy" sabi ng isang lalaki
"Kayo lang ba ang nakatira dito?" sabi ni Drake kaya sinagot nila ito ng tango "Oo, simula ng mamatay si Tita kami na lang ang mag-isa dito" sabi ni Stephanie
"Wala ba kayong mga magulang?" tanong ko "Wala eh, iniwan nila kami" sabi ni Stephanie "All four of you? Magpipinsan pa kayo" sabi ni Nathan kaya napalingon kami sa kanya
"May kilala ba kayo na rebelde sa pamilya?" sabi ni Nathan "Si Joseph pero masunurin parin naman ito kahit papaano" sabi ni Stephanie
"How are you sure? Malay niyo habol niya lang pala pera" sabi ni Nathan at kita ko abg unti-unting pagbago ng emosyon ni Joseph, ang kaninang kalmado ay napalitan ng irita at galit
"So pinaghihinalaan mo ko ganun?" sabi nito at susugod na sana ng pigilan siya ni Paula "Kalma lang Joseph" bulong nito pero na pansin ko ang pag-iling ni Jeremy
"Pwede mo ba kami dalhin sa lugar kung saan namatay ang Tita niyo?" sabi ni Gabriel kaya sinagot siya ni Stephanie ng tango.
They guided us inside the house papasok ng sala at tumigil sa dining room "Diyan siya sa upuan namatay at hanggang ngayon ay hindi pa namin ito ginagalaw" sabi ni Stephanie at pansin-pansin ang nakahiwalay na upuan sa dining table
"Anong oras siya namatay?" tanong ni Drake habang pinipicturan ang upuan at ang buong kusina gamit ang Canon niya
"Around nine in the evening" sagot niya "So hindi kayo kumakain nung panahon na yun?" tanong ni Hazel habang tinitignan ng maigi ang buong kusina at ganun din ang ginawa ni Trinity habang kaming tatlo ni Nathan ay nanatili lang sa kinatatayuan namin
"Hindi, sa totoo lang nagtra-trabaho nun si Tita ng bigla na lang siyang bumagsak sa upuan" sabi ni Stephanie
"Sino ang nakakita sa kanya?" tanong ni Nathan "Si Rose" sagot ni Stephanie kaya nagkatinginan kaming lahat
"May kilala ba kayong kaaway ng Tita niyo?" sabi ko "Sa posisyon niya sa trabaho ay hindi mo maiiwasan na magkaroon ng kaaway pero sa ngayon ay wala namang pumupunta ditong katrabaho ni Tita" sabi ni Stephanie
"May tanong pa ba kayo?" sabi niya na sinagot ni Nathan ng iling "Okay then, Daisy alalayan mo na lang sila sa guest room sa taas para makapag-pahinga na sila" sabi ni Stephanie
"Teka lang hindi pa natin sila kilala" pagpigil ni Paula samin "Ah ako si Gabriel" pagpapakilala ni Gabriel
"Drake"
"Trinity"
"Hazel"
"Agatha"
"Nathan"
Sunod-sunod naming pagpapakilala pero napalingon kami kay Nathan ng humikab ito at umiling pagkatapos magpakilala
"Sorry ganyan talaga siya, mukhang napagod sa byahe" sabi ko at nginitian sila "Okay lang, naiintindihan naman namin" sabi ni Stephanie kaya hinawakan ko sa braso si Nathan
"Maging mabait ka naman sa kanila Nathan" bulong ko sa kanya "Walang thrill sa kasong toh parang nagkaroon lang ng heart attack ang Tita nila" sabi ni Nathan kaya napailing ako
"Uhm Agatha?" napalingon ako sa tumawag at nagtaka ng makita si Paula "Bakit?" tanong ko "Hindi ko pa ito nasasabi kay Ate Steph pero aksidente kong nakita si Rose at Tita na nagaaway bago siya mamatay" sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Nathan at kita ko ang pagsilay ng isang ngisi sa labi niya, seems like that caught his attention
"Thanks for the info, tatanungin ka na lang namin bukas" sabi ko at sinagot niya ako ng tango bago umalis kaya sumunod na kami kay Daisy.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...