♠8♣

155 12 0
                                    

[Nathan's Point of View]

"Nasaan ka nung 7:13am?" sabi ni Drake "Nasa cafeteria ako nun kumakain, ask Apple nakita niya ako dun" sabi niya at kita ko na kumalma siya at confident na hindi namin siya paghihinalaan

"Nakasama mo ba si Hallie Edwards nung oras na yun?" sabi ni Drake "Oo tinawag ko siya at tinanong kung may assignment at makikigaya sana ako" sabi niya tumango si Drake at tumingin sa babae katabi ni Patrick

"Ako si Freya Lopez kaibigan ako ni Hallie nakasama ko siya ng tanongin niya ako kung may assignment akong nagawa, nagpasama ako sa comfort room at umalis na din naman siya agad para sumama kay Apple" sabi niya

"May nakita ka bang kakaiba sa kanya?" sabi ni Drake umiling si Freya "Hindi, tumatawa at nangaasar pa nga siya eh" sabi ni Freya "May naging kasintahan ba si Hallie?" tanong ni Gabriel umiling si Freya

"Wala, NBSB yan si Hallie" sagot ni Freya tumango si Drake at alam kong binubuo na niya ang mga theories at possibleng nangyari kay Hallie Edwards, tumingin siya sa huling babae na nagsasabing magpakilala

"Ako si Francheska kaibigan ako ni Hallie at Apple tinawag ko siya nung oras na yun para tanongin kung tuloy pa, aalis kasi dapat kami after classes pero nangyari toh" sabi niya at nagsimula ng humikbi

"May nakita ka bang kakaiba sa kanya?" tanong ni Drake umiling si Francheska habang pinapahid ang mga luha niya

"Wala, nakikipagkulitan pa siya kay Apple" sabi niya inalo na siya ni Freya at niyakap "Tanongin niyo si Harris kakambal siyang kapatid ni Apple at stalker ni Hallie"

Stalker?

"Kailan pa?" tanong ni Gabriel "Simula ng maging high school si Hallie rinig ko pa na sinubukan niyang ligawan si Hallie pero binusted siya" sabi ni Freya nagkatinginan kami, may inasikaso kaming Stalker case na muntik ng i-rape yung biktima mabuti na lang naabutan pa ni Drake at Gabriel so there's 98.9% possibility na isang Stalker case ulit toh

"Alam mo ba kung nasaan siya?" sabi ni Gabriel "Nasa classroom siya kanina pero nung nakita niya si Hallie na nahulog galing sa building bigla na lang siya nawala" sabi ni Patrick

Bigla na lang nawala?

"Bumalik na kayo, tatawagin ka namin kung sakaling kailangan namin ng tulong" sabi ni Drake tumango silang tatlo at umalis na "Do you think na suicide ito?" sabi ni Trinity

"I'm not sure Trinity" sabi ni Drake "Walang kakaiba sa kanya, walang problema sa pamilya at pera at wala din na love life there are 99.9% possibility na hindi suicide toh" sabi ni Gabriel

"Malay niyo isa toh sa mga Stalker cases" sabi ni Hazel para matahimik sila "Umuwi na muna tayo at isipin ang kasong toh and give your own theories , opinions and clues bukas" sabi ko na lang sabay buntong hininga

"I agree with Nate bukas na lang natin toh ipagpatuloy" sabi ni Trinity tumango silang lahat.

No bruises

No problems

No love life

This is not suicide.

♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠•♣♠

[Agatha's Point of View]

Gumagawa ako ng mga assignment para mawala sa isip ko ang nangyari ng biglang may kumatok "Pasok" sabi ko ng hindi linilingon ang pinto, rinig ko ang pagbukas at ang pagsara nito

"Agatha" inikot ko ang swivel chair ng study table para tignan ang tumawag "Nathan, anong nangyari?" tanong ko "Tatanungin namin bukas si Harris" sabi niya na pinagtaka ko

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now