Pag-gising ko ay wala na si Nathan kaya tinanaw ko na lang yung feild mula sa bintana ng biglang may nag-bukas ng pinto kaya liningon ko ito at napangiti ng makita ko si William
"William" pagtawag ko dito, nginitian niya ako at umupo sa kama "Okay ka lang? Narinig kong nahimatay ka daw kaya agad akong pumunta" sabi niya na may pagaalala kaya pumasok sa isip ko yung mga tanong ko kanina
"Will kilala mo pa ba si Charlie?" sabi ko at kita ko na natigilan siya "B-Bakit mo na tanong?" tanong niya at ngumiti "Paano siya na punta sa Hive?" tanong ko natahimik siya ng sandali
"I can't answer your question Aggi" sabi niya kaya malungkot akong ngumiti "Hindi ko na kasi alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko eh" sabi ko
"I just loss my parents and now my aunt and uncle" sabi ko at pinahid ang luha na tumulo "I'm sorry Aggi, pero masisigurado ko sayo na kakampi mo ko" sabi niya
"Pati ba si Lysander?" sabi ko at tiningnan siya sa mata at kita ko dun ang pagaalinlangan niya "Hindi mo din masagot?" sabi ko kaya dahan-dahan siyang tumango
"Naiintindihan ko and I'll wait until your ready to tell me" sabi ko at ngumiti, gusto ko pa sana tanungin kung sino si Tan at Ron pero wag na lang, nag-usap pa kami ni William ng biglang pumasok si Nathan
"Uuwi na tayo" sabi niya kaya tumango ako at tumayo "Magkita na lang tayo bukas Aggi" sabi ni William bago lumabas ng clinic "Manliligaw mo ba yun?" tanong niya kaya nagulat ako
"Ano? Hindi" sabi ko at umiling "Siguraduhin mo, bawal ka pa mag-boyfriend Agatha" sabi niya kaya napalunok ako at tumango, Hawak niya ang dalawang bag namin at pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse
"Galit ka ba?" tanong ko kaya umiling siya, nakahinga ako ng maluwag dahil kinabahan talaga ako ng todo.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
Two weeks din ang nakalipas at walang pang nangyayari na kababalaghan na pwedeng may kinalaman samin, kasama ko ngayon si Trinity at Hazel sa hallway dahil wala naman kami ginagawa dahil naghahanda ngayon para sa Instramurals kaya tumambay kami sa clubroom at ngayon ay inutusan kami ng mga lalaki na bumili ng pagkain sa cafeteria.
Kunot noong nakatingin sakin si Trinity "Sigurado ka bang gusto yan ni Nathan?" sabi niya sa hawak kong plastic
"Oo, sabay namin toh kinakain sa bahay" sabi ko habang bitbit ang plastic ng dalawang caramel puff at choco shake, napatigil kami sa paglalakad ng may humarang samin na grupo ng mga babae
"Ano ang kailangan mo Dana?" sabi ni Trinity habang masamang nakatingin sa babae kaya nagtaka ako "Hoy ikaw!" sabi niya sakin at tinuro pa ako kaya napaturo din ako sa sarili ko
"Oo ikaw!" sabi niya sakin "Sumali ka para makuha ang atensyon ni Nathan noh?" sabi niya sakin kaya tahimik akong napasinghap, Ako? Inaagaw ang atensyon ni Nathan?
"Tumigil ka na Dana!" sabi dito ni Trinity "Wag kang maki-sabay diyan Trinity!" singhal sa kanya ng babae "Girlfriend ka ni Nathan diba?" sabi niya kaya nagulat ulit ako, Ako? Girlfriend ni Nathan?
"Wag kang magsisinungaling dahil kita ng lahat ang pagsakay mo sa kotse niya nung first day at araw-araw!" duro niya sakin kaya napaatras ako, May mga issue pala ako dito?
"Sabing tumigil ka na!" sigaw ni Trinity at nagulat ako nung tinulak siya ni Dana "Did you just push me?" hindi makapaniwalang sabi ni Trinity at naalerto ako nung makita ko na pinapalibutan na kami ng mga estudyante kaya hinanap ko si Hazel at isa din siyang missing in action.
Napalingon ulit ako kay Trinity "Oo, bakit?" sabi ng babae habang nakataas ang kilay at mukhang nanghahamon pa ng away "You don't come across my level so I don't have any reasons para patulan ka" sabi ni Trinity at nagulat na lang ako nung sabunutan ng babae si Trinity at mukhang walang silang balak na awatin ang dalawa kaya tinulak ko yung babae palayo at hinawakan ko si Trinity sa braso, maririnig mo na lang ang bulungan ng mga estudyante na nakapalibot samin
"Wag mo na siya pansinin, halika na" sabi ko at hihilahin na sana siya paalis ng makarinig ako ng sigaw
"You are not going anywhere bitch!" sigaw niya at naalerto ako ng hawakan niya ako sa braso at marahas na pinaharap sa kanya, akmang sasampalin niya ako ng may humawak sa pulsuhan niya galing sa likod ko at agad ko nakilala ang amoy niya
"N-Nathan" utal nung babae kaya napalingon ako sa likod ko at nakita ang mukha ni Nathan na malamig na nakatingin sa babae
"Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko" sabi niya at lahat napasinghap at kasama na ako, Ako? Kapatid niya? Hindi ko alam kung maiiyak ako o ano
"K-Kapatid?" utal ng babae at marahas na binitawan ni Nathan ang pulsuhan niya kaya napaatras siya at pumupunta ang tingin niya kay Nathan then lilipat sakin na para bang sinusuri kami
"Kapatid mo siya?" hindi makapaniwalang sabi niya sabay turo pa sakin "Anong sabi ko?" sabi ni Nathan at tinago ako sa likod niya, kita ko ang paglunok ng babae
"Hmp!" sabi niya bago mag-hair flip at nag-walk out kasama ang mga kasamahan niya kaya nawala na dun yung mga taong nakapalibot samin, liningon ako ni Nathan at hinawakan sa balikat
"Okay ka lang?" tanong niya pero tinitigan ko lang siya "Kapatid mo ko?" tanong ko at kita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa labi niya sabay ng pag-gulo niya ng buhok ko, kapatid na niya ako? Bat hindi ako informed?
"Tinawag kami ni Hazel at sinabi na hinarang daw kayo ng grupo ni Dana kaya agad kami dumating" sabi ni Gabriel "Bakit? Sino ba yun?" kunot noong tanong ko "Si Dana, matagal na yun may gusto kay Nate kaya ka hinarang" sabi ni Gabriel
"Hindi ka na nun aawayin, nalaman na niyang kapatid mo si Nathan" sabi ni Drake kaya napatango ako pero yung akala kong normal na araw ay bigla na lang nag-bago nung makarinig kami ng sigawan sabay ng pag-apoy ng isang clubroom.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misteri / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...