[Agatha's Point of View]
"Bat mo kami dito pinatawag ha? Mga detective wannabes?" hindi gaya ng mga nakaraang araw ay nandito na ngayon si Rose
"We are here to reveal the killer's identity" sabi ni Gabriel kaya natahimik sila "S-Sino? Sino ang killer?" sabi ni Stephanie
"Nakaaway ng Tita niyo ang killer..." sabi ni Gabriel at dun palang ay tila ba nawalan na ng buhay si Stephanie, mukhang alam na niya kung sino
"Napagawayan nila tungkol sa tagapag-mana sa mga ari-arian ng Tita niyo, mukhang pera lang ang habol niya" sabi ni Drake at kita ko na natigilan ang killer "Gusto niyang siya ang tagapag-mana dahil siya ang karapat-dapat" sabi ni Nathan
"Pero tinanggi yun ni Josephina at pinaliwanag ang dahilan kung bakit hindi sa kanya yun imamana" sabi ni Nathan "Dahil sa galit ay gumawa siya ng plano para patayin ang biktima" sabi ni Trinity
"Bakit niya naman papatayin si Tita? Mas lalong hindi niya makukuha ang mana!" sigaw ni Paula "Sinigurado niyang tulog kayong lahat bago patayin ang biktima" sabi ko
"Una ay kinuha niya ang lason at linagay yun sa baso" sabi ni Drake "Pangalawa ay tinanong niya ang Tita niyo kung gusto niyang uminom ng tubig na busy sa pagtrabaho" sabi ni Gabriel
"Pangatlo binigay niya sa biktima ang baso na naglalaman ng lason" sabi ni Trinity "Hinintay na lang ng killer na gawin ng lason ang trabaho niya at patayin ang biktima" sabi ni Nathan at kita ko ang panginginig ng killer
"Diba Rose?" sabi ko kaya tumingin sila lahat sa babaeng nakayuko, nagulat ang lahat sa sinabi ko "Dahil sa galit ay pinatay mo ang biktima at dahil diyan sa tago mong sakit" sabi ni Nathan
"Inaasahan mo na sayo ibibigay ang mana dahil ikaw ang paborito ng biktima sa inyong magpi-pinsan pero hindi mo inaasahan ng sabihin ng biktima na kay Stephanie ibibigay ang mana" sabi ni Nathan habang tinitignan ang nakayukong si Rose
"Kaya binigyan mo siya ng lason at nagpa-inosente at umarte na parang ikaw ang sobrang nasaktan sa pagkamatay ng biktima" sabi ko
"Pero ang hindi mo alam ay sa huling mga paghinga ng biktima ay nagawa pa niya isulat ang pangalan mo" sabi ni Drake
"Y-Yung numero" pagutal ni Stephanie kaya tumango ako, linabas ni Hazel ang Table of Elements "Sa nakikita niyo ang 75 ay ibig sabihin ay RE at ang 76 ay OS kung binaliktad mo ay ibig sabihin ay ROSE" sabi ko at sa mga huling salita ko ay natahimik silang lahat at tanging mga hikbi lang ni Stephabie at Paula ang maririnig pero biglang tumawa ng nakakaloko si Rose
"Ang galing niyo" sabi niya at pumalakpak pa "Ang galing galing niyo" sabi niya at humalakhak "Pero totoo naman diba? Dapat sakin yung mana at hindi sa walang kwentang babaeng yan!" sigaw ni Rose sabay turo pa kay Stephanie
"Ang tanga din naman ni Tita eh hindi makita-kita na ako ang karapat-dapat!" sabi niya at humalakhak "Demonyo ka! Pinatay mo na nga si Tita!" sigaw sa kanya ni Paula at sinabunutan si Rose
"Bitch lumayo ka!" sabi ni Rose at malakas na tinulak si Paula na nasalo ni Jeremy "Kayo! kung hindi lang kayo dumating hindi sana mabubuking at masisira ang mga plano ko!" sigaw niya samin
"Ikaw naman Daisy akala mo ang inosente mo? Demonyo ka din tandaan mo yan!" sigaw sa kanya ni Rose "Ang totoo niyan ang plano ko ay patayin kayonf lahat pero umepal kayo!" sabi niya samin
"Ipamumukha ko na ang killer ay si Joseph ang walang kwentang rebelde ng pamilya" sabi niya at humalakhak at kita ko ang pag-ngiwi ni Joseph
"Tumigil ka na Roseley!" sigaw ni Jeremy "Tumahimik ka!" sigaw niya dito at liningon ulit si Joseph "Alam mo bang mas minahal ka ni Tita kesa sakin, hindi ko nga maintindihan eh" sabi ni Rose at tumawa
"Rose please tumigil ka na" pagmamakaawa ni Stephanie liningon siya ni Rose at nagulat na lang kami ng linabas niya ang isang baril, baliw na talaga siya!
