C H A P T E R 1

4.4K 87 0
                                    

-Aki's PoV-



"Kuya! Please cooperate!" Nagdadabog kong sabi sa Kuya Xander ko.

Nandito kami ngayon sa sala at hindi niya ako pinapakinggan! Nagsalpak pa siya ng earphones sa tenga niya, grabe talaga!

"Kuyaaaaa!!!" Nandito ako sa harap niya at parang batang nakikiusap.

Gusto ko kaseng mag-aral sa school na pinapasukan niya. Kaso ayaw niyang pumayag, parang timang!

Ayaw mong makinig ah...

Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number ni Mommy.

[Oh baby girl?] Pambungad ni Mommy sakin.

Baby girl!? Like hello?? Hindi na po ako bata! SEVENTEEN na kaya ako!

"Mom, stop calling me that! I'm not a baby anymore." Pagmamaktol ko.

[You're just 17, Aki. At kahit mag 18 ka na o 100 pa yan, ikaw parin ang baby girl ko!]

Napapangusong napangiwi nalang ako sa sinabi ni Mommy.

Kahit kailan, tinuturing niya talaga akong bata! Psh.

Una, nung na'sa U.S ako kasama siya. Kumuha siya ng 20 bodyguards para lang bantayan ako araw-araw. Like duh!? I'm a Mafia Queen kaya. Psh.

Tapos pangalawa, lagi niya akong tinatawag na baby! And I hate it. Pero dahil mahal ko siya, hayaan na. Matanda na rin kase yun e. Baka atakihin pa sa puso. Haha.

[Ba't ka nga pala tumawag baby?] Tanong ni Mommy na nakapag-pabalik sa ulirat ko.

Napatingin ako kay Kuya Xander na abala parin sa phone niya. Kahit naman hindi siya nakatingin. I know naman na nakikinig siya.

"Mom, si Kuya po kase....."

MAFIA QUEEN IN DISGUISE (ON GOING)Where stories live. Discover now