[Third Person's Point of View]
"Sigurado ka ba dito sa gagawin natin?" tanong ni Tyron "Marami ang pwede mapahamak dito, San" sabi ni Tyler "Ang mga Isle ang babanggain mo" sabi ni Charles habang nakatingin sa boss nila
"Andiyan naman ang kapatid ko para bantayan si Agatha" sabi ng lalaki "Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan natin siya?" sabi ni Charles
"Oo, kung hindi ako mismo ang papatay sa kanya" sabi nito kaya nagkatinginan ang tatlo na may pagaalinlangan.
[Agatha's Point of View]
"Hindi na ba sapat sayo na 50/50 na ang buhay ngayon ni Agatha at Charles ha?!" rinig kong sigaw ni Daddy sa labas ng pinto "Pero mas pinili mo pang turukan sila ng Lycana" sabi ni Daddy
"May benefit naman tayo kung gawin natin toh Dwayne" sabi ni Mr. Leo "Even if we risk our daughter's life? Hell will break loose if that happens Leonard" sabi ni Mommy na may pagbabanta sa boses
"Magiging okay lang ba tayo Charlie?" tanong ko sa lalaking nakayakap sakin "Wag mo na lang sila pansinin at matulog" sabi niya kaya sinunod ko siya.
Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa orasan sa pader.
1:15am
Ang aga pa, tumayo ako at sinuot ang fuzzy sleepers ko at unan bago dahan-dahan lumabas ng kwarto ko at pumasok sa kwarto ni Nathan at dahan-dahan na sinara ang pinto na para bang ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay at tahimik pa akong naglakad papunta sa kanya at tinitigan ang natutulog na si Nathan, grabe ang gwapo niya pag-natutulog
"Nathan" pagtawag ko dito sabay ng mahinang pagyugyug ko sa kanya "Mmm" sabi niya "Nathan" pagtawag ko ulit kaya tuluyan na siyang nagising
"Agatha?" taka niyang tanong habang nakatitig sakin "Bat ka nandito?" tanong niya "Nanaginip nanaman ako" sabi ko at napakagat labi, nagmumukha ako nitong kinder eh!
"Natatakot akong mag-isang matulog sa kwarto" nahihiya kong sabi at umiwas ng tingin, tinitigan niya ako bago bumuntong hininga
"Magkaparehas kayo ni Ana, tumatabi sakin kapag hindi nakakatulog" sabi niya habang umiiling kaya napaangat ang tingin ko sa kanya
"Halika dito" sabi niya at tinapik pa ang space sa harap niya kaya binigay ko sa kanya ang unan ko na linagay niya sa tabi ng ulo niya kaya humiga na ako at napangiti ako ng makita kong nakapikit na ulit ang mata niya
"Ganito kami dati ni William" sabi ko habang nakangiti "Sino yun?" tanong niya ng hindi dumidilat "Kasama ko dati sa trabaho ng parents ko, sobrang close kami" sabi ko
"Nakilala mo na siya" sabi ko "Saan?" tanong niya "Nakita mo siya dun sa clinic" sabi ko at dun siya dumilat at tinitigan ako "Yung manliligaw?" tanong niya habang nakataas ang kilay kaya na hampas ko siya sa dibdib ng wala sa oras
"Hindi ko nga siya manliligaw" sabi ko "Oo na" sabi niya at niyakap ang bewang ko kaya namula ako pero tila ba ay hinaplos ang puso ko sa ginawa niya
"Matulog ka na" sabi niya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko ang pabango niya.
Natatakot ako na isang araw ay bigla ka na lang mawala sa paningin ko at dahil yun sakin.
_
"Jusko!" naalimpungan ako sa ilaw at sa sigaw na yun at napayakap na lang sa unan ko, teka bat niyakap ako pabalik ng unan? Minulat ko ang mata ko at nakita si Nathan at dun ko naalala na natulog pala ako sa kwarto niya kagabi
"Juskong bata kayo! Gumising na kayo!" sigaw ng kung sino "Mamaya na ma" sabi ni Nathan at mas lalong niyakap ako "Nagyayakapan pa po sila Tita, wag niyo naman sila istorbohin" nagising ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Gabriel
"Ang sweet kaya nila tingnan" sabi ni Trinity at dun na ako napabalikwas ng bangon at nakita si Tita, Trinity, Gabriel at Hazel "Ayan gising na si sleeping beauty" sabi ni Trinity kaya lumingon sila sakin pero pinagningkitan ko lang sila ng tingin
"Sabi nga nila inisin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising" sabi ni Gabriel kaya hindi ko na mapigilan na batuhin siya ng unan at nahiga ulit sa kama kung saan niyakap ulit ako ni Nathan, ang aga pa ah?
Bat ang aga nila pumunta dito? Matutulog na sana ulit ako ng biglang gumalaw ang kama at nakita ko na tumatalon-talon ang dalawa, sina Trinity at Gabriel sa kama.
"Hindi kayo gigising ah?" sabi ni Gabriel at binato pa ng unan si Nathan at ganun din ang ginawa sakin ni Trinity
"Gising na!" sabay nilang sigaw kaya wala na akong choice kundi sumandal sa headboard ng kama habang si Nathan na nakahiga na sa hita ko sa sobrang gulo ng dalawa
"Pag si Nathan na gising, hindi lang sapak ang makukuha niyo" sabi ko habang umiiling at napatigil sila na tila ba ay natauhab sila "Oo nga noh?" sabi ni Gabriel at tumawa kaya bumaba na sila sa kama
"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko "Kailangan ni Luna ng tulong at gusto daw niya na sumali tayo sa isa sa mga 'operation' nila" sabi ni Gabriel kaya napaisip ako
"Luna? Yung member ng Paranormal Club?" sabi ko "Paano mo nalaman?" sabi ni Gabriel habang nakakunot noo "Nakita ko sa isa sa mga files ni Nathan" sabi ko kaya napatango sila, lahat kasi ng background ng estudyante ay meron si Nathan kaya binasa ko na lahat
"Si Drake pala nasaan?" tanong ko "Nasa bahay pa nila kaya pupuntahan natin siya dun" sabi ni Trinity kaya napatango ako
"Oh sige, gigisingin ko lang si Nathan" sabi ko kaya tumango sila at lumabas sa kwarto.
_
Kung iisipin ito ang pinaka-unang beses na bibisitahin ko ang bahay ng kaibigan ko "Galit ka parin ba?" sabi ni Gabriel na nagdra-drive pero sinamaan lang siya ng tingin ng katabi ko
"Parang hindi ka pa sanay diyan?" sabi ni Trinity habang umiiling "Antok ka pa ba?" tanong ko kaya tumango siya "Malapit na tayo, konting tiis na lang" sabi ko kaya tumango siya.
YOU ARE READING
Breaking The Code (Carnations Series #1)
Misterio / Suspenso_ Carnations Series #1: St. Pristine University not your so normal school. Agatha Ward isang orphan, survivor and a victim. Getting to survive two incidents that traumatized her forever and being a victim from those two incidents. Pagkatapos ng pagk...