"Tumahimik ka sabi!" sigaw niya dito at tumawa "Wala kang kwentang anak na pinatay ang sarili niyang kapatid!" duro niya kay Joseph, dahan-dahan akong humakbang papalapit at kita ko na naalerto sila sa ginawa ko except kay Rose na nakatalikod sakin
"Ngayon ikaw na ang susunod na mamamatay" sabi ni Rose at tinutok kay Joseph ang baril "Rose tama na!" sigaw ni Jeremy at kita mo ang pagaalala niya sa kakambal
"Sabing tumahimik ka!" sigaw niya dito at nagulat na lang kami ng pinutok niya ang baril para matamaan si Jeremy sa balikat at bumagsak sa sahig
"Kuya Jeremy!" sigaw ni Paula sabay lapit kay Jeremy "Baliw ka na Rose!" sigaw ni Stephanie habang tinatakpan ang sugat ni Jeremy sa balikat na walang tigil sa pag-dugo "Baliw pala ah?" sabi ni Rose at tumawa ng malakas
"Pwes ipapakita ko kung gaano ako kabaliw na patayin kayo!" sigaw niya at tinutok kay Joseph ang baril at akmang babarilin ng sinimulan ko ng tumakbo at hinawakan ang pulsuhan niya sabay taas ng kamay niya para tumama dun ang bala, nakita ko na naalerto ang lahat pati ang mga kasamahan ko ay napadapa na pati si Joseph sa harap ko
"Bitawan mo ko!" sigaw ni Rose sakin at pilit ni binababa ang kamay niya pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa pulsuhan niya "Agatha!" sigaw ni Gabriel at kita ko ang pagaalala sa mga mukha nila
"Papatayin kita!" sigaw ni Rose sakin at na bigla ako ng sipain niya ako sa tsyan para mapaatras ako at matamaan pa ang vase sa likod ko para mabasag yun
"Hayop ka talaga Rose!" sigaw ni Joseph at susugod na sana sa kanya ng pinutukan siya ni Rose ng baril at tumama yun sa kaliwa niyang hita kaya napadapa siya
"Joseph!" sigaw ni Stephanie "Papatayin kita! Sinira mo ang lahat ng plano ko!" sigaw niya sakin at tinutok sakin ang baril
"Baliw ka na" sabi ko dito at sinagot niya ako ng halakhak "Farewell, bitch" sabi niya sakin at puputukan na sana ako ng mabilis kong sinipa ang baril na nasa kamay niya sabay suntok sa tsyan niya ng malakas para bumagsak siya sa sahig habang hawak ang tsyan niya
"Agatha papunta na dito ang pulis!" sigaw ni Drake sakin, liningon ko ang baril at kita ko na inaabot yun ni Rose kaya agad ko yun kinuha at tatakbo na sana ng kinuha niya ang binti ko para madapa ako
"Hindi ako makukulong hangga't wala akong napapatay ng isa sa inyo" sabi niya sakin at kita ko na kinuha niya ang isang piraso ng nabasag na vase, kita ko ang pag-dugo ng kamay niya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya dito at akmang sasaksakin ako ng bigla na lang siya nahimatay at nakita ko si Nathan sa likod niya habang hinihingal at dun ko napagtanto na inuntog niya si Rose sa floor para mawalan ito ng malay
"Nathan" pagtawag ko dito, hinawakan niya ang dalawa kong braso at inalayan akong tumayo
"Okay ka lang?" tanong niya na sinagot ko ng tango, sandali pa kami nagkatitigan ng marinig namin ang mga pulis sirens at ambulansya.
Case closed.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...