Prologue

50 4 0
                                    

*6 years before*

"Mayu, balang araw, pupunta tayong Japan para ma-witness ang snow at 'yung mga cherry blossoms! Gusto mo 'yun 'di ba?" ibinaling sa'kin ang tingin ni Mamu habang kumikinang ang mga mata niya at abot tenga ang ngiti na para bang nangangarap.

Isa ang Japan sa mga gusto naming puntahan ni Mamu. Tulad nga ng sinabi niya, gusto niyang maranasan ang snow at cherry blossoms dahil wala namang gan'on sa Pinas. Actually, pwedeng pwede naman kami umalis ni Mamu kahit kailan namin gusto dahil may pera naman kami para doon, pero gusto sana ni Mamu na kasama si Papa.

Si Papa kasi ay laging nasa mga business trips. Siya ang nagtataguyod sa'min ni Mamu. At sa kabutihang palad, successful naman ang pagtatrabaho ni Papa. Isa siyang businessman at malawak rin ang kanyang impluwensya sa business world. Ngunit si Mamu, ay nandito lang sa bahay para alagaan ako. Bilang only child, sabi nila kailangan ko ng atensyon at natuwa naman ako roon.

"Malapit na pong bumalik si Papa 'di ba? Makakapunta rin tayo ng Japan, Mamu. Basta kapit ka lang sa'min, at mag-pray lagi." sinabi ko ang mga iyon dahil, may malalang sakit si Mamu. Tuberculosis lang naman ang sakit niya. Naniniwala akong gagaling si Mamu kaya pinapalakas ko ang loob niya.

Ngumiti ako nang malawak at tumingin sa kanya. "Gagaling ka rin, Mamu. Kailangan mong magpagaling para makapunta tayo ng Japan kasama ni Papa. Promise mo sa'kin 'yan Mamu ah? Laban lang!" positibo kong sabi. Itinanggal ko ang mask niya at hinalikan sa pisngi si Mamu.

"Ang Mayu ko talaga napakamayumi at malambing pa! Promise 'yan, Mayu. Lalaban tayo. Laban lang!" nag-pinky promise pa kami na parang mga bata at nagtawanan. Ibinalot ako ni Mamu sa kanyang malalambot na braso at hinalikan ang aking noo.

Sana, ganito na lang kami lagi. Pero talagang napakalupit ng tadhana at nawala na sa aking piling si Mamu.


***

Makoto Shinkai-inspired :)

If you don't know who Makoto Shinkai is, he's one of the greatest animators and writers in the world of animation. One of his best known works is 'Your Name'. If you haven't watched it, I recommend you check it out!! Hope you have fun (and tears) in this :)

-May

A Trip to Japan (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon