♠36♣

96 5 2
                                    

"Bat ang tagal niyo?" tanong ni Trinity habang nakapamewang "May nadaanan kasi kami" sabi ni Gabriel bago binigay kay Hazel ang bottled mineral water

"Pumunta na tayo sa hotel room" sabi ni Nathan habang nakatingin sa cellphone nuya bago tinago ito sa pocket ng pantalon niya

"Nate after natin pumunta sa hotel room swimming tayo" pag-suggest ni Trinity, swimming? Napalunok ako sa ideyang yun dahil ayoko talagang lumangoy, Bakit? Dahil nakakapagod ito gawin at wala akong dalang pang-ligo, tumango si Nathan bilang sagot bago dinala ang bagahe naming dalawa at dahil sa may hiya naman ako kahit konti ay hinabol ko siya

"Akin na yung backpack, baka mabigatan ka" sabi ko at kinuha yung backpack sa kabilang braso niya, hindi na lang siya nagsalita at pinagpatuloy ang paglalakad habang sinusundan kami ng iba pa naming kasamahan

"Nathan my man!" rinig naming sigaw at nagulat na lang kami ng may yumakap kay Nathan pero ang pinagtaka ko ay ang pagdilim ng mukha  ni Nathan

"What are you doing here Tyron?" sabi nito dito at marahan na tinulak ang lalaki "Seriously Nate? Its been five years at hanggang ngayon ay hindi mo parin nakakalimutan?" sabi ng lalaki habang hinihimas ang ulo niya

"How can I forget the person na naging dahilan ng pagkamatay ng kaibigan ko?" natahimik yung lalaki sa sinabi ni Nathan "Calm down Nathan, nandito lang kami para magbakasyon" sabi ng isa pang lalaki na mukhang masungit

"Sino sila?" bulong ko kay Trinity sa tabi ko na masama din ang tingin sa kanila-- actually lahat sila masama ang tingin sa dalawang lalaki

"Sila ang Jordan twins, si Tyron at Tyler, kaibigan sila ni Nathan dati" sabi ni Trinity na may inis sa boses pero nagtaka ako sa sinabi niyang 'dati'

"Wag kang makikipagusap at magtitiwala sa dalawang yan, mga tauhan sila ni Wilheilm" sabi ni Drake kaya napatango ako, hindi identical twins ang dalawa dahil hindi sila magkakamukha pero magkasing-tangkad lang sila

"Nathan halika na" pangyaya ko kaya lumipat ang atensyon nila sakin "A-Agatha?" gulat na tanong nung Tyron kaya nagtaka ako

"Uhm do I know you?" tanong ko "Sorry, my brother mistook you for his ex-girlfriend" sabi ni Tyler at hihilahin na  sana palayo ang kapatid niya

"A-Ano? But Tyler siya si…siya si Ag-" hinawakan ni Tyler ang balikat ng kakambal at tiningnan ito sa mata "Lets go Tyron" sabi niya kaya hindi umimik si Tyron at nagpahila na lang sa kakambal

"Kilala mo ba sila Agatha?" tanong ni Gabriel ng makaalis sila kaya umiling ako "Halika na, ayoko silang pagusapan" sabi ni Nathan at naglakad na palayo kaya sinundan na lang namin siya at tumahimik.

Magkakasama kaming babae sa isang Hotel room habang ang mga boys ay ganun din kaya ngayon napagisipan ng mga babae na mag-swimming sa dagat at ngayon ay pilit nila akong pinapasuot ng pesteng bikini na yan!

"Dalian mo na Agatha!" pagpupumilit ni Trinity pero tinakpan ko lang ang katawan ko "Ayoko sabi eh!" sabi ko at lumayo sa kanila

"Tingnan mo si Hazel oh" sabi niya kaya tiningnan ko si Hazel na naka-orange na bikini na may nga raffles sa bra at panty "Ang pinagkaiba lang ay kaya niya i-suot yan pero ako hindi!" angal ko pa

"Fine! Ganito na lang, susuotin mo toh…" sabi niya at aangal pa sana ako ng pinatahimik niya ako "…at ililibre kita ng apat na box ng J.C.O?" sabi niya kaya agad yun nakuha ang atensyon ko

"Talaga?" paninigurado ko "Oo, pati cake kung gusto mo" sabi niya at ngumiti "Pero ibibigay ko lang yun kung  suotin mo toh" sabi niya at pinakita ang plain baby pink na bikini

"Deal!" sabi ko at kinuha ang bikini na hawak niya  bago pumasok sa banyo, kung hindi para dun sa cake at apat na box ng donuts hindi ko toh gagawin! 

_

[Trinity's Point of View]

"Hindi ko inaasahan na napasuot mo siya ng ganyan" sabi ni Nathan habang nakatingin kay Agatha na nakatanaw sa dagat "Paano mo nga ba yun nagawa?" tanong ni Drake kaya napangisi ako

"Its called negotiation" sabi ko at tumawa "For short sinabi niya na bibigyan niya si Agatha ng apat na box ng J.C.O" sabi ni Hazel at kita ko ang pag-iling   nila

"Tara swimming na tayo!" sigaw ko at hinila si Hazel papunta sa dagat "Teka Trinity hintayin niyo kami!" rinig naming sigaw ni Gabriel, sa wakas ay nakapag-pahinga na kami sa lahat!

[Agatha's Point of View]

Natawa ako ng lumusob na sila lahat sa dagat at pinaglaruan ang tubig "Hindi ka ba sasama sa kanila?" tanong ni Nathan at tumabi sakin sa beach umbrella

"Wag na" sabi ko at umiling "Mamaya na lang ako" sabi ko at tumawa "Ikaw? Hindi ka magswi-swimming?" tanong ko kaya umiling siya "Ang init" sabi niya habang umiiling kaya tumawa ako

"Kayong dalawa!" pagtawag ni Gabriek sa dagat kaya napalingon kami sa kanila "Halika na!" sigaw nito nginitian ko sila at walang balak sana tumayo pero laking gulat ko ng tumayo si Nathan at hinubad ang t-shirt kaya kitang-kita ko ang hot niyang katawan--actually lahat naman sila maganda at hot ang katawan

"Halika na, bago tayo hilahin ni Drake at Gabriel ng pilit" sabi niya habang inaalayan akong tumayo "Ayan na sila!" masayang sigaw ni Trinity sabay ng pag-hila sakin ni Nathan sa dagat.

[Third Person's Point of View]

"Chen!" sigaw ni Tyron kaya nagising ang lalaki sa kama sabay bato sa kanya ng unan "Ayoko marinig ang boses mo ngayon Tyron!" singhal nito sa kanya

"Nandito si Agatha at ang journalists club" sabi ni Tyler at hindi pinansin ang pag-daing ng kakambal sa ginawa ng boss nila, napatayo si Charles sa pagkakahiga at tiningnan ang dalawa

"Ano?!" sabi niya kaya tumango ang kambal "She's here huh?" napalingon sila sa pinto ng bathroom para makita ang kaibigan nila, natahimik silang tatlo "I think I should play today" sabi ng lalaki habang nakangisi

"San don't-" aangal pa sana ang kapatid nito ng pinatahimik niya ito "Shall we play Jordan twins?" sabi nito sa dalawa pero nanatili lang silang tahimik at alam na ni Charles ang mangyayari.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now